Suicideking Tahimik kaming naghapunan linggo ng gabi, salu-salo naming kinain ang nilutong ulam ng aking hipag. Bihirang magluto ang kapatid ng aking asawa, pero napakasarap naman talaga nito, swerte talaga ang makakabihag ng kanyang puso. Dahil sa maliit at pang apatan lamang ang aming lamesa, minarapat nang tatlong dalaga na sa sala na lamang maghapunan. Kami naman ng aking asawa ay pigil ang mga ngiti dahil alam naming narinig nila ang aming mainit na pagtatalik kanina lamang tanghali. Kung sa aking asawa ay ayos lamang o trip nya lang ito ay ok na din sa akin. "Babe di ka ba pwede talaga bukas?" patungkol ko sa aming nalalapit na pagtitipon, pagtitipon ng mga arkitekto. "Pang gabi ako bukas babe e, hayaan mo na sa susunod nalang" wika naman niya. Gusto ko sanang makasama ang aking

