Enrico Pov... Alam kong hindi titigil sa pambu-bully si Levi sa mga nakita at narinig niya pero hindi ako papayag na basta nalang niya akong mabully. Hindi ko mapigilang mapangiti pagkatapos naming maghiwalay sa tanghalian na iyon. Alam kong naramdaman din niya ang spark na iyon. Hindi ko naranasan ang ganitong pakiramdam kay Diana. Totoong minahal ko siya noon pero nakalimutan ko na simula iniwanan niya ako ng walang sapat na dahilan. Ngayong bumalik ay siya namang pagdating ni Kendra ang babaeng nagpabago sa akin. Masarap bigkasin at magandang pakinggan ang kanyang pangalan. Inosente pa rin ang mga titig niya pero nagdududa ako. Noong gabing iyon nga parang hindi virgin ang galaw eh! Kinaladkad ako ng kanyang kainosentehan sa kinaroroonan ko ngayon. Siya ay isang mapanganib na inosent

