Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Unang-una ay naaawa ako kay Ethan dahil sa pag-alis na ‘min kanina ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya. Ilang buwan na ring hindi nakikialam si Allen sa buhay ko tapos ngayon ay umeeksena na naman siya. Ano na naman ang nakain ng lalaking ‘to? Kung iniisip niya ngayon ang kung ano mang iniisip niya, mas mabuti pang ‘wag dahil talagang masasakal ko siya ng wala sa oras. Wala kaming ginagawa ni Ethan sa condo niya. Hindi naman sila katulad ni Ethan Tiningnan ko siya sa tabi ko ngayon sa loob ng elevator habang hawak ang pulsohan ko. Kanina sobrang higpit ng pagkakahawak niya pero ng wala na sa harapan na ‘min si Ethan at ang babae niya ay niluwagan niya ang pagkakahawak sa ‘kin. Amoy ko na medyo nakainum siya talag

