Nakatayo lang ako sa harapan ni Maxine at tiningnan ko siya na para bang may tumubong tatlong kamay sa ulo niya. Ano bang pinagsasabi niya at nadawit na naman ang pangalan ko sa mga Fuentabella? Una sa lahat, umalis ako sa mga Fuentabella’s para maiwasan ang mga haka-haka niya tulad ngayon. Pangalawa, hindi ko naman siya pinapakialaman sa ganap ng buhay niya kahit ang totoo ay halos hindi ko naman siya nakikita sa school. Nag-aaral pa ba siya o puro kalandian lang alam niya? Err. Ano namang pakialam ko? May sarili rin akong problema sa buhay kaya wala akong panahon para problemahin rin ang problema nila. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Maxine.” Seryosong sabi ko saka ako dumeretso sa paglakad at nilagpasan ang kotse ni Allen. Mas mabuting maglakad na lang ako kesa ipaliwanag sa kanya ang

