Napabalikwas ng bangon si Celine. Hinihingal at nanghihina ang katawan niya.
She went to her bathroom at naghilamos. Panaginip lang pala.
In her dream she saw an exact version of her kasama ang pamilya niya. She knew it was her twin. Supposedly her happiness turned into fear as she approached them. Spencer is holding her, not her, but her twins hands and kissed her on her forehead...
But....
She tried to ignore it and smiled and called him but he didn't looked at her.
Tinawag niya ulit ito
' Mahal! Good morning! '
'Mommy! Daddy! Good morning!'
They didn't even blinked. She tried to touch them but her hand passed through them.
'Mommy! Daddy! What's happening? Spencer look at me!'
She then noticed her twin looking at her with a smirk, an evil smirk.
'Mahal bat ka natutulala? Ayos ka lang?'
Spencer asked her twin...
'Yes, I'm fine... I just missed Celine so much. Hopefully she's in peace right now.'
What???!!! Her tears started to fall down her cheeks. She wiped them off drastically. No, hindi ito totoo..
She looked at her twin and once more she smiled evilly at her.
Doon na siya nagising. Di niya alam kung bat ganoon ang panaginip niya.
Her dream is really unsual. She never had such a bad dream with her twin sister. She shrugged off the thought. Siguro ay dala lang iyon ng celebration last night. Then again how she wished that her twin was here.
Sana nararanasan niya ang nararanasan ko.
But that dream make her fear something.
Something that is impossible dahil patay na ang kakambal niya.
She tried to forget about that dream and went on her way to school.
She texted Spencer.
'Mahal, good morning! Otw na ako sa school... Take care and see you soon. Love you!'
Graduating na siya ng senior high while Spencer is on his third year in college. Spencer wants to be a teacher. Siya ay undecided pa. She still don't know what course to take in college.
Nakarating na siya sa school and her day started...
******************************************
Iris POV
'Ugh. Ano ba naman to Nay?! Sana di ka na lang naghanda! Debut ko tapos ito lang? Cake lang?!'
Di napigilan ng nanay ni Iris ang maluha.
'Pasensya ka na anak. Yan lang kase ang kinaya ng pera ko eh.'
Napaismid si Iris.
'Duh! Edi sana di ka na lang bumili niyan! Imagine siguro yung kakambal ko bongga ang celebration nun! Ang sarap siguro ng buhay nun!'
Naiyak na lang si Nanay Sol. Mahal niya ang anak niya. Siya ang nagpalaki rito matapos mamatay sa sunog ang umampon dito. Mabuti na lang at nakaligtas sila ng bata.
Inalagaan at pinalaki niya si Iris mag-isa.
'Anak, pasensya na ha wala kase tala-
'Pasensya?! Sana kase ibinalik niyo na lang ako sa ampunan! Edi sana may umampon sakin na mayaman katulad ng umampon sa kakambal ko!. Ngayon ni hindi ko nga alam kung ano pangalan non eh! Ang sarap sarap ng buhay niya samantalang ako, ito, sa squatters nakatira at mahirap!'
Inis na inis na umalis ng bahay si Iris. Naiwan naman si Nanay Sol na lumuluha. Iniisip niya kung sana nabigyan niya ito ng maayos na debut ay magiging masaya ito.
Di na din kase niya ibinalik ito sa ampunan dahil napamahal na siya sa bata. Napakacute at malambing nitong bata pero nagbago ang lahat ng magkaroon ito ng pang-unawa...
Kinasusuklaman na siya nito simula ng malaman nag tunay nitong pagkatao. Di niya kayang ilihim kay Iris ang totoo.
Pero hindi niya din alam kung ano ang pangalan ng kakambal nito at ang mga umampon dito. Nauna kaseng maampon si Iris sa kakambal nito kaya nagkahiwalay ang mga ito.
Isa lang din ang nais ng mag-asawa na ampunin kaya si Iris ay nahiwalay sa kakambal.
Di niya akalain na sa pagtagal ay mas lumalala ang kagustuhan nitong maranasan ang buhay ng kakambal.
Samantala pumunta na lang si Iris sa bahay ng kanyang boyfriend. Wala naman nagawa ang nanay niya para pigilan siya na magboyfriend.
'Anthony! Anthony!!!'
Sigaw niya habang kinakatok ang pintuan.
'Oh ano ginagawa mo dito Iris? Papunta pa lang ako sa inyo para dalhin ang regalo ko sayo.'
Umismid si Iris. Sabay buntong hininga.
'Wag ka na tumuloy. Andito na nga ako eh. Nakakabadtrip lang sa bahay kaya dito muna ako.'
Agad naman itong pinapasok ni Anthony.
'Ano Iris inaway mo na naman ba si Nanay Sol? Kawawa naman ang nanay mo. Palagi mo na lang siyang pinag-iinitan ng ulo. Pasalamat nga tayo at mabait si Nanay Sol at di siya tumutol sa atin eh.'
Padabog na tumayo si Iris.
'Anong mabait? Duh. Ang sabihin kamo niya makasarili siya. Iniisip niya lang ang sarili niyang kaligayahan. Saka wala naman siya magagawa kung mag boyfriend ako eh, di ko naman siya totoong nanay!'
Napakunot ang noo ni Anthony sa narinig.
'Ayan ka na naman! Wag ka nga magsalita ng ganyan. Buti kahit ganyan ka mahal kita kase inuunawa kita. Pero wag ka naman ganyan kay Nanay Sol. Siya ang nagpalaki sayo. Siguro ay nangangarap ka na naman na sana kasingsarap ng buhay ng kakambal mo ang buhay mo noh! Di ka nga sigurado kung ano lagay nun eh.'
Nakapameywang na ngayon si Iris. Naglakad patungo sa bintana.
'Tsk. Anthony, ramdam ko marangya ang buhay na mayron yun ngayon. Di ako papayag na siya lang ang magpapakasarap. Lahat ng meron siya y dapat meron din ako. Magiging mayaman din ako Anthony! Kaya ayusin mo ang buhay mo! Dahil iiwan kita pag nanatili lang tayong mahirap!.'
Nagulantang naman si Anthony. Di niya inaasahan na maririnig iyon mula kay Iris. Kahit anong sama ng ugali nito ay tinitiis niya at iniintindi. Marahil bunga lang iyon ng pangungulila.
'Wag ka mag-alala Iris. Dalawang taon na lang naman at matatapos na ako ng kolehiyo. Kaunting hintay. Ipaparanas ko sayo ang maginhawang pamumuhay.'
Niyakap niya sa likod si Iris habang nakatanaw ito sa bintana. Bumuntong hininga ito.
'Dapat lang Anthony! Sawa na ako sa gantong buhay.'
Bumitaw na si Anthony at kinuha ang regalo para dito.
'Happy 18th birthday Iris. Ito ang regalo ko para sayo. Yan lang ang nakayanan pero sana magustuhan mo.'
Binuksan na ni Iris ang regalo. Isang kwintas.
'Pwede na to, salamat Anthony. Pero sa susunod mas bongga ah.'
Medyo nasaktan si Anthony sa narinig pero pinilit na lang niyang ngumiti.