Pagtatapos

2412 Words
Carl Mclaine Falcon Pinagmamasdan kong mag-ayos si Letty ng aming gamit. Inilalagay niya sa maleta ang ilang naming damit at kailangan. Mamaya kasi ay babyahe kami papuntang Masasa Beach. Matagal-tagal na din ng huli kaming nagpasyal doon. One and a half years ago na din yata. Kung tinatanong niyo ang status namin ni Letty iisa lang ang masasabi ko. We are strong!!!! In a relationship na kami for four years. Yes four years na po kami. Ganoon na po kami katagal. Nagpasya kaming magleave sa work at nagbakasyon muna. Medyo toxic na din kasi sa work niya kaya inaya ko siyang magrelax muna. Tinutulungan ko na siyang  isara ang maleta namin ng mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ito at ng mabasa ko ang pangalan ni Joshua ay agad akong lumayo sa kay Letty. Mahirap na, baka malaman niya pa ang lihim namin. Lumabas ako ng bahay at dama ko ang mapanghinalang titig niya sa akin. Ngeee grabe! Kinikilabutan ako sa titig niya. "Hello?" sagot ko sa tawag. Mahina lang ang boses ko at halos pabulong lang. "Erp, nasaan na kayo?!" nailayo ko sa tainga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ng tukmol na ito. "Tang*na mo, hinaan mo lang boses mo. Andito siya sa likod ko gago." Oo, ramdam ko nasa likod ko siya. Nagtatago sa may pinto. Ngiii!! I feel goosebumps! "Hala sorry, sorry. Excited much kasi ako. Anyway, kararating lang namin dito. Sina Ange ay pinuntahan na ang venue. Mukhang magseset-up na sila." pagrereport niya sa akin. "Good tama yan. Make sure na di niya mahahalata ang ginagawa natin. Pagdating namin diyan, sasaglit ako para kausapin ka ulit." "Sige erp. Ibaba ko na ito. May dala-dala ng bakal si Ange eh. Mukhang ililitson na si Alex." pinigilan ko ang matawa sa sinabi niya. Iniimagine ko hitsura nila. Ange and Alex, remember them? Yung dalawang iyon ang bestfriend ni Letty. At kasabwat ko sila. Pailing iling pa ako ng ibulsa ang cellphone ko. Pag-ikot ko ay halos malaglag ang puso ko sa gulat. Paano ba naman kasi, nakasandal sa hamba si Letty at nakahalukipkip. Nakataas ang kilay at alam kong may tumatakbong kakaiba sa isipan niya. Tamang hinala ba? "Sino iyon?" tanong niya at tila may pait sa pagkakasabi niya. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. "Ah eh wala. Sa work lang. Akala ni Ma'am pumasok ako. Sabi ko di ba nagleave ako." sagot ko habang kamot ulo pa. "Anong Ma'am? Eh siya nga nag-approve ng leave mo kahapon di ba?" Shoot. "Ah eh nakalimutan daw niya." palusot ko. Hindi talaga ako magaling sa ganitong bagay. I am always honest sa kanya. Ultimo kulay ng brief ko sinasabi ko. Hehehe! Sorry labidabs, ngayon lang naman eh. Inirapan niya ako bago ulit pumasok sa loob ng bahay kaya sumunod na ako. Kinuha na niya ang shoulder bag niya at hinatak na ang maleta namin. Nakikita kong lumalaki ang butas ng ilong niya kaya alam kong nanggigigil na iyan sa akin. Kinuha ko ang hatak-hatak niyang maleta. Ayaw pa nga niyang ibigay eh pero pinilit ko at inilagay na sa trunk ng kotse ko. Letticia Arceo Tang*nang tukmol na ito.  May hinala akong nambababae ito eh. Ilang linggo ko ng napapansin na laging may tatawag sa kanya tapos lalayo siya at parang tangang bumubulong sa cellphone. Hayup na to! Mukhang niloloko ako? Ano after four years nagsawa na siya sa akin? Hindi na ba ako masarap sa paningin niya? Tukmol na 'to. "Ange, may sasabihin ako sayo." sabi ko habang  kumakain kami sa Tokyo Tokyo. "Ano naman iyon?" tanong niya.  Sumubo muna ako ng sushi bago siya sinagot. "Feeling ko may babae si Carl." natigilan naman siya sa paglamon at tinitigan ako ng mabuti. "Paano mo naman nasabi aber?" tanong niya at pinagpatuloy humigop ng ramen. "Kasi lagi siyang may kausap sa phone. Kapag kasama niya ako bigla siyang lalayo para sagutin ang tawag. Ang nakakapagtaka pa eh halos bumubulong na siya sa kausap niya." Napangiwi ako ng higupin niya ang nooddles ng ramen niya. "Eh baka naman sa work ang tawag na iyon. Confidential ganern." "Work? Kahit nine na ng gabi may tatawag? Tapos para siyang tanga na palingon-lingon sa akin pa sa akin just to make sure na hindi ko madinig. Anong klaseng work iyon?" "Don't you trust him?" natigil ako sa tanong niya. Do I trust him? Pero kasi--- Napabuntong hininga ako. "I do. But---" "Just trust him bhess. Mahal ka 'nun ano ka ba? Naghintay nga siya ng eleven years para makuha ka tapos sasayangin niya ang four years na pagsasama niyo dahil sa babae? Dapat noon palang nambabae na siya." Well, may point naman si Bhess. Arrgghh!! Kapag nalaman kong may babae siya kakalbuhin ko siya! Pati buhok ni general damay!!! "Hey, wanna take a break labidabs?" napatingin ako kay Carl na kumakain ng pringles. Ako naman ay tinigilan ang pagtipa para sa forms ng mga bata. "Sure? Kailan? Saan?" sunod- sunod na tanong ko. Kailan ba huling bakasyon naming dalawa? "Gusto mo sa friday. Masasa ulit tayo." sagot niya. "Sure sige!! Tapusin ko lang mga forms ng bata. Tapos magfile ako leave." So kinabukasan ay nagpaalam ako sa principal namin, kay Ma'am Evelyn na magleleave ako at si nunal ay sinunghalan ako. Lagi na lang siya sumisigaw. "Anong leave?! Hindi puwede!! Ang daming bata pa ang hindi naeencode sa LIS? Kailangan i-encode ang mga iyon dahil may deadline!!" "Ma'am, may masakit sa akin. Magpapacheck up ako." pagsisinungaling ko. "Hindi. Hindi puwede!!!!!!" Lagi na lang sumisigaw ito. Oh eh di wag! Hindi puwede magleave? Eh mag-absent! Hahahaha! Wala namang sinabi na bawal umabsent. Ay nako kahit tanggalin nila ako sa work wapakels na ko. Jusme ilang taon na kong nagtatrabaho dito ni walang 13th month! Christmas cash gift lang na halagang 1, 500. Tapos yung SSS ko, ako pa mismo ang nagbabayad na dapat hati kami ni employer. Wag ganoon mars!! Sige pa rin sa dakdak si Ma'am Evelyn na kesyo puro leave mga empleyado, puro absent, naghihintay na lang ng sahod. Tinalikuran ko na nga. Bahala siya maputol litid niya kakatalak. Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Carl. Humalik pa ito sa akin bago kinuha ang mga gamit ko at inilagay sa sofa. Opo, tama po kayo ng iniisip. Nagsasama na po kami ni Carl. Isang taon na din mahigit ng magdecide kaming maglive in muna. Hindi naman naging malaking issue sa pamilya namin. Akala ko nga bubugbugin ako ni mama, buti na lang bet na bet niya itong si Carl. "So ano? Nakapagfile ka na ng leave?" tanong niya. Tumango na lang ako kahit di naman talaga ako pinayagan ni Ma'am Evelyn. Bahala na siya doon. Gawin niya mag-isa iyon. Kinabukasan ay nag-ayos na ako ng nga gamit namin. Maayos kong nilalagay mga gamit namin sa maleta, tinutulungan pa niya akong magsara nito  nang marinig kong nagring ang cellphone niya. Lumayo siya at lumabas ng bahay. Pinaningkitan ko siya ng mata kahit di niya nakikita. Ayan na naman ang phone call na yan. Putangina sino ang hampas lupang babae ng tukmol na to? Mabilis kong inayos ang maleta at agad na nilapitan siya. Nagtago pa ako sa likod ng pinto. Pabulong bulong na naman siyang nakikipag-usap. "Good tama yan. Make sure na di niya mahahalata ang ginagawa natin. Pagdating namin diyan, sasaglit ako para kausapin ka ulit." Sinasabi ko na nga ba! Babae yan! Kaya pala nagyaya ang tukmol na ito mag-Masasa, para may time silang magkita ng babae niya! Lumabas ako sa likod ng pinto at sumandal sa hamba. Para naman siyang pusa na napatalon sa gulat. Halata mo talagang may tinatago eh. "Sino 'yon?" tanong ko. Naging malikot ang mata niya at ngumiti pa ng alanganin sa akin. "Ah eh wala. Sa work lang. Akala ni Ma'am pumasok ako. Sabi ko di ba nagleave ako." sagot niya at nagkamot pa ng ulo. Ako pa lokohin nito. "Anong Ma'am? Eh siya nga nag-approve ng leave mo kahapon di ba?" "Ah eh nakalimutan daw niya." Palusot.com! Shuta to! Halatang nagsisinungaling! Padabog akong pumasok sa bahay at kinuha ang mga gamit. Sinundan naman niya ako sa loob at pilit kinuha ang maleta at inilagay sa trunk ng kotse. Inirapan ko pa siya bago padabog na pumasok sa kotse. Pinagmasdan ko pa siyang nilolock ang pinto at gate ng bahay namin bago pumasok sa kotse at pinaandar ito. Tahimik lang kaming bumabyahe. Nanggigigil ako sa lalaking ito. Ang kapal ng mukha niyang mambabae! Sawa na ba siya sa akin? Bakit? Dahil mataba ako? Sexy ba iyong babae niya?! Nagpupuyos talaga ako sa inis. Tanghali ng magstop over kami sa Jollibee. Habang hinihintay ang kulang naming orders ay nagring na naman ang cellphone niya. Akmang sasagutin niya ito ng hampasin ko ang lamesa na siyang kinagulat niya. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone sa gulat. Napalunok siyang nireject ang tawag at ibinulsa ang cellphone niya. "Subukan mong sagutin iyan, iiwanan kita dito. Ora mismo." halos di na gumalaw ang panga ko habang nagbabanta sa kanya. "Labidabs naman, sa work ito." pagdadahilan niya. "Work? Papunta tayong Masasa di ba? Nagleave ka di ba? Bakit may work? Kung work pala iyan eh bumalik na tayo ng Manila at pumasok ka na sa opisina mo." at inirapan ko siya. "Labs naman." Mabigat ang loob kong nginunguya ang chicken joy. Ni hindi ko malasahan ang kinakain ko dahil sa inis ko sa tukmol na to. Ala sais ng gabi ng makarating kami ng Masasa. Doon sa transient house na lagi naming inuupahan kami tumutuloy. Inilalabas ko ang mga gamit namin sa maleta ng may binigay siyang brown paperbag sa akin. Napataas ang kilay ko. "Ano to?" tanong ko. "Suotin mo Labs. Bilis, agad- agad! wag ng magtanong!" at tinulak niya ako papasok ng banyo. "Tang*na nito! Madadapa pa ako sa ginagawa mo." sabi ko. Nilock ko ang pinto ng banyo at tiningnan ang laman. Isang puting bestida. Ang ganda ng damit. Sinuot ko ito at parang sinukat sa akin. Hindi naman ako nagmukhang suman. Paglabas ko ay nagulat akong makita si Alex na nakaupo. Nakasuot ito ng puting lonsleeve at itim na slacks. "H-hoy! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko at ang loko ngumiti lang sa akin. "Halika na. Kanina pa kami naghihintay. Naiinip na kami." sabi niya. "Ha? Nasaan si Carl? Anong meron?" "Secret. Ngayon, pikit ka. Lalagyan kita ng mahiwagang blindfold." at winagayway ang itim na sedang tela. "Anong pakulo niyo?" "Secret nga." sagot ulit niya. Lumapit na siya sa akin at piniringan ako. Tapos ay inalalayan ako palabas ng house. "Kapag ako nadapa sa kalokohan niyo ah." sabi ko habang dahan-dahang naglalakad. Ramdam ko ang buhangin sa mga paa ko. "Eh di madapa ka. Tulak pa kita eh." Sa asar ko ay pinalo ko siya. "Aray! Masakit ah! Iwanan kita dito eh." "Eh saan ba kasi tayo pupunta?!" "Alam mo, dapat bibig mo may tela eh hindi yung mata. Tulak kita sa dagat eh! " Kahit kailan talaga walang care sa akin itong si Alex eh. Ilang sandali lang ay tumigil kami sa paglalakad. "Be happy Letticia." sabi niya at tinanggal ang piring sa mata ko. Medyo nanlabo pa ang paningin ko nang matanggal ang piring pero ilang minuto lang ay unti unti ng lumilinaw ang paningin ko. Namangha ako sa lugar. Nasa dalampasigan pa din ako at nasa loob ng isang malaking tent na kulay puti. Napapalibutan ang  tent ng mga dilaw na christmas lights. Dahil madilim na ay lumiwanag ang paligid dahil sa munting mga ilaw.  Feeling ko nasa loob ako ng isang carousel. Napansin kong may mga petals sa buhangin na medyo tinatangay ng hangin. Nabigla ako ng may biglang tumugtog na violin at nakita kong si Joshua ang tumutugtog. Maya-maya ay may narinig akong piano, hinanap ko ito at nakita sa may bandang gilid ng tent. Si Ange ang tumutugtog ng piano. Nakita ko ang paglapit ni Joshua kay Ange habang sabay silang tumutugtog. Masaya akong nakikinig ng biglang mag-iba ang tono ng tinutgtog nila at may nagsimulang kumanta. Too many billion people running around the planet What is the chance in heaven that you'd find your way to me Tell me what is this sweet sensation It's a miracle that happened Though I search for an explanation Napanganga ako ng pumasok si Carl habang may hawak na mic at kumakanta.  May hawak itong yellow tulip at iniabot sa akin. Only one thing it could be That I was born for you It was written in the stars Yes, I was born for you And the choice was never ours It's as if the powers of the universe Conspired to make you mine until the day I die "Letticia Arceo, ikaw ang babaeng nagpabaliw sa akin. Biruin mong first year highschool palang ako ay baliw na baliw na ako sayo. Hanggang sa nakapagtapos ako ng pag-aaral ay ikaw pa din ang kinababaliwan ko. Hindi ko alam kung anong orasyon ang ibinulong mo at patay na patay ako sayo. Sayo lang umikot ang mundo ko Letty. Nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan niya ako ng pagkakataong makasama. Letty, hawak na kita at wala na akong balak bitawan ka pa." Naiiyak akong pinanuod siyang lumuhod sa harapan ko at naglabas ng isang singsing. "Letticia Arceo, will you spend your lifetime with me?" "Yes!" sagot ko at dinamba agad siya. Natumba kaming dalawa at hinalikhalikan siya. "I love you Letty." "I love you too Carl." at isinuot na niya sa daliri ko ang singsing. I bless the day that I was born for you After ng romantic moment namin ay nagkaroon ng maliit na salu-salo sa mismong tent. Binuhat nila ang mga lamesa at pagkain. "Dami kong tawa kay Bhess eh! Akala niya may babae si Carl! Hahahaha!!!" sabi ni Ange at halos mautot na sa kakatawa. "Labidabs, wala talaga akong babae. Silang tatlo lang ang katawagan ko noon. Kaninang umaga si Joshua kausap ko. Kaya wag ka ng magtamang hinala diyan." sabi naman sa akin ni Carl. "Eh papaanong di maghihinala?! Para kang eng-eng makipag usap sa cellphone. Talagang maghihinala ako." "Sorry na labs. Pero promise hinding hindi ko magagawa sayo yun!" "Abay dapat lang no! Dahil kapag nalaman kong nambabae ka-" kinuha ko ang tinidor at tinarak sa jumbo hotdog na nasa plato ko. Nakita kong napaigtad ang tatlong lalaki sa ginawa ko at kitang kita kong napahawak sila sa gitna nila. "Si general ang malalagot!" W A K A S With A Stranger written by: Love Dust                    ( P. A. Manganti ) All rights reserved: 2020

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD