Chapter 49 Hunter's POV Britney Alegre. Iyan ang nabasa ko na buong pangalan ni Britney sa kanyang ID. Hindi ko alam pero sobrang mysterious niya para sa akin. Siguro ay dahil sobrang tahimik niya. At pakiramdam ko ay mas tahimik pa siya sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang pagbalik ng tingin ko sa kanya mula sa kanyang ID ay nakataas na ang kanyang kilay na tila ba nagtatakha kung ano ang tinitingnan ko. Binaliktad niya ang kanyang ID dahil tila ay na-conscious siya nang ma-realize niya na sa ID ako nakatingin. Wala naman siyang sinabi pero halata na nagmadali na siya sa ginagawa niyang pagkain. Hindi ko naman na iyon pinansin at nagpatuloy na lang din ako sa pag-ubos ng dessert. Nauna nang tumayo si Britney at naiwan ako nang mag-isa. Ngunit kahit na wala na siya sa mesang ito ay

