Chapter 30

1187 Words
Chapter 30 Sister’s Worry   Sinundan ni Aliyah si Lorie ng makita niyang lumabas ito ng palasyo. Nakita niya ito sa lanai at humihikbi ito. Napabuntong hinga nalang si Aliyah at biglang naawa kay Lorie. Siguro ay nagi-guilty ito o nalulungkot sa sinapit ng lalaki kanina. Gusto niyang lapitan si Lorie ngunit alam niyang wala rin naman siyang magagawa o masabing maganda rito.   Nakita ni Aliyah na umalis na si Lorie pagkatapos nitong ayusin ang sarili at sinilid sa bulsa nito ang isang piraso ng papel na hawak. Hinayaan nalang ni Aliyah na umalis si Lorie at siya nalang ang bahalang magpaliwanag sa tatay niya. Hindi niya na rin naman ito mapapabalik sa loob at ayaw niya na rin pabalikin sa loob si Lorie dahil nauunawaan niya ang nararamdaman nito. It must be a torture for Lorie to see someone suffering, let alone getting killed. And it’s her fault why she’s in that position or situation right now. She drag Lorie in her messy world.   Bumalik na sa loob si Aliyah at pagkabalik niya sa loob ay tapos na pala ang ginawang execution. Ngunit nakatali pa rin ang lalaki sa poste niya ngunit hindi katulad kanina ay wala na itong buhay. Nakabitay na ang butas nitong ulo dahil sa pagkakabaril sa kaniya kanina. Kahit naman mismo si Aliyah ay naawa sa nangyari pero kailangan niyang tatagan ang sarili niya dahil siya ang tagapagmana ng ama niya. Siya lang kasi ang nag-iisa at natatanging anak ni Romano Gustavo, kaya wala siyang ibang magagawa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran niya.   Inalis ni Aliyah ang paningin sa lalaking patay na at lumapit sa ama niya.   “Where have you been, daughter?” salubong na tanong ng ama ni Aliyah sa kaniya.   “Sa labas lang, dad.” Tanging sagot ni Aliyah sa ama at humingi ng pasensya rito.   “Don’t go somewhere on your own, dear.” Paalala ng ama niya sa kaniya. Tumango lang si Aliyah sa sinabi ng ama at umalis na sila sa palasyo at bumalik sa hotel nila. Bukas kasi ay pupunta sila sa isla nila at nagmeeting sila doon. Hindi niya pa alam kung isasama niya ba si Lorie o hindi. Mukhang ayaw na naman kasi siya nitong kausapin pagkatapos ng nangyari at nasaksihan nito.   “By the way dad, what happened earlier? Where is the woman?” curious na tanong ni Aliyah sa ama dahil napansin niyang wala na ito sa poste na pinagtalian sa kaniya.   “The emperor decided to spare the woman’s life but she still need to be interrogate. The organization needs to know who are behind the attacks.” Sagot ng ama ni Aliyah sa kaniya.   Hindi na nagtanong pa si Aliyah at sumandal nalang sa upuan ng van na sinasakyan nila.   Pagkabalik sa hotel tinanaw lang ni Aliyah ang kwarto ni Lorie tyaka siya pumasok sa kwarto niya.   -----   Hindi pa rin mapakali si Rovie simula pa kagabi. Hindi siya mapakali at makatulog ng maayos. Iniisip niya ang kapatid kung maayos lang ba ito sa Japan o kung ano man. Hindi niya alam kung napano na ito o kung ano na ang ginagawa niya roon. Maayos pa ba ito o kumakain ba ito. Ligtas ba ito o nadakip na ng humahabol sa kaniya.   Nagpupunas ng mga lamesa si Rovie sa trabaho niya ngunit wala siya sa wisyo at tamang pag-iisip. Hindi niya nga napapansin na malinis na ang huling lame sa pinupunasan niya pero todo pa rin siya sa pagpunas dito. Paulit-ulit lang siya sa pagpupunas hanggang sa nilapitan siya ng isa sa mga kasama niya at sinabihan siyang magpahinga na muna.   “Maraming salamat, Joy.” Malumbay na saad ni Rovie at iniwaan ang ginagawa.   Inaamin niya na namimiss na niya ang kambal niya ng sobra. Lumabas nalang si Rovie sa coffee shop at nagpahangin sa labas. Ninanamnam ni Rovie ang hangin at pilit na pinapagaan ang kalooban niya.   Biglang inatake ng sobrang kaba ang puso ni Rovie ng may nagtakip sa mga mata niya. Mabilis na pumiglas si Rovie at tatakbo na sana sa kung saan ngunit ng makita niya kung sino ito ay nakahinga siya ng maluwag. Bagamat nakaramdam siya ng inis sa taong gumawa niyon sa kaniya.   “Why would you do that?” singhal ni Rovie kay Chris na nakangisi pa at tuwang-tuwa sa ginawa niya.   Nakahawak si Rovie sa dibdib niya dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya.   “Did I scare you?” natatawang tanong ni Chris. Sinamaan ng tingin ni Rovie ang binata at nagwalk-out dito.   “Hey! I’m just messing around. Why are you getting mad?” pagsunod ni Chris kay Rovie at kinukulit ang dalaga.   “Tantanan mo nga ako, Sam!” inis na bulyaw ni Rovie sa kaniya.   “Napakamainitin naman ng ulo mo. Do you have your period right now?” pangungulit pa rin ni Chris kay Rovie.   Nilingon ni Rovie ang binata at binigyan ito ng isang matulis na tingin. Sumusukong itinaas ni Chris ang dalawang kamay na animo’y sumusuko sa isang pulis.   “Okay. Okay. I’ll stop bothering you.” Nakangiwing ani Chris ng makitang hindi nagbibiro ang dalaga. Napakamot nalang din si Chris sa ulo niya dahil sa pagkapahiya. Mukhang wala nga ito sa mood ngayon dahil hindi naman ito ganito noong mga nakaraan. Mayroon siguro itong iniisip kaya nagkakaganoon ang dalaga.   Inirapan ni Rovie si Chris at pumasok na siya ulit sa loob ng coffee shop. Malapit na siyang mag-out sa trabaho. Iniisip niya at umaasa siyang tatawagan siya ng kapatid niya. Isang araw pa nga lang itong umalis pero namimiss na niya ito. Nasanay kasi silang dalawa na magkasama. And believe it or not, this is the first time that they got separated. Like, alam naman niya na kayang alagaan at protektahan ni Lorie ang sarili niya pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na mag-alala sa kambal lalo na nga at naroon ito ngayon sa Japan. Sa lugar kung saan nila pilit na tinatakasan.   “Busangot ang mukha mo, Rovie ah? Nag-away ba kayo ng manliligaw mo?” usisa ni Susan sa kaniya na siyang naging malapit na niyang kaibigan sa trabaho.   “Hindi ko siya manliligaw.” Maiksing sagot ni Rovie sa kaibigan.   “Asus! Hinihintay ka nga niya palagi na matapos ang shift mo eh. Hatid sundo ka pa. Minsan naman nagde-date pa kayo sa kung saan. Ano tawag niyo roon kung hindi ligawan iyon?” pangungulit ni Susan sa kaniya.   “Hindi nga kasi siya nanliligaw dahil hindi niya naman sinabi na liligawan niya ako. Nakikipagkaibigan lang iyong tao, iyon ang tama at angkop na salita.” Tugon ni Rovie at may kung anong kinakalikot.   “Okay. Sabi mo eh.” Ani Susan at hinayaan na siya.   Nilingon ni Rovie sa labas si Chris at naroon pa rin ang binata na nakaabang sa kaniya. Nakasandal ito sa kotse niya at nakasilid sa mga bulsa ang mga kamay nito.   Hold your feelings, Rovie. You’ve got more important things to do than being into someone. Paalala ni Rovie sa sarili ng magrigodon na naman ang puso niya para sa lalaki. Aalahanin niya muna ang kapatid bago ang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD