Chapter 90 Abduction "Ilang beses ko ng tinatawagan si Rovie pero hindi niya sinasagot ang tawag ko!" singhal ni Lorie sa nobyo ng kapatid na hindi na rin mapakali sa inuupan. Ilang oras ng nawawala si Rovie at hindi nila alam kung nasaan ito ngayon. Hindi naman ganoon si Rovie na aalis nalang na hindi nagpapaalam. Sobrang nag-aalala na si Lorie kung ano na ang nangyari sa kapatid niya. Wala rin alam si Chris dahil nasa misyon ito at tanging ang kapatid niya lang ang naiwan sa bahah nila. Pero kung dinukot man ito ay dapat gulo-gulo ang mga gamit nila sa bahay at may bakas na dinukot nga ito ng kung sino man. "Hindi ba kayo nag-away ni Rovie? Baka may ginawa ka na kinagalit niya." Sumbat ni Lorie sa nobyo ng kapatid. Mabilis na umiling si Chris sa naging bintang ni Lorie. "Hindi na

