Time had passed at naging normal naman ang naging takbo ng buhay ko. Mula sa bahay hanggang school. Naging busy ako sa school dahil na rin siguro sa mga program at activity na kinakailangan ang partisipasyon ng bawat departamento. Dalawa kami ni Ethan ang napiling representative sa department na ‘min kaya rin siguro mas lalong naging busy kaming dalawa.
“Totoo ba ‘yung nabalitaan na ‘min na nanliligaw daw sayo si Ethan Montemayor?” napahinto ako sa pag gunting mga letters na gagamitin na ‘min para sa design mamaya sa stage. Tiningnan ko ang dalawang kaklase ko habang naggugunting rin ng mga letra. Ngumiti sila sa ‘kin but I know its fake. They just want news. Aside kay Ethan at Allen ay wala akong masyadong kinakausap sa school. Minsan kinakausap ko ‘yung kasama nila sa basketball na sila Warren at Zach pero hindi naman kami ganon ka close. “I’m Weng and this is Lyra.” Turo niya sa katabi niya. Napansin yata nilang hindi ko alam ang pangalan nilang dalawa at talagang nakuha pa nilang magtanong tungkol sa ‘min ni Ethan. Seriously?
Umiling ako at mabilis na tinapos ang mga ginagawa na ‘min. Nakita ko naman si Allen sa di kalayoan at nakatitig sa dereksyon na ‘min. Sa ilang araw na nagdaan ay hindi ko na nakikitang may ibang kasama si sir Allen sa kwarto niya. Though I saw him with other girls from our university pero hindi tulad ng dati na dinadala niya sa mansion. Baka lumipat na siya ng venue at naisipan niyang sa condo na niya muna gagawin ang ritwal nila. Psh!
“Narinig kasi ng ibang classmates na ‘tin na nililigawan ka daw ni Ethan.” Gusto kong matawa dahil sa mga biro minsan ni Ethan ay may mga nakakarinig na ring iba.
“Hindi. Kaibigan lang talaga kami.” Tumingin ako sa paligid at hinanap ng mata ko si Ethan. Nasaan na ba ‘yung lalaking ‘yun? Sabi niya sabay kaming kakain sa canteen ah! May utang pa sa ‘kin ‘yun dahil tinapos ko ‘yung project niya at report niya. Lagot talaga ‘yun sa ‘kin. Kung hindi ko lang sana kailangan ng sideline ay baka tinanggihan ko na siya.
Yep, minsan tumatanggap ako sideline sa mga kaklase ko. Pagkatapos ng klase namin, uuwi ako para magtrabaho sa mansion tapos pag gabi naman ay ginagawa ko ang mga project ng mga kaklase ko. Minsan nga pati reports, assignments, at iba pa ay ginagawa ko na para lang magka-extra income. Kaya malaking pasasalamat ko talaga kay ma’am Jenny dahil mas nagiging magaan ‘yung trabaho ko sa mansion pero syempre ayoko ring maging pabigat sa mga kasamahan ko. Kaya ‘yung mga side line ko ay ginagawa ko pag gabi na kaya ang resulta ay talagang inaantok ako sa klase.
Bago ko pa ibalik ang tingin ko kay Allen ay narinig ko na ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa unang klase na ‘min sa hapon. Niligpit agad namin ang mga gamit. Ipinangako ng iilang kasamahan ko na gagawin nila mamayang hapon and mga dapat tapusin at pumayag naman ako.
Halos tinakbo namin ang distansya patungong classroom nang hindi ma late. Saktong pagkarating namin ay ang pag dating ng aming guro. Wala ngayon si Ethan dahil tinawag siya SSG officers para sa iilang paalala para sa program. Nagtext naman ito sa ‘kin na magkikita na lang kami mamaya sa baba ng building para sa 30 minutes health break.
“That all for today. See you tomorrow.” Agad namang nagpaalam ang guro na ‘min at halos magkagulo ang lahat dahil sa sunod-sunod na walang klase hanggang mamaya. Pagkatapos ng health break ay magkakaroon ng opening program kaya naman tinawag lahat ng mga estudyante para pumunta sa loob ng gym. Mabilis akong bumaba para pumunta sa canteen at eksaktong nakita ko si Ethan na hinihintay ako sa labas ng building.
“Kanina ka pa?” tanong ko nang makalapit sa nakatayong Ethan Montemayor. He looks handsome today, actually, he looks handsome everyday pero iba ang dating niya ngayon. Ngumiti ako sa kanya at agad niyang kinuha ang bagpack ko. “Ako na-“ pero agad niyang iniwas ang bag ko at saka ito nagsimulang maglakad. Agad naman akong sumunod sa matalinong at gwapo na Ethan Montemayor.
“I insist. Baka sabihin mo pinapahirapan kita sa mga pinapagawa ko sa ‘yo. Hayaan mong maging prinsesa ka ngayon.” Sabay kindat niya sa ‘kin. Tumango nalang ako at agad na sumunod sa kanya. Madalas kong kasama si Ethan kaya masasabi kong nasanay na ako sa mga pacute at mga pasimpleng tukso niya sa ‘kin. Hindi ko rin bini-big deal ang mga sinasabi niya at hinahayaan ko nalang ‘yung ibang classmates na ‘min na makarinig sa kung ano mang marinig nila.
“Wala na tayong klase ngayon pero we are not allowed to go outside. Psh! So, boring.” Sabi nito habang nakapamulsa at dala ang bagpack ko. Ang cute niyang tingnan sa pink na bagpack ko. May nakasapit pa itong garfield na stuff toy kaya ang cute-cute niyang tingnan.
“Okay na rin ‘yun. Marami pa naman akong tatapusin. Dun ko nalang gagawin malapit sa gym para matapos ko na lahat ng mga assignment na binigay sa ‘kin ng ibang classmates na ‘tin.” Tumango naman ito saka humarap sa kin.
“Nakatulong ba ‘yung ginawa ko? Sinabi ko sa mga classmates na ‘tin ang side line mo. Dapat may discount ako.” Natawa kami pareho sa sinabi niya.
“Syempre naman. Dalawang project mo kaya ang tinapos ko. Idagdag mo pa ‘yung assignment kanina tapos ipapasa kaagad. Kamusta naman ‘yun.” Natawa siya sa sagot ko. “But anyway, thanks.”
“Bakit ka ba nagtatrabaho? Diba scholar ka?” sinabi ko kay Ethan na I’m trying to be independent at wala ako sa puder ng mga magulang ko. Hindi ko sinabing naglayas ako but I told him that I live alone and may scholarship ako. Hindi ko nga lang sinabi kung sino ang nagbigay sa ‘kin ng scholarship dahil una sa lahat ayokong ano ang isipin niya tungkol sa ‘min ni Allen, pangalawa, may mission pa akong dapat gampanan.
“Oo, pero nahihiya na rin kasi ako sa nagpapaaral sa ‘kin. Plano ko rin na magsarili na at aalis na ako sa bahay nila.” Pagtutukoy ko sa mansion ng mga Fuentabella. Nanatiling sekreto ang bagay na ‘yun hanggang ngayon. Tanging kami lang ni Allen ang nakakaalam na nagtatrabaho ako sa mga Fuentabella. Hindi rin niya naman sinabi sa mga kaklase na ‘min, siguro ay hindi rin siya interesado.
Nang marating namin ang canteen ay una kong nakita si Allen kasama si Warren at Zach malapit sa isang may bakanteng mesa at upuan. Lumapit dun si Ethan at ngumiti sa mga dati niyang kaibigan kaya naman lumapit na rin ako sa bakanteng upuan sa kabila at umupo.
“So, you’re looking for another place to stay kaya ka nagsa-sideline ngayon?” Ethan continue ng dumating ang order niyang food para sa ‘min.
“Yes. Nakakahiya na rin kasi. I have to give up my work there and look for another one para na rin mas matutukan ko ang pag-aaral ko.” I don’t know if Allen was looking at us but I don’t care. Siguro naman alam niyang aalis ako since last week ko pa sinabi sa mommy niya ang plano ko.
“But scholar ka pa rin ‘di ba kahit umalis ka sa kanila?” tumango ako. Naalala ko ‘yung huling pag-uusap namin ni ma’am Jenny at nagpaalam ako sa kanya na aalis ako sa mansion dahil nahihiya na rin ako at wala na akong panahon para gampanan ang trabaho ko sa mansion. Una ay hindi siya pumayag pero sinabi ko sa kanya na gagawin ko pa rin naman ang lahat para matulungan sila kay Allen. Pumayag naman ito sa isang kondisyon at ‘yun ay ipagpatuloy ko pa rin ang scholarship na binigay nila. Napakabait talaga ng mga Fuentabella dahil kahit na aalis ako sa kanila ay binibigyan pa rin nila ako ng suporta. Kahit na labag sa kalooban ni ma’am Jenny ay pumayag ito at sinabing bibigyan niya ako ng ilang linggo para makalipat ng matutuluyan.
“Yep. Basta panatilihin ko lang ‘yung mataas na grades ko.” sagot ko kay Ethan.
“Scholar ka pala, Becca?” napalingon kami sa kabilang table. It’s Warren, “Pasensya na narinig kasi namin tong sinasabi ni Ethan. I got curious.”
“Me too,” dugtong ni Zach. “Minsan lang kami makakita ng scholar dito sa university dahil mataas ang standards nila at talaga malaki rin naman ang tuition rito.” Well, ang may ari po ang sponsor ko. Ngumiti lang ako at tumango sa kanila saka tiningnan ang tahimik at seryosong mukha ni Allen.
“So, naghahanap ka nang matitirhan? Hindi naman mahirap ‘yun dahil marami namang bakanteng condo malapit sa school na ‘tin. You can ask there.” Tuloy ni Zach.
“Di ba may kakilala ka dyan, Ethan? You can help her.” Dugtong ni Warren.
“It’s okay. Maghahanap na lang ako sa iba. Isa pa,” hindi ko kaya ang budget dun. Kailangan ko munang makapag-ipon dahil plano ko sa susunod na lingo na ako aalis. “May isang lingo pa naman ako sa bahay na tinitirhan ko kaya okay lang. Hindi naman ako nagmamadali –“ napahinto kami ng biglang tumayo si Allen. Inangat namin ang paningin na ‘min sa kanya dahil halatang iba na naman ang timpla niya.
“Let’s go.” Sabi nito saka naunang maglakad palayo.
“May sumpong na naman yata. Una na kami sa inyo, Montemayor.” Nagpaalam si Zach at Warren sa ‘min saka sila sumonod kay Allen. Napatitig lang ako sa likod ni Allen habang papalayo ito sa dereksyon namin. Bakit ang lungkot ko habang nakatitig sa kanya? Bakit pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dinadala niya?
Allen, Allen. Bakit ang hirap mong basahin?
“Hey? Are you still with me?” tawag ni Ethan sa ‘kin ng mapansing sobrang lalim ng iniisip ko.