Suicideking Kinabukasan matapos ang isang magandang baitang ng aking buhay ay nagising ako sa ingay ng aking dalawang kasama. Paglabas ko ng aming silid ay naabutan ko ang aking asawa at ang kanyang kapatid na si Katherine na kumakain ng agahan. Kapwa sila galing sa night duty at kararating lamang. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa habang pinagsasaluhan ang biniling agahan mula sa isang fastfood chain. "Babes! good morning! halika kain kana din" bati sa akin ng aking magandang asawa na si Angel. "Hi kuya!" singit naman ng aking hipag. Dumulog ako sa hapagkainan at dama ko pa ang pagkahilo sa aking ulo dahil sa alak na sumipa sa akin kagabi. Hindi ko nakitaan ng anumang pagkapagod ang aking asawa maging si hipag. Siguro ay dahil na rin sa lakas ng ulan kagabi ay konti lamang ang kanila

