Chapter 36

1461 Words
Chapter 36 Sister's Acceptance Part II Nang tumahan ang kambal ay hinayaan lang muna ni Rovie na kumalma ang kapatid at magsabi ng saloobin nito. Hindi niya pipilitin na magsalita ang kapatid at magkwento sa kaniya. Kusa naman itong magsasabi kung gusto nito. Humiwalay si Lorie kay Rovie at pinahiran ang mga luha sa kaniyang mukha. Nakayuko pa rin siya at hindi makatingin ng maayos sa kambal niya. Kahit anong gawin na pagpapaintindi ni Lorie sa sarili ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya. Kaya hindi siya makatingin sa mga mata ng kapatid dahilan ay nahihiya siya. Wala siyang mukhang maihaharap sa kapatid niya. "Are you okay now, Lorie?" Si Rovie na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa at tumango naman si Lorie sa tanong nito. "Ayusin mo muna sarili mo. Magtatrabaho lang ako at pag-usapan natin sa bahay mamaya ang bumabagabag sayo." ani Rovie na pinapakalma at pinapagaan ang loob ng kambal. Nakangiting tumango si Lorie sa kapatid at tinapik ang kamay nito na nasa balikat niya. Nang makaalis ang kapatid ay napahinga ng malalim si Lorie at napabuga rin naman ng hangin kalaunan. Hindi niya alam kung namalayan ba ng kapatid niya ang pagpeke niya sa ngiti niya. Malalaman niya rin naman mamaya kapag nakauwi na sila ng kapatid sa bahay nila. Hindi niya rin dapat pinoproblema ang tungkol sa bagay na iyon sa ngayon. Ang dapat niyang problemahin ay kung ano ang sasabihin sa kapatid niya mamaya. Kung paano siya magsisimula o kung saan siya magsisimula. Kailangan niyang pag-isipan ang isasagot niya sa kambal mamaya. Ayaw niya man sabihin sa kapatid ang buong katotohanan ay kailangan. Ayaw niya talaga ang naglilihim sa kapatid niya. Bahala na mamaya kung tatanggapin pa ba siya o hindi ng kapatid pagkatapos ng lahat ng mga nagawa niya. Sapagkat alam niyang may karapatan din naman ang kapatid na malaman kung ano ang pinasukan niya at kung ano ang nangyari sa mga magulang nila. Whatever her sister's decision and plans, she will accept it. ----- Alexis was busy typing in his laptop when he saw something in the internet. He zoomed it in and he saw a detail that he didn't expect to see at that time. He immediately saved the information to his flash drive and made a copy of it. He also printed the information and made a few copies of it. Hindi talaga makapaniwala si Alexis na basta nalang siyang makakakuha ng impormasyon tungkol sa mga ito. Parang sinadya na magbukas siya ng computer at tumingin-tingin saga site. Mabuti nalang talaga. "I will find out more about you both." Untag ni Alexis sa sarili habang nakatingin sa picture ng kambal. Nahihiwagaan talaga siya sa dalawang babaeng iyon. Hahanap talaga siya ng paraan para magkaroon pa ng impormasyon tungkol sa kambal. Iyon ang mission niya ngayon. ----- Nang makauwi sina Lorie at Rovie sa bahay nila ay namutawi lang ang katahimikan ng makaupo sila sa sofa nila. Naghihintayan lang silang dalawa kung sino ang magsasalita ng una. "So, are you going to tell me what's wrong bothering you?" Si Rovie na ang bumasag sa katahimikan na namutawi sa kanila. "Uhmm... Ano kasi.. Ano.." paputol-putol na saad ni Lorie. Mapagpasensya na naghihintay si Rovie sa sasabihin ni Lorie sa kaniya. Pakiramdam ni Rovie ay may mabigat na bagay na bumabagabag sa kapatid kaya hihintayin niyang mag open up ito sa kaniya. "Mom and dad is already dead, Rovie." malungkot na simula ni Lorie na hindi inaasahan ni Rovie. Gulat ang natatanging ekspresyon na mababakas sa mukha ni Rovie pagkatapos ng sinabi ni Lorie. "What do you mean?" tanong ni Rovie sa kambal dahil hindi klaro sa kaniya ang sinabi nito. Tiningnan ni Lorie sa mga mata ang kapatid at sinabi ang mga bagay na nagpapabigat sa kalooban niya. "They are dead, Rovie. They died right in front of my eyes." malungkot na saad ni Lorie. "H-How? You saw them?" Tumango si Lorie sa tanong ng kambal. "How? How did you saw them? Who killed them?" magkakasunod na tanong ni Rovie sa kaniya. Hindi alam ni Lorie kung paano niya ba sasabihin sa kapatid ang lahat ng nangyari sa Japan. Nawawalan siya ng mga salita at hindi niya makapa kung ano ang sasabihin niya. "I'm part of a syndicate group, Rovie. They brought me back to Japan as one of their henchman. When we are there, I didn't expect to see mom and dad being captured by the organization. They killed dad and shot him in the head in front of mom and me," pagkukwento ni Lorie at niyuko ang ulo. "The group I am right now is one of the groups who's chasing us back in Japan. I couldn't save father so as mother." tumutulo na ang luha ni Lorie ng paunti-unting kinukwento sa kambal ang lahat ng nangyari. "How did you join the group? Why did you join them?" Hindi malaman ni Lorie na kung ano ba ang iniisip ng kapatid niya sa mga oras na iyon. Hindi niya kasi mawari kung ano ba ang iniisip ng kapatid at hindi niya mababakasan ng kung anong emosyon ang boses at mukha ng kapatid. "To save you, Rovie. I have no choice but to join them so I can save you. Remember the time I rescued a girl month ago? She's a daughter of a syndicate leader here in the Philippines. She's the reason why I'm always out. I need to follow her to save you. I really have no choice," pagsagot ni Lorie sa huling katanungan ng kapatid niya. Habang si Rovie naman ay nakatingin at nakikinig sa kapatid. Natouch siya sa sinabi nito dahil kahit hindi sila nagpapansinan ay siya pa rin ang iniisip nito ang kaligtasan niya. Gustong magalit ni Rovie sa kapatid dahil sa pagsali nito sa sindikatong grupo ngunit hindi niya kaya lalo na at siya ang rason kung bakit ito napasama sa grupong iyon. Wala siyang karapatan na husgahan ang kapatid niya dahil sa ginagawa nito. Lalo na at para sa kabutihan naman pala niya. "What about mom? What happened to her?" tinanong nalang ni Rovie ang tungkol sa ina at iwinaksi ang topic tungkol sa pagsali ng kambal sa sindikatong grupo. Ang tanong ng kapatid ang siyang nagpatigil kay Lorie. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kapatid niya sa tanong na iyon. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kapatid kung paano namatay ang mama nila. Hindi niya kayang sabihin na siya ang pumatay sa nanay nila. Nag-aabang lang si Rovie sa isasagot ni Lorie sa kaniya. Nakita niyang naging magulo ang mga mata nito at hindi makatingin sa kaniya ng maayos. "What happened to mom, Lorie?" tanong muli ni Rovie sa kapatid. "I k-killed her, Rovie. I killed our mom. I killed her with my own hands." Npapahikbi ng saad ni Lorie. Sobra pa sa pagkagulat ang naging ekspresyon ni Rovie ng sabihin iyon ng kambal niya. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya naiintindihan at hindi niya matanggap. "I can't believe you, Lorie. Tell me you're lying. Tell me you didn't kill mom. Tell me what happened." nababasag na rin ang boses ni Rovie dahil sa mga sinabi ni Lorie. Hindi siya makapaniwala at hindi niya matatanggap ang mga nangyari sa magulang niya. Pero hindi niya muna huhusgahan ang kapatid at magalit dito. Kailangan niyang marinig ang side nito. Nagsimulang magkuwento si Lorie sa mga nangyari sa Japan. Mula sa nangyari sa papa nila hanggang sa madiskubre niya na buhay pa ang ina. Sa pagkikita nilang muli at sa pinaplanong pagtakas ni Lorie sa ina at sa nangyaring kaguluhan doon. Kinuwento niya lahat ng mga nangyari at sinisi ang sarili niya sa lahat. "I'm so sorry, Rovie. I tried my best. I am a coward and a weakling. I didn't saved them both. Worse is that, I killed our mom. I killed her. I failed to saved them." umiiyak at humahagulhol na saad ni Lorie. Si Rovie naman ay pinaprocess pa ang lahat at hindi pa makareact. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin niya. Nang mapagtanto na umiiyak ang kapatid ay niyakap kaagad ni Rovie si Lorie at pinapatahan ito. "Don't cry now, Lorie. It's not your fault. You didn't kill them. It's not your fault that they get captured and tortured. Hush now sis, I will accept you no matter what. You didn't kill mother. She saved you and sacrifice herself to let you live. She did it for us, Lorie." pagpapatahan ni Rovie sa kambal. Totoo naman kasi. Walang kasalanan si Lorie at hindi nito dapat sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Hindi niya alam kung gaani kabigat sa dibdib ng kapatid ang pinagdadaanan nito ngayon. Hindi niya maimagine ang trauma at bigat sa loob na pinapasan ni Lorie sa kalooban niya. Wala siyang alam. Hindi niya alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD