** BECCA POINT OF VIEW **
“Kyaaa! Ang gwapo talaga ni Allen!” narinig kong tili ng isa sa mga kaklase ko. Medyo malaki ang classroom na ‘min sa third floor since makakasama na ‘min ang Department of Psychiatry. Kanina pa sila bulong nang bulong at kung makatili naman ay akala mo sinong artista ang nakita nila. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Talagang kinain na sila ng systema!
“You can sit here.” Nilingon ko si Ethan sa harapan ko sabay turo niya sa bakanteng upuan sa gilid niya. Umupo naman ako sa tabi niya saka siya tiningnan na para bang may tatlong matang sumulpot sa noo niya. “What?”
“Kanina pa kita napapansin.”
“What?” nagtatakang tanong niya saka nilabas ang ballpen at notebook mula sa bag niya. Napahawak ako sa baba ko saka kunwareng nag-iisip. “You look like a retarded detective.” I rolled my eyes.
“Tell me, Ethan. Bakit sa lahat ng mga classmates na ‘tin ay mas gusto mo akong katabi? Wala ka bang friends? Imposible! I heard you awhile ago that you were talking with your teammates sa basketball na classmate rin naman na ‘tin. So, what’s wrong? Why are you so distant to everyone?” kapansin-pansin kasi ang pag-iwas niya sa mga kaklase na ‘min.
Oo, heartthrob din naman siya dahil maraming nagkaka-crush sa kanya sa loob at labas ng classroom pero hindi siya ‘yung tipong nagte-take advantage sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. He’s decent guy unlike Allen. Hindi rin siya madalas sa mga kaibigan niyang lalaki. Yes, he talked to them pero he keeps his distance to them at mas pipiliin niyang maupo at matulog sa katabi kong table na siyang pinagtataka ko. Sikat, mayaman, gwapo at sa tingin ko naman ay matalino siya lalo pa at halos perfect siya sa quiz niya kanina. So, what’s wrong with this guy?
“Distant? I don’t know if that’s the right word, Rebecca.”
“Just, Becca.” Putol ko sa kanya saka nilabas rin ang notes at pen ko. Tumingin ako sa paligid na ‘min para makita kung may mga pamilyar na mukha pa rin ba akong kasama sa klase na ‘to. And yes, tulad nga ng sinabi ni Ethan ay halos lahat ng nandito ay classmate na ‘min mula kanina. Except don sa mga nasa ibang Department na kasama na ‘min ngayon.
Napahinto ang mga mata ko kay Allen na ngayon ay nakatingin sa direksyon ko. Ano bang problema niya at kanina pa siya panay ang sulyap sa ‘kin? Dinala niya pati rito sa University ang mga pagtitig niya sa ‘kin. Hindi ko alam kung galit ba siya o talagang normal lang ang mukhang niyan para sa kanya.
I must admit. Talagang malakas ang charisma ni Allen sa mga babae lalo na sa University na ‘to. For sure mas darami ang babaeng dadalhin niya sa mansion. Kanina habang paakyat kami sa third floor ay walang ibang bukang bibig ang mga istudyante kundi si Allen. Isang taon rin pala siyang huminto sa pag-aaral at ngayong nakabalik siya ay muling nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. Kani-kanina lang ay wala akong ibang naririnig kundi tungkol lahat kay Ethan pero nang sumulpot si Allen ay halos nasa kanya na ang lahat ng atensyon nila.
“Okay, Becca.” Nilingon kong muli si Ethan sa tabi ko. “Why do you say that I was been distant to everyone?” I shrugged.
“Because you do.” Simpleng sagot ko, “You don’t talk and care to anyone. Isang tanong at isang sagot ka rin sa kanila. Unlike sa ‘kin. You are trying to make a conversation.”
“Me?”
“Yes, you.” Sagot ko. Assuming ba ako? Pero ‘yun talaga kasi ang napansin ko kanina pa. Kinakausap niya ako dahil hindi ko siya kilala at hindi ko rin siya kilala. Hindi niya kinakausap ang iba dahil kilala niya ito at kilala niya rin sila. Err! Magulo ba? Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin pero talagang iba ang trato niya sa mga kaklase niya kompara sa ‘kin.
“Why do you say so?” he challenged.
“Because . .” napaisip ako kung anong isasagot ko sa kanya. “You are trying to make our conversation quite long.” Dugtong ko habang nakatitig sa mga mata niya. I know there’s something in his eyes that makes him vulnerable. Is he broken or something?
Nagulat ako ng biglang may naghila ng bakanteng upuan sa harapan na ‘min kaya inangat ko ang paningin ko rito. Mabilis nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Allen na nakatingin sa ‘ming dalawa.
“What?” aroganteng tanong nito kaya yumuko lang ako at binuksan ang notes ko. Narinig ko pang tumikhim ang katabi ko saka binuksan rin ang notebook sa harapan niya. Umupo si Sir Allen sa harapan ko at sumunod naman ang dalawang kaibigan niya at umupo rin malapit sa kanya.
Ganito pala ang pakiramdam nang tinubuan ng sungay ang iyong ilong? Talagang pinagtitinginan kami ng mga istudyante at halos lahat sila ay napasinghap sa direksyon na ‘min. Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?
“Okay na ba si Ethan at Allen?”
“Siguro dahil pareho silang bumalik sa pag-aaral.”
“Sana nga nagkabati na sila para buo ulit ‘yung team nila.”
Narinig ko pang bulong ng ilang mga istudyante malapit sa ‘min. Kung ganon ay dahil pala kay Ethan kaya masama ang tingin sa ‘kin ni Sir Allen. Siguro iniisip niya na nakikisali ako sa away nila. Psh! Parang mga bata nga naman oh. Ngunit ano bang dahilan ng away nila? Hindi naman sa nakiki-Marites ako pero nagiging curious tuloy ako lalo pa at pinagtitinginan kami ng mga istudyante sa loob.
Hindi ko na lang pinansin ang paligid ko saka ko kinuha ang headset sa bag ko at nakinig na lamang ng musika. Mas mabuti na ring wala akong alam at hindi ako makialam. I want a peaceful life. Ayokong problemahin ang problema ng iba.
*
Tiningnan ko ang papel kung saan nakasulat ang list ng subject ko. Tama nga si Allen at magkaklase kami sa dalawang subject bago mag-uwian. Halos dalawang oras rin bago natapos ang klase na ‘min at talagang hinalungkat kong maigi ang mga braincells ko ngayong araw na ‘to. May mga sunod-sunod na quiz pa at halos nagpapalitan lang ng sagot si Ethan at Allen. Okay, sila na ang matalino.
Tumayo ako saka ko tinapos ang aming presentation.
“Despite their similar names, psychology and psychiatry serve different purposes. Psychology, the study of the mind and behavior, encompasses working with patients in the role of counselor or therapist, with the goal of using psychotherapy to help patients cope with mental illness and trauma. Psychiatry, the study of treating mental illness or abnormal behavior, takes a more clinical, medicinal approach to working with clients dealing with these issues. Psychologists generally work closely with clients to identify and work through personal issues and develop healthy coping mechanisms for emotional problems while psychiatrists focus on identifying medicinal or pharmacologic treatments for mental illness or abnormal behaviors.” Tuloy ko saka ngumiti sa kanilang lahat na seryosong nakatingin sa ‘kin habang ang iba naman ay tumango-tango. Tumayo naman si Ethan sa upuan niya.
"Although both of these professions require good people skills and a desire to help others, the training for them is not the same. Both professions typically require a doctorate; however, students may pursue some counseling careers with a specialized master's degree." He answered well. Talagang matalino si Ethan. Hindi na rin masama kung magiging kaibigan ko siya dahil paniguradong matutulungan niya rin ako sa grades ko. Though hindi naman ako mangongopya sa kanya pero at least may maaasahan ako sa kanya.
"While psychiatry and psychology share some characteristics, each field serves different purposes in the treatment and diagnosis of mental illness, as well as patient care. A career in psychology would be ideal for someone who enjoys talking through a patient's personal issues. A career in psychiatry would be best suited to someone who is interested in the clinical side of treating mental illnesses as well as the scientific and medical aspects of diagnosis and treatment.” Nalipat ang atensyon ko kay Allen nang tumayo ito at nagsalita. Nakatingin siya sa ‘kin habang sinasabi ang bagay na ‘yun. Wait, member ko rin ba siya sa group? Psh! Hindi niya kasi kami tinulungan ni Ethan habang hinahanda ang report na ‘min. Kung hindi ko lang siya amo ay baka nabulyawan ko na siya. Panay harot niya sa ibang members kanina na para bang hindi siya kasali sa grupo na ‘min eh.
“Psychiatrists often possess a strong background in medicine and human biology and how each contributes to mental illness and abnormal behaviors. Psychologists generally have stronger skills in communication and an understanding how brain processes can affect a person's emotional wellbeing.” Bumalik ulit ang atensyon na ‘min kay Ethan nang magsalita ito. Narinig ko pa ang bulong-bulongan ng mga kaklase na ‘min na para bang nanunuod kami ng tagisan ng talino. Like duh? Kagrupo kami pero bakit parang kami ‘yung naglalaban-laban? What’s wrong with them, again?
“Okay, so psychiatrists and psychologists pursue very different academic paths. For example, psychiatry places a greater emphasis on medicine, biology, and pharmacology, whereas psychology focuses on psychotherapy and human behavior.” Singit ko sa kanila kaya bumalik ang atensyon ng mga kaklase ko sa ‘kin. Ako ang reporter sa grupo na ‘min pero dinaig pa ako ng dalawang ‘to ah?
“One of the primary distinctions between psychiatrists and psychologists is the ability to prescribe medications. Psychiatrists have the authority to write prescriptions to treat patients as a result of their extensive medical training. When psychiatrists meet with patients, they typically work on medication dosage management, weighing the benefits of trying new dosages or medications, and monitoring the patient's progress and symptoms while on medication.” Pagmamayabang na dugtong ni Allen. At talagang wla siyang planong magpatalo ah? “Unlike with a psychologist, patients rarely engage in talk therapy with their psychiatrist. These medical professionals use a clinical approach to treating mental illness and abnormal behavior.” Tumayo naman si Ethan sa likod nito.
“Psychologists take a comprehensive approach to treating patients. They place a greater emphasis on the study of human behavior and socioemotional development than on biological aspects of behavior.” Talaga bang walang magpapatalo sa kanila? Bakit ba nagpapataasan pa sila ng ihi? Tumingin ulit ang professor na ‘min kay Ethan nang magpatuloy ito. “They work with patients in a therapeutic capacity, acting as counselors to assist patients in working through difficult issues using methods such as talk therapy. Psychologists collaborate with patients to develop treatment plans, which may include referring them to a psychiatrist if they believe medication could supplement treatment and alleviate symptoms further. Psychologists also use tests to diagnose patients and comprehend the scope of a patient's problems and symptoms.” Naiinis na ako dahil pinapatagal nang dalawang ‘to ang pagtayo ko sa harapan. Idagdag pa ang tensyon ng buong classroom na para bang walang ibang gustong magsalita.
“When it comes to psychology or psychiatry, each professional's day-to-day work is vastly different. During talk therapy, psychologists do more than just sit and listen to clients, contrary to popular belief. According to our research, many psychology students participate in research studies involving human behavior and various types of brain functions while pursuing their degree. After becoming licensed and working in the field, some psychologists continue to serve on research committees in lieu of or in addition to working with patients individually. Psychologists typically work with clients and patients one-on-one or in small groups, using talk and psychotherapy to address, work through, and cope with emotional distress or mental illness.” Meaning marami pa kaming dapat pagdaanan as psychology students.
“Psychiatrists work daily with patients on an individual basis to identify behavioral issues and disorders and determine the best course of medical treatment. They may also work alongside psychologists to implement appropriate treatment plans that may include psychotherapy in tandem with medication. That would be all. Thank you and good day everyone.” Nagsipalak-pakan naman ang mga kaklase ko na akala mo ay may paligsahan silang pinapanuod. Napailing na lamang ako at bumalik sa upuan ko.
“That was breath taking presentation. Para kaming nanunuod ng debate. You already discussed everything. Thank you Miss Del Rosario, Mr. Fuentabella at Mr. Montemayor.” Ngumiti sa ‘min ang professor na para bang nagawa na na ‘min ang dapat na ‘ming gawin, “Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang mga star ng bawat Department.” Nakangiting tuloy nito.
Nagpatuloy si Mrs. Adet sa kanyang klase saka ito nagpaalam. Finally! Makakauwi na rin ako! Nag-inat ako saka ako tumayo at niligpit ang mga gamit ko. Nagsi-alisan na ang mga kaklase na ‘min at talagang excited ng umuwi pero nanatili muna ako sa pwesto ko at hinintay na makaalis ‘yun iba para hindi ko na kailangan pang makipagsisikan.
“You’re really the bright one, Becca.” Lumapit sa ‘kin si Ethan at sinabi ang bagay na ‘yun sa ‘kin. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
“Back to you! Talagang may naisisingit ka pa sa presentation kanina. Good job!” sabay thumbs up ko sa kanya at ngumiti. Nang tumingin ako sa harapan ay nakita ko si Sir Allen na nakatingin lang rin sa ‘kin. Ngumiti ako sa kanya, “Good job, Allen.” Muntik na akong mautal nang tawagin ko siyang Allen. Hindi pa rin ako sanay lalo pa at anak siya ng amo ko.
Nakita kong napangisi siya sa sinabi ko saka ito nakapamulsang umalis sa harapan na ‘min. Narinig ko pa ang sinabi ng mga kaibigan niya na may pupuntahan silang club. Psh! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa naging eksena na ‘ming tatlo. Lalo na si sir Allen. Hindi ako makapaniwalang may utak rin pala talaga ang amo ko. Ang akala ko pa naman ay puro pambabae lang ang alam niya. Naalala ko ulit kung paano ako nagkaroon ng scholar. Isa si Sir Allen na tumulong sa ‘kin para makapag-aral ulit. Kung hindi ako na-discover ng mga magulang niya ay baka nandoon lang ako sa bahay habang naghuhugas ng pinggan. Sucks!
Muling bumalik ang atensyon ko kay Ethan. “What?” I asked dahil nakatitig lang ito sa ‘kin na para bang may gusto siyang itanong.
“Anong meron sa inyo ni Fuentabella?” biglang tanong ni Ethan na siyang nagpahinto sa ‘kin. Eh? Ano bang meron sa ‘min ni Sir?