Levi Pov... Nataranta akong nagulat sa biglaang pangyayari. Bago pa umusok si Enrico ay nilapitan ko sila. Wala sa mood si Enrico at walang papasok sa kanya na kahit anung paliwanag. Alam kong mali ang ginawa ko dahil wala naman talagang kasalanan si Enrico pero nataranta kasi ako at mukhang lasing na ang dalawang babae. Ayaw ko lang sana makaagaw ng eksena lalo pa't andun si Bruno na naghihintay magkamali si Enrico. Ang hindi ko inaasahan ay ang naging reaksyon ni Enrico. Imbes na sumbatan niya ang careless na babae ay nagulat at natulala siyang nakatitig sa kanya. Pati ang babae ay nabighani rin pagkakita sa kanya. Umalis ang babae na hindi sinagot si Enrico kaya naman hinabol niya ito pero sa sobrang bilis naman ng pangyayari parang isa itong magic na basta nalang sila naglaho. Ga

