Chapter 17
Asking Rovie out
Sa hindi malaman na kadahilanan ay hindi maipaliwanag ni Rovie ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya sa binata sa totoo lang.
“You’re bluffing.” Ang nasabi ni Rovie at awkward na tumawa.
“No, Rovie. I’m serious and I really want to know you more. Is it okay for you and will you let me?” tanong muli ni Chris sa kaniya.
“Okay.” Mabilis na pagpayag ni Rovie na hindi naman inaasahan kaagad ng binata.
“You are fine with it? Do you really mean it? So, you’re okay going out with for a date?” paninigurado ni Chris ikinatawa ni Rovie.
“Yea, let’s get to know each other then.” Sincere na ngumiti si Rovie kay Chris na nagpangiti din naman sa binate.
“Great! Let’s schedule our first date then.” Ani Chris at kinindatan si Rovie.
Rovie was just smiling the whole time when they continued to talk. They were talking about their work and other stuffs. They were talking and enjoying each other’s company when the time arrives that Chris need to leave. Chris made sure of Rovie’s decision and told her that he will pick her up for their first date. They have already exchange numbers too, so they can call and text each other from now on.
Habang sa ‘di kalayuan naman ay nakatanaw si Lorie sa loob ng coffee shop kung saan nakikita niya ang kapatid na masayang nakikipagkuwentohan sa isang lalaki. Naikuyom ni Lorie ang mga kamay at galit na umalis. Ayaw na niyang makita ang eksenang iyon. Nagkaroon na din ng ideya si Lorie kung bakit galit sa kaniya ang kapatid. Naalala ni Lorie ang inasal niya sa isang insidente noong isang araw at napagtanto niyang ito lang ang natatanging maging dahilan ng kapatid para magalit sa kaniya. Nagagalit si Lorie sa kapatid dahil sobrang unfair ng ginagawa ng kapatid niya sa kaniya.
Nagpasya nalang si Lorie na umalis at hindi nalang muna siya uuwi sa kanila dahil baka masumbatan niya pa ang kapatid niya. Iiwas nalang din muna siya para walang mangyari na gulo o hidwaan sa kanilang magkakapatid. Ayaw niyang sabayan ang kapatid sa kung ano mang mood nito.
Maya-maya umuwi si Rovie na nadatnan ang apartment nila na walang ilaw at sobrang tahimik. Mukhang tulog na ang kapatid niya o baka umalis na naman ito. Pumasok si Rovie sa loob ng apartment nila habang dala-dala ang isang cake na pang peace offering niya sa kapatid. Nawala na kasi ang inis niya para rito kaya makikipagbati na siya at hihingi ng tawad sa inasal niya.
Pagpasok sa loob ng bahay ay sinindihan ni Rovie ang ilaw at sobrang tahimik talaga. Pumasok siya sa kwarto nila para tingnan kung nandoon lang ang kapatid niya na natutulog lang pero wala ito doon. Napabuntong hiningi si Rovie at lumabas muli sa kwarto nila at nagpuntang kusina para maghanda ng hapunan nila ng kapatid. Tinitay niya kasi na uuwi din mamaya ang kapatid niya kaya maghahanda pa rin siya kahit hindi sila magkasabay sa pagkain.
Matapos makapagluto ay nilagay ni Rovie ang cake sa ref at tyaka siya pumunta sa sala para manood ng TV. Binuksan ni Rovie ang TV sa isang news channel upang makibalita sa kung ano na ang nangyayari sa paligid. Napabuga nalang ng hangin si Rovie ng wala namang interesadong mga balita. Naghanap nalang siya ng magandang pelikula na pwede niyang panoorin habang hinihintay niya ang kapatid niya.
Pinanood ni Rovie ang So Close. Ito ay isang Chinese movie na tungkol sa dalawang babae na assassin at inutusan ang dalawang babae na iassassinate ang kapatid ng naghire sa kanila. Habang nanunood si Rovie ay hindi niya mapigilan ang mapahanga sa mga role ng dalawang babae sa pelikula. Sobrang astig ng mga ito at naiimagine niya na kung what if silang dalawa iyon ng kapatid magiging maganda siguro silang tandem. Pero ang kapatid niya lang naman ang magaling makipag-away. Wala siyang kaalam-alam sa mga ganoong bagay at mahina din ang loob niya sa ganoon. Siguro magiging maganda ang samahan nila kung ganoon.
Nasa kalagitnaan na ng panunood si Rovie ng bigla siyang makaramdam ng antok. Tiningnan niya ang kaniyang wrist watch at nakitang malapit ng mag-alas diyes ng gabi pero wala pa rin ang kapatid niya. Malungkot na pinatay ni Rovie ang TV at pumunta na sa kwarto para matulog. Pero bago siya tuluyang natulog ay nagbihis na muna siya sa kaniyang pajama para kumportable ang gagawin niyang pagtulog. Pagkatapos magbihis ay pinatay niya ang ilaw at binuksan naman ang aircon tyaka siya natulog na.
-----
Kinabukasan ay maaga nagising si Rovie ngunit pagkalabas niya sa kwarto ay wala pa rin ang kapatid. Hindi rin kasi nababawasan ang pagkain na niluto niya kagabi. Biglang nalungkot si Rovie. Kasalanan naman niya kasi kung bakit hindi umuwi ang kapatid. Mukhang nasobrahan din siya kahapon kaya nauunawaan niya kung magtatampo man o magagalit din sa kaniya ang kapatid.
Naligo na si Rovie para maaga siyang pumasok sa trabaho. Wala siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi talaga siya dahil hindi umuwi ang kapatid niya at hindi niya ito nakausap.
Isang text ang natanggap ni Rovie pagkatapos niyang magbihis. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang text.
From: Chris
I’ll pick you up at work later before lunch. Looking forward to our date.
Napairap nalang si Rovie sa text na nabasa niya. Alam niya na may ibang intensyon ang binata sa pag-aaya nito sa kaniya. She was like, all of sudden he will ask her out? Isang beses lang silang nagkausap talaga ng masinsinan at hindi niya kinoconsider na sapat na iyon para mahulog ka sa isang tao. Hindi niya alam kung ano man ang intensyon sa kaniya ng binate pero sasakyan na muna niya ito. She’s not a genius for nothing. Akala siguro ng binata na pwede lang siyang mauto at mabilog nito. Mahina man siya sa pakikipaglaban pero may kakayahan naman siyang ianalyze ang mga bagay-bagay at magbasa ng mga kinikilos o aksyon ng isang tao.
Kung ang kambal niya pinag-aralan ang pakikipaglaban siya naman ay iba ang inaaral niya. Pinagbigyan niya lang ang lalaki dahil may gusto rin siyang malaman tungkol rito sa kaibigan niyang si Alexis. Paunahan nalang siguro sila.