Chapter 56

1028 Words
Chapter 56 Sister’s Love Napapansin na ni Alexis na nagiging ilag na sa kaniya si Chris. Hindi niya malaman kung bakit at kung ano ang gusto nitong mangyari ngunit nag-iba na ang pakitungo nito sa kaniya. He wouldn’t care more but he expected a lot from him as his friend. Kaya ang ginawa ni Alexis ay minanmanan niya ang kaibigan. Gamit ang disguise at ibang sasakyan palihim niya itong sinusundan. Palagi niya itong nahuhuli sa coffee shop na pinagtatrabahuan ng kambal at sa bahay ng mga ito kung wala ito sa opisina nila o sa trabaho. So far, wala naman nakikita o nahahagilap na masama si Alexis. Palagi niya lang nakikita ang kaibigang si Chris kasama si Rovie at palaging sweet ang mga ito sa isa’t-isa. Ayaw man gawin ni Alexis ang ginagawa niya ngayon pero wala siyang choice. Kailangan niyang makasiguro na nasa side niya pa rin ang kaibigan kahit na ganoon. Hindi pa rin kasi maalis kay Alexis ang pagdududa lalo na sa panahon ngayon. Kailangan lang talaga ni Alexis ang makasiguro dahil kung sakali ay mag-isa nalang siya magreresolba ng mga lamat sa sistema. Hindi ugali ni Alexis ang magmanman at sumunod sa mga tao pero kailangan niyang alamin kung sino ang magiging kakampi niya sa hindi. Nakatanaw lang si Alexis mula sa malayo at wala siyang nakikita na kakaiba o kahina-hinala kaya nagpasya na siyang umalis muna. Nakahinga ng maluwag si Alexis dahil doon. ----- Hindi alam ni Aliyah kung ano ang irereact niya sa mga oras na iyon dahil sa nadiskubrihan niya. Hindi niya iniexpect na ganoon ang madadatnan niya sa bahay nila Lorie. Naguhuluhan siya na hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. “M-Matagal na ba kayong m-magkakilala?”Nauutal na tanong ni Aliyah kay Lorie na hindi rin makapagsalita sa biglaan niyang pagbisita. “Kamakailan lang kami nagkakilala. Boyfriend siya ng kapatid ko.” Totoo at walang halong kasinungalingan na sagot ni Lorie kay Aliyah. “H-How?” utal pa rin at kabadong tanong ni Aliyah sa kanila Hindi alam ni Aliyah kung ano ang iisipin at kung ano ang gagawin. Totoong natatakot siya dahil hindi niya alam kung ano ang punto ng mga ito. Ang tanging alam lang ni Aliyah ngayon ay nasa bingit ng kapahamakan ang sarili niya at wala siyang ligtas. Napansin ni Lorie ang pagiging aligaga ni Aliyah kaya nilapitan niya ito at napabunting-hinga. Hinawakan niya ang braso nito at naramdaman niya ay napaiktad ito. “I won’t hurt you. Let’s talk somewhere else in private.” Ani Lorie at tiningnan ang kaniyang kambal at si Chris. Nakuha naman agad ng dalawa ang ipinupunto niya kaya hinayaan sila ng mga ito na umalis muna. Dinala ni Lorie si Aliyah sa veranda nila at doon sila nag-usap. Wala pang naging kibo si Lorie kaya si Aliyah nalang ang naunang nagsalita. She wanted to voice out her thoughts so she did say the things she wanted to tell her. “So, are you just using me all this time?” lakas loob na tanong ni Aliyah kay Lorie. Hindi man magugustohan ni Aliyah ang magiging sagot ni Lorie ngunit kailangan niyang tanggapin iyon. Malabo talagang maging nagkaibigan silang dalawa ni Lorie at hindi na siya aasa pa. “It’s not like that, Aliyah. I admit that’s my first motive. I was very heistant and doubtful about the goodness you showed me. I can’t trust you fully yet but it changed over time especially when you saved me in Japan.” Paliwanag ni Lorie sa dalaga sapagkat iyon naman talaga ang totoo. Hindi pa talaga niya kayang pagkatiwalaan si Aliyah hanggang ngayon. “So, what will you do to me now? Will I be buried six feet underground?” wala ng pag-aalinlangan na tanong ni Aliyah kay Lorie. Nagulat pa ang huli sa tanong niya kaya hindi ito agad nakapagsalita. “We are not a bad people, Aliyah. We just want justice for ourselves.” Tugon ni Lorie sa tanong ni Aliyah. Kumunot ang noo ni Aliyah sa sinagot ni Lorie sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang sinasabi nito o kung ano ang ibig sabihin. Hustisya para kanino at para saan? “Okay. Should I be happy about it or be scared? Because honestly, I don’t know what to feel right now and knowing, you being with our enemy is very dangerous.” Straight forward na saad ni Aliyah kay Lorie dahil iyon naman talaga ang totoo. She can no longer trust Lorie anymore. not this time when she’s not sure about her anymore. “Yea, I know exactly what you feel right now. You can leave and go home then it is up to you what will you do next. I won’t hold you back.” Iyon din naman ang tugon ni Lorie. Namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa at maya-maya ay tumawa si Aliyah na sinundan naman ni Lorie. Nagtatawanan silang dalawa at isa lang ang ibig sabihin noon. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan silang dalawa. ----- Nakatanaw lang si Alexis sa veranda at kinukuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa kaniyang nasaksihan. Lumabas siya ng kotse niya at pinuntahan ang bahay ng kambal. Nakamasid lang siya sa veranda habang ang dalawa ay nagtatawanan at hindi siya napapansin. Kinalabog ni Alexis ang pinto at nagulat si Chris ng makita siya. “Alexis bro, a-anong ginagawa mo rito?” utal na tanong ni Chris ngunit hindi siya nito pinansin at pumasok si Alexis sa loob ng bahay kahit hindi iniimbita. Agad na nagpunta si Alexis sa veranda at doon niya nakita ang anak ni Gustavo at si Lorie na nag-uusap. “I knew it.” ani Alexis at napapailing na nakatingin sa dalawa. “What are you doing here?" Malamig at seryosong tanong ni Lorie sa binata. Hinugot ni Alexis ang baril at itinutok sa anak ni Gustavo palipat-lipat sa kanilang dalawa ni Lorie. “You two will answer to the court of law and everyone else involved in this treachery.” Seryoso at may kariinan na saad ni Alexis sa kanila. “I'm sorry, Alexis. But you have to leave now.” Biglang sumulpot si Rovie na may hawak din na baril at nakatutok kay Alexis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD