Chapter 94 Hunter's POV Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang mga sinasabi ngunit alam ko na hindi lamang ako ang nalito sa mga sinabi niya. Dahil nang lingunin ko ang Alpha at Master Racul ay kitang-kita ko rin ang kalituhan at katanungan sa kanilang mga mukha. "Anong pagtatago sa tagapagmana ang pinagsasabi mo, Alegre?" tanong ng Alpha na sigurado ako na siya ring katanungan ng lahat ng nandito. Ano naman kayang kasinungalingan ang nakaplanong sabihin ni Tito Jom para lang mapagtakpan ang kasalanan niya? "Itinago ko ang tagapagmana hanggang sa siya ay maging handa," sabi niya at napuno ng bulungan ang mga bampira na nakakarinig ng mga sinasabi niya. At hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi niya o magagalit. "Tinago ko ang--" "Nahihibang ka na, Alegre

