Enrico Pov... Nababaliw na yata si Levi para magyaya magbar ngayong araw. Madalas lumalabas kami kapag Biyernes hindi Lunes. Magtatanong sana ako kaso pinatayan ba naman ako ng telepono. Lintek na Levi! Anu ang mayroon sa kanya para gusto pumunta sa bar? Tinapos ko lahat ang aking dapat gagawin saktong pasok ni Mae. "Sir, may nakikiusap po na papasok." Nag aalangan niyang tanong. Alam niyang ayaw kong naiistorbo kapag Lunes at Biyernes lalo na kung hindi importante ang iistorbo sa akin. Kung ganitong pumasok siya ibig sabihin hindi na niya kayang ihandle ang kausap niya. "Is it important?" Agad kung tanong sa kanya. "I'm not sure sir!" Sagot niyang atubili pa rin. Tumingin ako sa kanya at inaarok ang kanyang hitsura. "Okay, what is it?" Tanong ko sa kanya. Muli siyang lumingon

