Chapter 41
Getting to Know Each Other More
Kapwa walang kibuan sina Lorie at Alexis sa loob ng private room kung saan nakaconfine ang dalaga.
Panay ang buntong hinga ni Lorie at nakukuha na ni Alexis ang ibig sabihin niyon. Panay ang pindot sa cellphone ng binata upang tawagan at itext ang kaibigan na mula pa kanina ay hindi niya macontact.
Hindi niya alam kung saan nagpunta ang kaibigan niya at ang kambal ni Lorie at hindi sila macontact.
Panay pa rin ang buntong hinga at pagpaparinig ni Lorie sa binata kaya hindi na nakatiis si Alexis.
"Aalis din ako kapag nandito na ang kapatid mo. You don't have to be rude. Sinabi rin ng mga nurse na dapat may kasama ka rito." Inis na saad ni Alexis.
"Hindi kita kilala. Why would I trust you and let you be in the same room with me?" Tugon naman ni Lorie sa sinabi ng binata.
Kumulo ang dugo ni Alexis sa sinagot nito.
"Have you ever heard of the phrase, compassion for others? Ang laki ng galit mo ah. I'm supposed to be the one who will get mad here because you hit my car, brought you in the hospital and making you company!" Galit na saad ni Alexis sa dalaga na nagpatahimik naman dito.
Sa isipan ni Lorie ay tama nga naman ang binata. Mukhang nasobrahan nga ata siya sa pagiging harsh at maldita sa lalaki. Napakawalang kwenta niya namang tao sa inasal niya.
Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Lorie sa binata dahil napahiya talaga siya sa sinabi nito sa kaniya. May punto at tinamaan talaga siya.
"Now you're being quite? Wow! Just wow! Napakaheartless at cruel mong babae ka!" Singhal na naman ni Alexis kay Lorie.
Gustong matawa at mainis ni Lorie sa sinabi ng binata. Hindi niya malaman kung ano ba talaga ang gusto nito. Kung magsasalita siya masyado siyang harsh. Kung tatahimik naman siya heartless at cruel siya. Hindi niya alam kung ano ang irereact sa binata.
"I don't know you." Ganoon lang kasimple ang sinagot ni Lorie habang nakatingin ng diretso sa binata.
Parang natameme si Alexis sa isinagot ng dalaga.
Napakawalang hiya talaga ng ugali ng babaeng ito! Singhal ni Alexis sa kaniyang isipan at pinapakalma ang sarili.
Ngayon pa lang siya naka-engkwentro ng babaeng katulad ni Lorie. Ibang-iba ang ugali nito kaysa sa ibang babae. Parang babaeng bersyon niya ito kaya siya naiinis. Sa katunayan niyan ay hindi siya naiinis dahil sa mga pinagsasabi nito kundi sa asal ag ugali na pinapakita nito sa kaniya. At mas kinaiinis niya ay habang ganoon ang dalaga ay lumalakas ang lukso ng dibdib niya.
Ni hindi niya nga alam kung anong meron sa babae. Wala nga siyang alam kung ilang taon na ito eh. Kaya malabo ang kung ano mang nararamdaman niya para rito at hindi niya aaminin at tatanggapin dahil wala lang naman iyon.
"You don't know me? Then let's introduce ourselves to each other." Pursigido talaga si Alexis na may malaman tungkol sa kambal.
Si Lorie naman ay nawe-weirdohan na sa inaasal ni Alexis. Gusto na talagang matawa ni Lorie sa pinaggagawa ng binata at hindi na maipinta ang mukha nito.
"Okay." Tugon nalang ni Lorie at nilahad ang kaniyang kamay.
"Hi! I'm Lorie Dhel Atanayshe. I'm twenty three years old. What about you?" Nakangiting saad ni Lorie at siya na nga ang naunang nagpakilala rito.
Nagulat naman muli si Alexis at lumakas na naman ang kabog ng puso niya dahil sa ipinakitang ngiti ni Lorie sa kaniya.
Pinapagalitan at pinapangaralan ang sarili sa kaniyang isipan dahil sa weirdo niyang nararamdaman.
Inabot ni Alexis ang kamay ni Lorie at ng mga oras na naglapat ang mga kamay nila ay parang nakurente ang binata kaya mabilis siyang napabitaw dito.
"I-I'm Alexis Clavius Green. Thirty years old." Nauutal na tugon naman ni Alexis sa dalaga at umiwas ng tingin.
Fck! Why are you stammering idiot! Singhal ni Alexis sa kaniyang sarili. Nawe-weirdohan na talaga siya sa sarili niya. Hindi naman siya ganoon noon sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Pero bakit iba ang nararamdaman niya pagdating kay Lorie? Posible nga bang ganoong ang nararamdaman niya rito?
"So, what do you do for living?"
Natauhan si Alexis ng magtanong muli si Lorie sa kaniya kaya sinagot niya naman ito pero hindi niya sinabi ang totoo niyang propesyon.
Nagbatuhan lang sila ng mga tanong sa isa't-isa hanggang sa humaba pa ang usapan nilang dalawa.
-----
Nag-uusap lang sila Lorie at Alexis ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang kambal ni Lorie na si Rovie ag kaibigan ni Alexis na si Chris.
"I'm sorry ngayon lang kami. Naaliw kasi kami sa panunood ng movie sa sinehan ag hindi namin na notice ang tawag." Pagbibigay alam ni Rovie sa kanila na alalang-alala at nagpapanic.
Agad na nilapitan ni Rovie ang kambal at nag-aalalang dinaluhan ang huli.
"Okay ka lang ba sis? May masakit ba sa 'yo? Did you hit your head?" Magkakasunod na tanong ni Rovie sa kapatid.
"I'm already fine, sis. Thanks to Alexis who brought me here." Sagot naman ni Lorie at binalingan ang binata.
Nilingon din naman ni Rovie ang binata ag lumapit dito.
"Thank you for bringing my sister here, Alexis. Thank you so much." Natatarantang saad ni Rovie at hinawakan ang kamay ng binata.
Nakatingin lang si Alexis sa kamay niya na hawak ng dalaga kaya agad itong binitawan ni Rovie.
"I'm sorry." Awkward na saad ni Rovie.
"It's not a big thing. I'm glad your sister is okay and fine." Ani nalang ni Alexis at tumayo na mula sa kinauupuan niya.
"I'm going to leave now. I still got important things to do," paalam ni Alexis sa kanila. "See you later, man." Dagdag niya at tinapik ang balikat ng kaibigan na si Chris. Binigyan niya rin ito ng isang makahulugang tingin bago siya tuluyang umalis.
Nakuha naman ito ni Chris at tinanguan ang kaibigan pabalik.
"Sige bro, kita nalang tayo mamaya." Ani naman ni Chris.
Nang makaalis na si Alexis ay tinuon nila ang atensyon kay Lorie at tinanong ito.
"Mabuti at hindi nagalit iyon sa 'yo, Lorie? Nakita ko malaki ang damage sa sasakyan niya." Ani Chris at lumapit sa tabi ni Rovie.
"Kanina galit na galit. Weirdo ang kaibigan mo." Natatawang saad ni Lorie na nagpamangha kay Rovie at Chris.
Nagkatinginan sina Rovie at Chris sa isa't-isa at parang pareho silang dalawa ng naiisip.