Suicideking Hindi ko akalaing magiging close ang aking asawa at ang kaibigan ng aking hipag na si Carina. Kapag nasa aming condo kasi ay tanging si Katherine lamang ang kakwentuhan ng dalaga, hindi ko nakikitang nakakapag-kwentuhan sila ng aking misis na si Angel. Ngunit ang unang araw namin sa Tagaytay ay tila kakaiba, magkahalong kaba at saya ang aking nadama noong araw na iyon. Una ay ang aking pangamba na anumang oras or pagkakataon ay maaaring magtagpong muli ang aming landas ng aking lumang kaibigan. Pero hindi ko rin naman isinasantabi ang pagkakataong magkakasama kaming lahat ng mga babaeng nagpapaligaya sa akin. Ako na siguro ang isa sa pinaka-masuwerteng nilalang noong araw na iyon, magkahawak ang aming kamay ng aking asawa habang naglalakad at sa aming harapan ang dalawang mag

