Pagkatapos ng mga nangyari kagabi ay hindi na kami muling nag-usap ni Allen. Hindi rin siya lumabas sa kwarto niya buong araw kaya ang akala ko ay hindi kami sabay na babalik sa condo. Lumabas siya ng kwarto ng tawagin siya ni Ma’am Jenny at para sabay na kaming bumalik sa unit. Narinig ko pa ang ilang paalala ni ma’am Jenny bago kami pumasok sa kotse. Nakaupo kami ngayon sa kotse at tinatahak ang daan pabalik sa aming unit. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak ko ang mga nangyaring pag-uusap namin kagabi at mula kagabi ay hindi na ulit kami muling nag-usap. Naiilang ako ngayon sa kinauupuan ko dahil walang kibo ang katabi ko. Seryoso lang ito habang nagmamaneho ng kotse. “Allen, anong gusto mong kainin mamayang gabi? Ipaghahanda kita.” Tiningnan ko ang direksyon niya pero hindi man

