07 "Ma'am, tumatagal po kasi ng tatlo hanggang limang araw bago matapos ang dokumentong ipinapagawa niyo." I rolled my eyes for the umpteenth time. Hindi ba marunong makaintindi ito ng salitang 'rush'? "Three days? That's already your minimum?" Mataray na tanong ko. "Opo, Ma'am. Marami kasi kaming customer kaya kailangan muna naming gawin ang request nila na dokumento," sagot ng kausap ko. Malakas akong bumuntong hininga at sumandal sa aking kama. "Marami kayong customer kaya ayaw niyo akong iprioritize, ganoon ba?" "Hindi naman po sa ganoon, Ma'am. First come, first serve po kasi ang policy namin dito," pagrarason niya. "Ah basta, kailangan ko ng marriage contract bukas nang umaga. Alas singko." "Pero Ma'am, hindi nga po namin magagawa—" "Handa akong magbayad ng malaking halaga.

