Chapter 94 Hidden Pregnancy Nang matapos magsuka si Lorie ay agad niyang pinahiran ang bibig at sumandal sa dingding ng banyo. Kumukuha siya ng suporta mula sa inidiro na ngayon ay nakasarado na. Hindi alam ni Lorie kung bakit bigla nalang sumama ang pakiramdam niya at naduduwal siya. Wala naman siyang nakain na kakaiba o ano para sumakit ang tiyan niya at mahilo siya. Sa katunayan nga niyan eh masama na talaga ang pakiramdam niya kahapon pa lang at hindi niya alam kung bakit. Isang linggo na rin ang nakalipas nung nawala ang kakambal niya at hindi naman iyon dahil sa stress. Masama lang pakiramdam niya for no reason. "Lorie, okay ka lang ba diyan?" tanong ni Rovie sa kaniya mula sa labas ng banyo. Hindi pa magawang sumagot ni Lorie dahil nanghihina pa siya at isa pa ay nahihilo rin

