Suicideking Sa ikatlong araw ng aking pananatili sa malamig na syudad ay nagsimula na naman akong ma-excite. Ito na kasi ang aking huling araw dito ngayong linggong ito, maaari pa akong bumalik dito kung sasapit na ang ilang importanteng bahagi ng construction. Halos natapos ko na din ang aking isang obra na isinulat dito sa aking laptop. Tanghalian ay nagtungo ako sa Mahogany Market upang kumain ng mainit na bulalo kapartner ang inihaw na tawilis. Bumili na din ako ng mga pasalubong para sa aking pamilya. Dumaan muli ako sa aming site upang magpaalam sa aming foreman para sa aking paglisan. Hindi na ako nagpagabi pa at excited na din kasi akong makasamang muli ang aking mahal na asawa. "Kuya Bogs uwi ka na?" tanong ito sa akin ng dalagang si Carina. Muli kaming nag-usap sa telepono hab

