Chapter 82 Almost Caught in the Act Lorie was busy cooking their dinner and she was the only one left in the house. Wala na naman ang mga kasama niya sa bahay at hindi niya alam kung saan nagpunta ang mga ito. Hindi naman iyon problema kay Lorie dahil naiintindihan niya naman na may iba pa ngang kailangang gawin ang mga ito. Siya rin naman ay nawawala minsan at may pinupuntahan rin. Nagtext din naman ang mga ito sa kaniya na uuwi at doon na nga maghahapunan kaya nagluto na si Lorie ng pagkain. Sa katunayan niyan ay natulog lang talaga siya magdamag kanina dahil sa sobrang pagod na naramdaman niya sa pinaggagawa niya kahapon. Masyado siyang nadrain kahapon kaya knock out kaagaf siya. Nabigla nalang si Lorie ng may biglang yumakap sa kaniya mula sa likod at hinalikan ang kilid ng leeg

