Chapter 77 Hunter's POV Halos dalawang dekada na rin na hindi umuuwi si mama sa kanilang kaharian kaya alam ko na ikabibigla nilang lahat kung uuwi nga siya ngunit wala naman nang buhay. Hindi ko rin alam kung gaano kalapit sa isa't isa ang Alpha at ang mahal na prinsesa ngunit kung talagang nananabi nga ang mga ito ay nasisigurado ko na masasaktan sila nang sobra. But despite of the good deal he gives me ay hindi ko pa rin maiwasan ang magdalawang isip sa nais niya na mangyari. Siguro nga ay totoo ang sinasabi niya na sa Alucard nga niya kami dadalhin at ang kanilang ama at Alpha pa mismo ang susuno sa amin ngunit hindi ko naman pwedeng basta na lamang paniwalaan ang sinabi niya na siya ang bahala sa akin lalo na at buong buhay ko na itinanim sa akin isipan ang pagiging alanganin ng bu

