Mistaken

738 Words
Kasalukuyang tumitingin si Celine ng mga kakailanganin niya sa university sa mall. She's wearing a mustard colored dress na hanggang tuhod ang haba. Litaw na litaw ang kaputian at hubog niya sa suot. May mga panaka naka namang sumusulyap sa kanya. Di kase maitatanggi na napakaganda ni Celine. Pumunta siya sa bookstore para tumingin ng mga libro. Di niya naman napigilan ang mapangiti ng makita ang mga bagong release na manga. Naalala tuloy niya ang unang beses na nagkita sila ni Spencer. Nang makita niya ang nais niya ay kinuha niya iyon at nagbayad na sa counter. Lumabas na siya at naglakad lakad sa mall. Maya maya habang naglalakad ay may naaaninag siyang lalaki na kumakaway mula sa malayo. Nakangiti ito sa direksyon niya pero di niya pinansin baka ay nasa likuran niya ang kinakawayan nito. Naisipan niya na sumakay ng escalator pababa dahil nagugutom na siya. Kakain na lang muna siya habang hinihintay si Spencer. Kaya lumiko naman siya at tumungo na sa escalator. Narinig naman niya ang lalaki kanina na kumakaway na sumisigaw. May tinatawag ito. 'Iris!, Iris!' Hanggang sa tuluyan na siyang nakatayo ay naririnig pa din niya ang pahina na pahina na pagtawag nito. ****************************************** Iris POV Napakunot ang noo ni Iris. Nakita niya na kase sa malayo pa lang si Anthony. Naglalakad na siya patungo rito ng makita niya itong may tinatawag at hinahabol. Binilisan niya ang paglakad ng makitang tutungo ito sa pababang escalator. Naririnig niya na tinatawag nito ang pangalan niya. Agad naman niya itong kinalabit sa balikat. 'Uy Anthony! Sinong tinatawag mo? Andito kaya ako!.' Nagulat naman si Anthony ng humarap ito sa kanya. 'Iris? Akala ko ikaw yun kaninang bumaba lang. Kamukhang kamukha mo talaga eh kaso di ako nililingon akala ko tuloy galit ka sakin.' Nanlaki naman ang mga mata niya. 'May nakita ka na kamukha ko?? Tara habulin natin mukhang andito siya! Anong suot niya? Saan siya papunta?' Sunod-sunod na tanong niya habang hatak hatak si Anthony sa pababang escalator. Umiling iling naman ito. 'Malamang nakalayo na yun. Naka dress siya na mustard ang kulay eh.' Nagpalinga linga pa si Iris baka sakaling makita niya pa si Celine pero wala naman siyang matanaw na naka mustard colored na dress. Nakalayo na siguro ito. Agad naman niyang binalingan si Anthony. 'Anthony! Sayang! Pangalawang beses na to eh! Hay nako! Edi sana nakilala ko na siya.' Nalilito naman si Anthony. 'Anong pangalawang beses?' Agad naman siyang nagkwento dito. 'Muntik na kami magkita ng kakambal ko Anthony! Celine ang pangalan niya at parehas kami ng university na papasukan! Makikilala ko din siya Anthony! Matutupad na din mga pangarap ko!' Nalukot naman ang mukha ni Anthony. Di niya kase gusto ang pag-asam ni Iris sa bagay na meron ang kakambal nito. Tingin niya ay di lang iyon basta bastang inggit. 'Iris maganda naman kung makikilala mo siya. Pero wag ka mainggit sa kung ano ang meron siya. Alam ko naman ang natakbo sa isipan mo ngayon eh. Gusto mo lang siyang makilala para pakinabangan kung ano man ang meron siya dahil alam mo na di ka niya tatanggihan. Pero kapatid mo siya at kakambal pa.' Agad namang uminit ang ulo ni Iris sa narinig mula kay Anthony. 'Ang tanga mo din eh noh? Alam mo masyado na niyang nalasap ang sarap ng buhay eh ako? Nganga! Alam mo once na nakuha ko ang gusto ko iiwan kita. Di ako nagbibiro, Anthony! Pag mayaman na ako at ganyan ka pa din iiwan talaga kita!' At bigla na lang naglakad papalayo si Iris. Napabuntong hininga na lang si Anthony. Sinundan niya na lang ito. Di niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ugali nito. Mahal niya si Iris. Pero habang tumatagal mas nagiging magaspang ang ugali nito. Lalo na sa kanya. Gusto nito na maging successful agad siya. Napakadami nitong hinihingi. Minsan nga di niya maibigay ang gusto nito ay muntikan na talaga silang maghiwalay. Gusto naman niyang bigyan si Iris ng magandang buhay pero hindi pa napapanahon para sa kanya at di pa umaayon sa kanya ang swerte. Sana lang talaga ay di lamang pera ang habol nito sa kanya. Iba na kase ang treatment nito sa kanya. Paano pa kaya pag nakuha nito ang inaasam nitong marangyang buhay. Graduating na siya sa college at nag papart time job din siya. Aaminin niya na mahirap. Tunay na maluho si Iris. Di nga lang niya alam kung hanggang kailan niya ito uunawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD