Chapter 14
Goofball
Pumunta sina Alexis at Chris at Chris sa nag-iisang bakanteng lamesa at umupo sa dalawang upuan doon. Full pack nanang coffee shop ng makarating sila. Mabuti nalang at nakahabol pa sila at may isa pang lamesa para da kanila. Sa katunayan din niyan ay pinilit lang ni Chris si Alexis na sumama sa kaniya. Mabuti nga at nahila niya ito dahil wala pa naman si Yangli. Kasalukuyan pa itong nagpapagaling at nagpapahinga mula sa nangyari nung nakaraang gabi.
Habang sa 'di kalayuan, nagtataka naman si Rovie kung bakit bigla nalang pumasok sa staff room ang kambal na si Lorie at halata ang iritado nitong mood. Tiningnan ni Rovie ang kanina'y tinitingnan ng kapatid at napangisi nalang siya. Mukhang affected na affected ang kambal sa presensya ng dalawang lalaki.
Nilapitan ni Lorie ang mga lalaki para tanungin ang mga order nila. Hindi alam ni Rovie kung mga binata pa ba ang mga ito o may mga asawa na. Sa tingin niya kasi ay mas matanda ang mga ito sa kanila ng kambal.
Nakangiting inapproach ni Rovie ang dalawa at binati ang mga ito.
"Magandang umaga mga sir. Ano po ang order nila?" magalang ngunit masigla ang boses ni Rovie ng tanungin ang dalawa.
Nanlaki ang mga mata ni Alexis pagkakita ulit sa babaeng niligyas niya noon. Ngunit hindi katulad sa mga naunang araw na nakabusangot ang mukha nito. Ngayon kasi ay nakangiti ito sa kanilang dalawa ni Chris at sobrang aliwalas ng awra nito.
"Yow, Rovie! How are you doing?" bati at tanong ni Chris rito kaya mabilis na tiningnan ni Alexis ang kaibigan.
Natawa si Chris sa naging reaksyon niya na sinundan din ng tawa ni Rovie. Kumunot ang noo ni Alexis at pinukulan ng masamang tingin ang kaibigan.
"Why are you laughing? And isn't your name, Lorie?" naguguluhan na tanong ni Alexis sa dalawa sabay ng pagturo niya kay Rovie.
Umiling si Rovie at sabay na nagtawanan na naman ang dalawa na nagpa-inis na ng tuluyan kay Alexis. Seeing his annoyed face, the two stopped from laughing and was trying to hold back their laughter. Rovie faced Alexis still chuckling.
"Actually, my real name is Rovie and not Lorie," Rovie answered and she awkwardly smiled at him. Mukhang mas lalo pang naguluhan ang lalaki sa sinabi niya.
"Hold on," ani Rovie at iniwa ang dalawa para kuhanin ang kambal niya.
Agad na tiningnan ni Alexis ang kaibigan na si Chris pagkaalis ng nagpakilalang Rovie.
"What?" kunawari walang alam na ani Chris sa makahulugang tingin na ibinibigay sa kaniya ng kaibigan.
"Don't what me, Chris. How did you know her?' seryosong tanong ni Alexis sa kaibigan na umiling at ngumisi lang kaya wala din siyang napala.
Maya-maya ay bumalik si Rovie kasama ang kambal niyang si Lorie. Hatak-hatak niya itong dinala sa table nila Alexis at muling nagulat ang lalaki pagkakita sa dalawa. Nakatitig lang siya sa dalawang babae na magkamukhang-magkamukha.
"Hi again, this is my sister, Lorie and we are twins." Nakangiting pagpapakilala ni Rovie sa kambal na wala namang pakialam sa mga lalaki.
"Nice! Hi Lorie. I'm Chris and it is nice to finally meet you." Nakangiting bati at pagpapakilala ni Chris sa kaniya at nakipag-kamay. Ngunit tiningnan lang ng dalaga ang kamay niyang nakalahad.
Awkwardly, Chris withdraw his hand in embarassment and get back on his seat. Siniko naman ni Rovie ang kapatid dahil sa kabastusan na inaasal nito ngunit tiningnan lang siya ng blangko ng kapatid.
"And this is, Alexis. He's the one I'm telling you about who saved me that night." Nakangiting baling ni Rovie kay Alexis na siyang pinakilala niya sa kapatid.
"Tss. Okay. Thanks for helping my sister," walang ka emo-emosyon na pagsalamat ni Lorie kay Alexis at binalingan ang kambal. "Are you done now? Because I still have work to do," malamig na saad ni Lorie na hindi tinatapunan ng tingin ang mga lalaki. Tinanggal din ni Lorie ang pagkakahawak sa kaniya ng kambal at bumalik sa trabaho niya.
Nahihiyang binalingan ni Rovie ang dalawa at humingi ng paumanhin sa mga ito. "I'm so sorry for what happened. Can I take your orders now?" magalang at nahihiyanh tanong ni Rovie sa kanila.
"It's okay," ngiting tugon ni Chris at binigay ang order niya.
Samantalang si Alexis ay hindi pa rin makausad sa nangyayari. Hindi siya makapaniwala na may kakambal pala si Lorie este si Rovie. Niyon lang naintindihan ni Alexis kung bakit noong mga nakaraang araw ay hindi siya kilala nito. At kaya din pala magkaiba ang ugali nung niligtas niya at ang nakasalamuha niya noong isang araw.
Sobrang naguguluhan si Alexis at inakala niya talagang niloloko at minumudos siya ng babae. Which he thought wrong. Pero ang tanong na tumatakbo sa isipan ni Alexis ay kung bakit Lorie ang pakilala nito sa kaniya kung gayong Rovie naman pala ang totoo nitong pangalan. Ang weird niyon at kahina-hinala para kay Alexis. Sa kadahilanang hindi mapakali si Alexis ay naisipan niyang imbestigahan ang mga ito dahil pakiramdam niya ay may kakaiba sa dalawan.
-----
Nang magbreak na sila sa trabaho ay mabikis na hinanap ni Rovie ang kambal niyang si Lorie para kausapin ito patungkol sa nangyari kanina. Hindi niya kasi nagustuhan ang inasal nito dahil wala naman ginagawa sa kaniya ang mga lalaki. Pakiramdam kasi ni Rovie ay na-offend ng kambal ang mga ito at hindi nila deserve ang ganoong treatment mula sa kapatid niya.
"Susan, nakita mo ba ang kambal ko?" tanong ni Rovie sa isa niyang kasamahan na si Susan. Nag-isip muna ito sandali bago sinagot ang tanong niya.
"Nakita ko si Lorie na nagpunta sa bakuran kani-kanina lang," ani nito at nagpasalamat naman si Rovie tyaka pinuntahan ang kapatid niya.
Agad na pinuntahann ni Rovie ang kapatid sa likod ng shop para nga kausapin ito. Pagkarating sa likuran ng shop ay nakita niya na may kausap ang kambak na isang babae kaya tumago siya para hindi makita. Hindi rin nakikilala ni Rovie ang babae kay nagtaka siya. Isang pagdududa ang lumilitaw kay Rovie ng makita niyang may iniabot na isnag pouch ang babae sa kapatid at isang envelope.
Pinilit ni Rovie na makinig sa pinag-uusapan nila ngunit masyado siyang malayo para marinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Ewan ba niya pero bigla siyang naalarma at gusto na niyang malaman kung ano na talaga ang ginagawa ng kapatid.
-----
Kaharap ni Alexis ang kaniyang laptop at sinusubukan niyang maghanap ng impormasyon tungkol sa kambal.
He started typing the name Lorie in the search bar and there's a lot of result appeared on the list. Alexis exhaled when he saw five hundred plus results of the name. Then he typed and search Rovie, it showed two hundred and fifty seven results.
"This is not going to be easy," ani Alexis sa kaniyang sarili at iniisa-isa ang mga pangalan. It will surely take him for ages but he doesn't care. He wants to know any information about the girls and he knows it will be worth it in the end.