-LORRYN- Miss na miss ko na si Chad. Everything about him, walang gabi na hindi ko siya iniisip at pinapangarap na sana ay katabi ko sa kama. I want to feel his touch, his warm body while hugging me so tight lalo na sa gabing malamig… Pero kasabay ng kalungkutan kong iyon ang sakit sa tuwing maaalala ko ang naabutan kong hitsura nila ni Jenny ng gabing iyon. Palagi na lang bang ganoong eksena ang magiging katapusan ng kaligayahan ko? Sumpa ba na palagi ko na lang mahuhuli ang bawat lalaking mamahalin ko sa 'di kaaya-ayang sitwasyon? Kaya naman gabi-gabi ko ring iniiyakan ang bagay na iyon. Gusto ko ng umalis sa trabaho ko dito pero nasaan naman ang professionalism ko kung gagawin ko yun? Isa pa, kailangan ko rin ng trabaho. Hindi na ako makakahanap ulit ng ganito kaayos na sahod, idagd

