03

1313 Words
NELLIE "Lolo naman, ano pong kasal ang sinasabi niyo?" Lolo let out a harsh breath. "Nellie apo, tumatanda ka na pero wala ka pa ring asawa. Hindi na bumabata ang Lolo mo, apo. Baka hindi ko na maabutan ang apo ko sa 'yo." Malakas naman akong bumuntong hininga dahil sa sinabi niya. "Lolo, napag-usapan na naman po natin na wala akong balak makipagrelasyon, hindi po ba?" "Kaunti na lamang ay iisipin kong tibo ka, Nellie. Noong unang taon mo pa sa kolehiyo ka huling nagka-kasintahan. Bakit ba ayaw mo ng pumasok sa relasyon?" Dinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Isaac kaya't muli kong sinipa ang kaniyang paa. Bumaling naman ako ng tingin kay Lolo. "'Lo, hindi ko ho kailangan ng asawa o anak. Ayos na ho akong mag-isa at kasama kayo rito sa hacienda," I stated. "Kaunting taon na lamang at mawawala na sa kalendaryo ang edad mo, apo. Kailangan mo ng taong makakasama habang buhay," giit niya kaya't malakas akong bumuntong hininga. "Pero Lolo, bakit niyo naman po ako ipapakasal dito kay Isaac? Hindi ko naman po siya gusto at sigurado akong hindi niya rin ako gusto. Kung mag-aasawa po ako, gusto ko ay ako mismo ang pumili sa kaniya." Tumingin ako sa gawi ni Isaac pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. Bahagya naman akong napailing. Bakit ba ayaw mag-salita ng isang ito? "Napagkasunduan na namin ng magulang ni Isaac na ipakasal kayo dahil pareho naman kayong walang balak magpakasal at walang karelasyo—" "May boyfriend na po si Nellie, Don Protacio!" Nanlaki ang mga mata ko sa isinigaw ni Isaac. Marahas ko siyang tiningnan at itinuro ang aking sarili. "Bakit ako?" I mouthed but he just rolled his eyes. "Isaac hijo, hindi niyo na ako maloloko ni Nellie. Kilala ko ang apo ko at wala naman siyang inuuwing lalaki rito sa mansion," tila hindi naniniwalang saad ni Lolo. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Isaac para tulungan siya na mag-sinungaling. Damn! "M-May asawa na ho ako, 'Lo!" Napasinghap si Lolo at Mamang Ichi dahil sa sinabi ko kaya't napatakip ako ng aking bibig. Damn, Nellie! Anong asawa? Boyfriend lamang naman ang sinabi ni Isaac! "Totoo ba iyan, apo?" Agad na nagliwanag ang mukha ni Lolo dahil sa sinabi ko kaya't wala sa sarili akong napalunok at marahang tumango. "N-Nasa. . . Nasa ano. . . Nasa Maynila po siya, opo sa Maynila siya nakatira," I lied. Kulang na lamang ay sampalin ko ang aking sarili dahil hindi naman kapani-paniwala ang mga sinasabi ko. Paano naman ako magkakaasawa samantalang ayaw ko ngang magkaroon ng boyfriend? "Talaga? Kaya pala gustong-gusto mong dumalaw sa Maynila, apo. Oh siya, dalhin mo rito agad at nang makilala ko," sambit ni Lolo bago malakas na tumawa. My jaw fell. Talaga bang naniwala siya sa sinabi ko?! Nag-angat ako ng tingin nang sipain ni Isaac ang aking paa at pinanlakihan ako ng mata. Wala naman akong nagawa kung hindi bumuntong hininga. Bahala na. "S-Sige po, Lolo. Dadalhin ko po siya rito," pagsang-ayon ko. Tahimik lamang ang naging tanghalian namin dahil hindi na ako nag-salita. f*****g s**t. Saan naman kasi ako kukuha ng magiging asawa? "Sa kuwarto ko. Dali." Tumayo ako sa aking upuan at agad na nag-martsa patungo sa aking kuwarto matapos makaalis ni Lolo. Agad namang sumunod sa akin sina Mamang Ichi at Isaac na pumunta sa kuwarto. "Bakit mo naman kasi sinabi na may boyfriend ako, Isaac?" tanong ko nang makapasok kaming tatlo sa loob. Ini-lock ni Mamang Ichi ang pinto samantalang umupo naman si Isaac sa aking kama. "Excuse me, boyfriend lamang naman kaya ang sinabi ko. Ikaw na kaya ang nag-sabi na may asawa ka na," depensa niya. "Gago ka ba? Eh sa iyon ang lumabas sa bibig ko, e!" "Ang tanong, saan ka kukuha ng asawa, Nellie? Kilala mo naman ang Lolo mo. Naniniwala iyon agad sa mga sinasabi mo," tanong ni Mamang Ichi at ipinagkrus ang kaniyang mga braso. I let out a harsh breath. "Honestly, hindi ko alam. . ." Nag-angat ako ng tingin kay Isaac. "Magpakasal na lamang kaya tayo?" suhestiyon ko. "Oh my gosh, Nellie girl. Wala akong balak pumatol sa 'yo, ano! Mga papshikels ang gusto ko!" Napangiwi naman ako sa reaksiyon niya. "Alam ko naman. Tingin mo ba talaga ay papatol ako sa 'yo, ha?" "Eh bakit mo isinuggest na magpakasal na lamang tayo? Eew yuck! Talong ang gusto ko, Nellie. Ayaw ko sa pechay mo!" Binato ko siya ng unan dahil sa sinabi niya. "Akala mo naman may papatol sa 'yo, ang kapal ng mukha mo, ah?" Inis na tanong ko. "Kung pusong lalaki ako, Nellie, sure papayag ako. Pero kasi, kalahi ako ni Mamang Ichi. Hindi ako pusong lalaki. Pusong beki ako, ano ka ba?" I rolled my eyes in dissapointment. "Kahit naman lalaki ka, hindi kita papatulan!" "Ay wow! Nakaka-hurt ka ng feelings, Nellie girl! Crush mo nga ako noong elementary tayo, 'di ba? Duh! Ang bilis mo namang makalimot," eksaheradang saad niya kaya't muli ko siyang binato ng unan. "Puwede ba, sa halip na kung ano-anong sabihin mo diyan, tulungan mo na lamang akong mag-hanap ng magiging asawa. Knowing Lolo, sigurado akong araw-araw niya akong kukulitin tungkol doon," I remarked as I crossed my arms over my chest. "Wala ka bang kaibigang lalaki, Iska?" Napairap naman ako dahil sa itinawag ni Mamang Ichi kay Isaac. "Ay naku, Mamang Ichi! Lahat kami beki!" sagot ni Isaac at pumilantik ang kamay. Napangiwi naman ako dahil sa aksyon niya. Sigurado bang gusto akong ipakasal dito ni Lolo? Samantalang mas kilos babae pa naman ito kaysa sa akin! Bumuntong hininga si Mamang Ichi at napailing. Tumingin naman siya sa gawi ko kaya't tinaasan ko siya ng kilay. He cleared his throat. "Ikaw ba, Nellie? Sa mga lalaki mo, walang puwedeng mag-panggap na asawa mo? 'Yung mababayaran natin at kailangan talaga ng pera," tanong niya. I rolled my eyes. "Mamang Ichi, hindi ako pumapatol sa mga lalaking cheap—" "f**k. Mukhang maitatakwil nga talaga ako nang wala sa oras. . ." My eyes widened upon remembering what the handsome guy told me earlier. "Oh my gosh! I know someone!" Kumunot naman ang noo ni Mamang Ichi habang nakatingin sa akin. "Sino?" Ngumiti ako sa kaniya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad ako palapit sa direksiyon niya at maloko siyang tiningnan. "Bumalik ka ng Maynila at pumunta sa kung saan ako natulog kagabi, Mamang Ichi. Hanapin mo kung sino ang kasama kong lalaki kagabi," utos ko. "Ay! Nadiligan ka kagabi? Sana all!" Umirap ako dahil sa sinabi ni Isaac pero hindi na siya pinansin at muling tumingin kay Mamang Ichi. "Dali na, please?" I added. He sighed. "Nellie naman, apat na oras ang biyahe papuntang Maynila. . ." "Please? Please?" Sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Nanatili naman si Isaac sa mansion habang hinihintay namin ang tawag ni Mamang Ichi. Pagkalipas ng limang oras ay tumawag na siya. Sana naman ay may maganda siyang balita kung hindi, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko at kung saan ako maghahanap ng pekeng asawa. "May balita ka na, Mamang Ichi?" Agad na tanong ko matapos sagutin ang tawag niya. "Dwayne Fontanilla, thirty years old, nakatira sa mansion ng mga Fontanilla, graduate ng Business Management sa Ateneo de Manila University, walang sabit," dire-diretso niyang sabi. Mabilis na sumilay ang ngiti sa aking labi. Gotcha. "Hanapin mo kung saan siya nakatira, Mamang Ichi. Hintayin mo kami diyan," saad ko at pinatay na ang tawag. Lumingon naman ako sa gawi ni Isaac na nakataas ang kilay at tila hinihintay ang sunod kong sasabihin. "Ihanda mo ang sasakyan mo, Isaac. Pupunta tayo ng Maynila para sunduin ang magiging asawa ko. Ngayon na," utos ko kaya't mabilis siyang tumakbo palabas para sundin ang sinabi ko. A smile crept my lips. Dwayne Fontanilla pala, huh? Nice. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD