Chapter 92 Jonas is the Emperor "We are giving you 24 hours and we will release your twin. Don't make a false move or you will going to regret it." Ani ng tumawag kay Lorie at sinabihan siya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Naikuyom ni Lorie ang kaniyang kamay at nakaramdam ng galit para sa mga taong dumukot sa kambal niya. Huwag lang talaga silang magkakamali na saktan at galawin ito dahil makakatikim sila. "Sino iyong tumawag, Lorie? May balita na ba tungkol sa kambal mo?" tanong ni Aliyah kay Lorie ng makabalik siya sa loob. "No. It's just a random call from someone. I also thought it was Rovie or someone who knew where she is but it's not." tanging sagot ni Lorie kay Aliyah at iniiwasan niyang mapatingin sa kaibigan dahil mahahalata nitong nagsisinungaling pang siya. "Oh okay,

