Chapter 60

1027 Words
Chapter 60 Greatest Mistake “Let us all congratulate your new head chief, Agent Clavius.” Nagpalakpakan ang lahat sa naging anunsyo ng emcee at ang naging pag-akyat ni Alexis sa entablo. Mayroon kasi silang selebrasyon dahil sa maayos at matagumpan na operasyon noong isang araw. Nakakulong at nasa piitan na ngayon ang dati nilang hepe dahil nahuli nila itoismong nakikipagtransaksyon at nakikipagsabwatan sa mga sindikato. Lahat ng puyat, pagod at pagpaplano nila ay nagbunga dahil oras na iyon para unti-unti na nilang matukoy kung sino pa ba ang mga kasapi ng sindikato na sumasalot sa lipunan. “Thank you for coming here tonight. I just want to say thank you to all of us for this success. This is the beginning of our continuous success and we will soon demolish this syndicates. I will promise not to fail you again and will do my best as your chief.. Also, let me take this moment to thank my team for their hard work and dedications. This will not be possible without all of you, so thank you. Congratulations to all of us.” Iyon lang ang naging speech ni Alexis pero pumalakpak pa rin ang mga kasamahan nila lalo na sina Chris at Yangli na proud na proud sa acchievement ng kaibigan nila. “How did you two knew about our chief’s treachery? You two are really amazing in working together.” Tanong at may kasamang puri ni Yangli kay Chris. Curious talaga siya kung paano gumalaw ang mga ito at napuksa ang lihim ng kanilang hepe. ”We did a lot of work and research, Yang. Meron din tumulong sa amin para matuklasan ang lahat.” Sagot naman ni Chris na patuloy pa rin sa pagpalakpak. Tumango-tango nalang din sina Yangli at hindi na nagtanong pa. Ang mahalaga para sa kaniya ay may bago na silang hepe at sigurado siyang magiging maayos na rin ang lahat ngayon na si Alexis na ang humahabdle. Sobrang masaya si Yangli sa achievements ng mga kaibigan niya. Naghiyawan ang lahat at nagsitayuan ng itinaas ni Alexis ang kaniyang kamay bilang isang pahiwatig na lalabanan nila ang mga terrorista at gagawin nila ang lahat para sugpuin ang mga ito. ----- Nakatingin mula sa kotse sina Lorie, Rovie at Aliyah habang ginaganap ang selebrasyon sa loob. Gusto man nilang pumunta sa loob pero hindi pwede. Hanggang sa loob lang muna sila ng kotse sa ngayon. Mahirap na kapag nakita silang humalo sa mga ito. Lalo na si Aliyah na mainit sa mga mata ng owtoridad. "Mission 1 success!" Tili ni Rovie na tinawanan nina Aliyah at Lorie. Minsan talaga ay may pagkabata ang kambal ni Lorie. Hindi rin naman ito cringe pakinggan dahil cute pa nga ito kung tutuusin. Isa pa, madalang lang din makita ni Lorie na nagiging ganoon ang kapatid niya. Masaya siya kapag nakita niyang masaya rin ito. Alam niyang mas masaya ito ngayon dahil sa nobyo nito na alagang-alaga ang kapatid niya. Masaya si Lorie dahil bukod sa kaniya may isa pang tao na nag-aalaga sa kapatid at poprotekta rito. Kung ano man ang mangyari sa kaniya panatag siyang maiiwan ang kapatid niya. “You must be so proud of your boyfriend, Rovie.” Ani Aliyah kay Rovie na malapad ang ngiti mula pa kanina. “Quite so, Aliyah. I wish it was him who will get promoted but in any other way, I'm still happy for him being the new team captain." Masayang saad ni Rovie na totoong masaya nga naman sa achievement ng nobyo niya. "Oh siya! Alis na tayo. Magkikita naman tayo ulit nila mamaya. Kailangan na muna namin pumunta ni Lorie sa head quarter dahil magkakaroon na naman ng meeting ang mga leaders sa iba't-ibang panig ng mundo." Tumango si Rovie at Lorie sa sinabi ni Aliyah at nagsimula na ngang magmaneho paalis si Lorie sa lugar na iyon. ------ Pagkatapos ng naging selebrasyon ay hindi na muna umuwi sina Alexis, Yangli at Chris dahil dadaanan na muna nila ang dating hepe nila sa kulungan. Kailangan pa nilang makausap ito at alamin kung bakit nagawa nitong trumaydor sa serbisyo. “Are you sure you don’t want to come with us, Yang?”Tanong ni Chris kay Yangli na naghahanda na para umalis o umuwi na. “Oo manong. May lalakarin pa rin kasi akong iba kaya hindi na muna ako makasama sa pagdalaw niyo kay hepe.” sagot naman ni Yang at nginitian ang dalawa. Tumango nalang din ang dalawang binata sa sinabi ng dalaga at hinayaan na itong makaalis. Mabuti na rin iyon na hindi na muna nila kasama si Yang dahil gusto na muna nila na sa kanila munang dalawa iikot ang impormasyon na makakalap nila. Hindi rin naman sa hindi nila pinagkakatiwalaan si Yang. Ayaw lang nilang maging kampante at careless. Mas maiging maging maingat sila ngayon lalo na at hindi naman nila alam kung sino pa talaga ang kalaban. Kaya kailangan nilang maging maingat simula ngayon. Pagkarating sa kulungan ay agad nilang pinuntahan ang hepe nila na mukhang natutulog. “May bisita ka hepe.” anunsyo ng isang bantay police sa selda nito. Iminulat ng hepe ang kaniyang mga mata na nakapikit at sinarado muli ang mga mata ng makita silang dalawa nito. “Ano pang ginagawa niyo rito? Wala akong sasabihin sa inyo kung hindi umalis na kayo.” Malamig na saad ng dating hepe nila at tumalikod pa ito para hindi sila makita nito. “We want to know why you betrayed the service and choose to help the syndicates. We want your answer and your help.” Alexis replied to what his former chief said to them. “You will gain nothing from me. This will be your greatest mistake. I tell you, much worse will come. So, goodluck." The chief said it and dismissed them completely. “What do you mean by that?” asik ni Alexis ngunit hindi na sumagot ang hepe at sinuot ang earphones nito. Wala na rin nagawa sina Alexis at Chris kaya umalis nalang din sila. “Ano kaya ang ibig sabihin ni hepe na malaking pagkakamali?” tanong ni Chris sa kawalan. Naging palaisipan tuloy sa kanila ang sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD