Chapter 91 Hunter's POV Ilang sandali na rin mula nang bitiwan ko ang mga salitang iyon ngunit wala akong narinig na ano mang salita mula sa kanya. Nanatili siyang tahimik at nakatungo sa lupa. And I do not have a goddamn idea kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Ang alam ko lang ay nabigl siya. I know how hard it is to believe pero iyon ang totoo. And he has to accept the truth that his father is a killer. Hinintay ko ang kung ano mang magiging reaction ni Dagger. Hanggang sa mayamaya lang ay narinig ko na siyang tumawa. At hindi ko alam kung ang tawa bang iyon ay pang-iinsulto. Hanggang sa dahan-dahan siyang mag-angat ng tingin sa akin at sinalubong ang mga titig ko sa kanya. Kahit na halata pa rin ang pagkabigla sa kanyang mukha ay hindi pa rin naman nawawala ang hindi niya

