Chapter 55 Hunter's POV Hindi ko alam kung tama lang ba ang ginawa ko na pagpayag sa nais nilang mangyari gayong alam ko naman na mag-aalala ang aking ina. Ngunit kahiit na ano pa ang isipin ko ay hindi ko na rin naman mababawi pa ang ginawa ko na pagpayag. Hindi ko rin tuloy mapigilan na isipin kung tama ba ang ginawa ko na pagsama sa lugar na ito. Paano kung alam pala nila kung sino at ano ako? What if this is just a bait. Britney is trying to befriend me just to lure me? Paano kung ang plano nilang pag-iinom na ito ay para kapag nalasing ako ay madali na sa kanila ang madakip ako. Kung ganoon man nga ang plano nila laban sa akin ay sisiguraduhin ko na hindi nila maidadamay ang ina ko. Kayang-kaya ko silang harapin na pamilya kahit na ako lang mag-isa. Ngunit ayokong ma-p

