“Eat this, this one, and this one.” Sunod-sunod ang bigay ni Allen sa ‘kin ng pagkain. Bumili kami sa labas ng makakain at ang plano ko sana ay librehin ko siya ng dinner pero dahil sa eksena niya kanina sa presentation ng mga client ko ay talagang hindi na ako nag-abala pa. Muntik pa nga sanang mabulilyaso ang mga cliente ko dahil sa sunod-sunod na tanong niya. Idagdag pa ang mga classmates niya na sumasali na rin sa pagtanong sa ‘min. Syempre, hindi rin naman kami nagpatalo. “Ang dami naman nito. Baka hindi na ako magising bukas dahil sa mga binili mong pagkain.” Totoo naman kasi dahil halos napuno niya ang bar counter ng pagkaing dala niya eh dadalawang tao lang naman kaming kakain. “Naaaaa. You should eat, Becca.” Tiningnan ko siya ng masama. Anong problema niya sa pagkain ko? Hindi

