Chapter 58
Friendship
Sinusubukan ni Chris na kausapin at ipaliwanag ang lahat kay Alexis ngunit ayaw siyang kausapin ng kaibigan. Naiintindihan niya naman ito kung magagalit ito sa kaniya dahil pakiramdam talaga nito ay tinatraydor niya ang kaibigan.
Nauunawaan niya ang nararamdaman ng kaibigan at wala siyang ibang pwedeng gawin kung hindi ang intindihin at ipaliwanag o ipaintindi sa kaibigan kung bakit niya ginawa iyon. Kailangan niyang ipaliwanag ang lahat kung bakit hindi niya agad sinabi pero hindi siya nito kinakausap na.
Hindi niya rin ito pwedeng bigyan muna ng oras dahil panigurado ay tuluyan na itong lalayo sa kaniya at hindi na siya kakausapin nito.
“Hayaan mo muna ako magpaliwanag, bro. Kailangan mong maintindihan kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon at piliin na itago muna sayo ang lahat. Nakikiusap naman ako sayo bro, kausapin mo naman ako.” Ani Chris na kumakatok sa pintuan ng unit ni Alexis.
Walang tugon si Alexis sa sinabi niya kaya malungkot na napayuko si Chris. Ayaw nga talaga siyang kausapin ng kaibigan. Hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya nito o hindi na.
Kilala pa naman niya ang kaibigan niya. Hindi ito madaling masuyo o malambing kapag galit ito.
Naghintay pa muna ng ilang sandali si Chris kung lalabas ang kaibigan ngunit lumipas nalang ang isang oras ay hindi pa rin siya nito hinaharap.
Malakas na napabuntong hininga na lamang si Chris at nagpasyang umalis nalang muna.
Pinagbigyan na naman niya itong mapag-isa at mag-isip pero hanggang ngayon binabalewala pa rin siya nito. Nauunawaan niya ang kaibigan pero sobra na ito.
Imbis na mainis ng tuluyan si Chris ay nagpasya nalang siya umuwi nalang muna at hindi guluhin si Alexis.
-----
Pagkarinig ni Alexis sa pagsarado ng pinto sa condo niya ay tyaka lang siya lumabas ng kwarto niya at dumiretso sa kusina.
Binuksan niya kaagad ang ref at kakaunti nalang ang laman niyon.
Gutom na gutom na ang nararamdaman ni Alexis. Mabuti nalang din at umalis na si Chris dahil makakain na siya sa wakas. Pero ang problema ay wala siyang makakain dahil ubos na ang laman ng ref niya.
Nagpasya nalang si Alexis na kumain nalang sa labas sa pinakamalapit na restau or coffee shop. Depende nalang sa una niyang makita.
Kinuha lang ni Alexis ang susi ng kotse at wallet niya at bumaba na siya mula sa condo niya patungong basement. Naroon kasi ang kotse niya nakaparada.
Pagbaba sa basement ay agad na pumasok si Alexis sa kaniyang kotse at nagmaneho paalis patungo sa pwede niyang kainan.
Pagkarating sa naturang lugar ay doon lang napagtanto ni Alexis na sa coffee shop na pinagtatrabahuan pala ng kambal siya nakarating.
Huli na para mag walk out si Alexis at lumipat ng ibang restau dahil gutom na gutom na talaga siya.
Pumasok sa loob si Alexis at naghanap ng pwesto na pwede niyang maupuan. May nakita siyang pang-isahan na lamesa at upuan kaya nagpunta si Alexis doon at naghintay na may lumapit sa kaniyang waiter o waitress.
-----
Nakita ni Rovie na pumasok si Alexis sa shop at dumiretso ito sa pang-isahan na bakanteng upuan.
Pinunasan ni Rovie ang kaniyang mga kamay at nilapitan ang binata.
“Hey,” pagkuha ni Rovie sa atensyon ng binata.
“I want muffins and brewed coffee please.” Iyon lang ang sinabi ni Alexis ngunit hindi nito tinapunan ng tingin ang dalaga.
Napapailing nalang si Rovie at kinuha ang order nito. Kumuha si Rovie ng tatlong muffins at ginawa ang brewed coffee na gusto nito. Naghintay lang si Rovie ng sampung minuto bago natapos ang kape at binalikan si Alexis para ibigay ang order niya.
“Pwede ba kitang makausap?” tanong ni Rovie sa binata pagkalapag niya sa order nito.
“There’s no available seat.” Maikli at malamig na sagot ni Alexis sa dalaga at sinimulang kainin at inumin ang inorder.
“It’s fine. I won’t take long. I just want to tell you that we don’t mean to hide everything and exclude you from our plan. Lorie, I mean we asked Sam not to tell you yet.” Paliwanag ni Rovie kay Alexis na para namang walang pakialam sa mga sinasabi niya.
“It doesn’t matter why and I have no interest knowing the whole truth. I just want some peace alone for now.” Tugon naman ni Alexis kaya napabuntong hinga nalang si Rovie.
Iniwan niya nalang ang binata at hindi na ito inistorbo pa. Wala siyang mapapala sa taong sarado pa ang isipan. Mas mainam na kumalma na muna ito at makausad sa nangyari bago nila kausapin ulit.
Bumalik nalang si Rovie sa counter at nagpatuloy sa trabaho ngunit panaka-naka pa rin siyang nakatingin sa binata. Totoo nga ang sinabi ng nobyo niya. May pagka ugali ng babae nga ito kapag nagtatampo o galit.
Nakita ni Lorie ang mga nangyari kaya mabilis niyang binitawan ang pampunas ng lamesa at lumapit kay Alexis.
“Can we talk?” malamig ang boses na tanong ni Lorie sa binata. Naiinis kasi siya sa inasta nito sa kapatid niya.
"Are you going to explain everything to me and lecture me?” Alexis mockingly asked and sipped his coffee.
Naitaas ni Lorie ang kaniyang kilay at pinandilatan ang binata.
“Oh don’t be so pathetic. We all know you hide something too. You will just going to throw your friendship with Chris because you can’t help your ego? Instead of working with him and considering what he did you went all this bullshits and didn’t gave him time to explain.” Asik ni Lorie sa binata. Umuusok na talaga siya sa galit.
Sobrang babaw naman nito kung iyon lang ang naging dahilan kaya ito naging ganoon.
“Excuse me? What do you know woman? You don’t know anything and you have no rights to say all of this. Who are you?” nagagalit na rin na asik pabalik ni Alexis kay Lorie.
“I’m a nobody but I’m just trying to put sense in your friggin brain. If you're interested to join us and help us, come to our house later and save your friendship with Chris. If not, then go fck yourself.” asik ulit ni Lorie at iniwan ang binata doon.