Hindi Normal

1058 Words
Letticia Arceo "Mahal, saan tayo kakain?" napatingin bigla ako kay Justin. Nakakunot ang noo nito. "Ha? Sa Tokyo tokyo na lang. Gusto ko mag-ramen." sagot ko. Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pag-ikot ng mata niya. Halatang ayaw niya doon kumain. Nandito kami ngayon sa SM Fairview at nag-iikot ikot lang. Sinundo niya ako sa work at nagyayang kumain. Dumako ang mata ko sa mga kamay naming magkahawak. I feel it doesn't fit anymore. Dati gustong gusto ko magkasama kami, magkaholding hands pero ngayon, wala na. Wala ng spark. Ilang buwan na ba ang nakalipas? Isa? Dalawa? Tatlong buwan na yata. Somehow, hinahanap hanap ko ang presensya ni Carl. Kulang ang pagkatao ko simula ng makilala ko si Carl. Tangina. Namimiss ko siya. Hindi ko na siya muling nakita. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin o kokontakin. Hinanap ko siya sa f*******: pero hindi ko alam kung sino siya doon. Eh kasi naman ni hindi ko alam ang buong pangalan ni Carl. Nakakatawang isipin na may nangyari sa amin pero wala akong kaalam alam sa kanya. I don't know his complete name, kung saan siya nakatira, kung saan siya nagtatrabaho, anong cellphone number niya. Tangina Letty, nababaliw ka na. "Tara mag-order na tayo." hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ni KFC. Wait, teka KFC? Eh di ba dapat sa Tokyo Tokyo? "Di ba sabi ko gusto ko magramen? Bakit KFC? May ramen ba dito?" singhal ko kay Justin. "I don't like japanese food kasi kaya dito na lang tayo." putanginang lalaki ito. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "Tangina mo naman Justin. Nagtanong ka di ba? So sumagot ako sa Tokyo Tokyo tayo kumain. So ipipilit mo na naman ang gusto mo? Tinanong mo pa ako kung ikaw din masusunod. Putapete! Lahat na lang gusto mo ipilit. Mula sa pagkain, hanggang sa s*x gusto mo ikaw nasusunod!" "Watch your mouth Letty. Naririnig ka ng ibang tao." suway niya sa akin. "Wala akong pakialam! Mas mabuti ng marinig nila kung anong klaseng tao ka. Alam mo you're still a total jerk!  Gusto mo ikaw nasusunod. Dalawang taon Justin lagi na lang ganito. Nasanay kang lagi na lang ako sumasang-ayon sa mga gusto mo! I'm sick and tired of you! Ayoko na! I'm not happy anymore!!! Ayoko sa isang gago na katulad mo!" sigaw ko at tinalikuran na siya. "Letty! Letticia!" sigaw niya. Muli akong humarap sa kanya at tinaas ang middle finger ko. "Pakyu ka Justin!! Bulbuling general!" sigaw ko. "Letty okay I'm sorry. Bibilhan na lang kita ng red roses---" "Pakyu! Hati pa kayo ni Mayor!" sigaw ko at dalawang middle finger na ang nakataas. "Ulol. Wag mo na akong daanin sa ganyan. Sawa na ako. Break na tayong hayup ka! At saka ayoko ng red roses! Ilang beses ka bang inire ng nanay mo at lagi mong pinipilit yan. Tangina mo! Diyan ka na nga!!" at tuluyan na akong umalis. Pucha, nagkaroon ako ng dahilan para makalaya kay Justin. I'm actually planning to break up with him dahil nga di na ako masaya. Pakiramdam ko kasi may kulang. At iisang tao lang ang kayang pumuno ng espasyong iyon. Bwiset ka Carl, basta-basta ka na lang umalis. Kaasar ka. Para di agad ako masundan ni Justin ay agad akong tumawid papuntang Robinson Novaliches, magkatapat lang kasi ang SM Fairview at Robinson Novaliches. Nagpalipas lang muna ako doon at kumain ng ramen sa Tokyo Tokyo. Naisip ko, its time na ako naman ang sumunod kay Carl. Wala akong pake sa sasabihin niyo na kesyo mabilis. Istorya ko ito eh. Simula ng gabing iyon, I am looking forward na gigising ako na kasama siya. Hindi si Justin o si Jose. Si Carl. Para bang nagkaroon ako ng bagong pangarap. Pangarap kong makapagtravel sa Italy, sa Batanes. Pangarap kong yumaman. Pangarap kong makasama si Carl. Kapag kasama ko si Carl, hindi ko kailangang magtago. Nailalabas ko kung sino ako. Yung mga katangian ko. Alam kong tanggap ako ni Carl. Sa mga nakaraan ko. Napatunayan niyang mahal na mahal niya ako. Biruin mong ilang taon na siyang inlove sa akin. Almost eleven years. Mula 2009 hanggang 2020 di ba. This time, ako naman ang gagawa ng moves. Habang kumakain ay tinatadtad ako ng message ni Justin sa messenger kaya ang ginawa ko ay blinock ko siya. Masyadong madrama. Puro sorry tapos uulitin. Wag ganoon mars. Saktong nakita kong active si Jose sa messnger kaya nagchat ako sa kanya. Oo friends kami ni Jose sa f*******:. Jose, pwede magtanong? Naalala mo si Carl? Yung dating third year? Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagreply. Oo. yung laging kasama ni Joshua Yves. Ano ba complete name niya? Hindi ko alam eh. Si Joshua Yves ang tanungin mo. Magtropa iyon eh. Bakit mo pala tinatanong? Secret. Wag ka nag tsismoso. Sige. Maraming Salamat. Si Joshua Yves daw tanungin ko. Eh hindi ko din kilala iyon eh. Ginawa ko ay sinearch ko ang pangalang Joshua Yves. Maraming lumabas pero nagrelay ako doon sa account na may mga kamutual friends ko. Nakita kong kamutual ko sila Ange at Alex. So, ayun nagmessage na ako sa kanya. Pwede magtanong? Naubos ko na ang ramen ko pero hindi pa siya nagrereply. Siguro busy. Mga bandang ala syete ng gabi ay nagpasya na akong umuwi. Mahirap ng makasakay pabalik ng Marilao kapag ganitong oras. Agawan na ng jeep. Nakauwi na ako ay hindi pa din nagrereply yung Joshua Yves. Siguro mas magandang ichat ko si Sir Maru? Dating teacher yun ng third year eh. Malamang kilala niya si Carl. Papatulog na ako ng biglang may nagmessage sa akin. Laking tuwa ko ng magreply si Joshua Yves. Yes po? Ano po iyon? May friend ka bang nagngangalang Carl? Opo. Iisa lang naman ang kaibigan kong Carl ang pangalan. Puwede bang malaman complete name niya. Hinahanap ko kasi siya. Carl Mclaine Falcon po. Bakit po pala hinahanap si Carl? May sasabihin sana kasi ako sa kanya. Puwede niyo naman pong imessage siya or puntahan sa work niya. Saan pala siya nagwowork? Sa City Global Inc. doon sa Makati. Naku maraming salamat! Buti na lang nagreply ka Joshua! Hulog ka ng langit! Ang sarap mong isabit! Hahahaha!!! Tamang tama, Friday bukas. Hindi ako papasok. Bahala na si Mam Nunal gumawa ng trabaho doon hahahaha!! Mapahinga man lang ang tainga ko sa kakasigaw niya. Maghintay ka Carl, pupuntahan kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD