“Dan, can we cancel the show for today?”
“Huh? What do you mean?” Dan asked as she pulled out her list in her clip board. “May shooting ka lang ngayon ng isang commercial, hindi naman siguro ‘yon tatagal ng kahit na isang oras lang puwede natin na matapos kahit na dumating ka na roon na naka bihis kaagad. One take and then go back home,” sagot nito.
“I don’t think I can do it right now though,” Aliyah sighed and threw herself back down her bed. She rolled over the comfortable sheets and continued to scratch her head and let out all her frustrations by kicking her bed. “I don’t know if I can actually function like this today. I am not going to be able to survive this day if I go out. Even if I try, I couldn’t. Today is just a very different day and it’s not happening.”
“Hoy, anong sinasabi mo? Nakakatakot ka naman na mag salita, parang bibitayin ka na sa sobrang intense!”
“Intense talaga,” bulong ng dalaga. “Feeling ko sobrang laki ng kasalanan ko sa past life ko!” she pouted and hit her own forehead as the thoughts cam rushing in her mind. “Ano ba ang ginawa ko sa nakaraang buhay ko? Bakit ano umabot sa ganito bigla? Gusto ko lang naman na maging masaya, magpasaya ng mga tao, gusto ko lang naman- bakit ganito? Biglaan nalang na nasasangkot ako sa buhay na ganito?”
Halata na naguguluhan si Dan sa kung ano man ang nangyayari kay Aliyah. Her boss is always over thinking, but this time she looks like she’s actually in deep trouble. Something that she genuinely wants to be saved from.
“Anong nangyayari ba? Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang stressed mo,” she pulled out her phone. “Don’t tell me you have a freaking scandal going around right now? Kasi kung mayroon man, kailangan na agad nating pagtuunan ng pansin ‘yan. Emily should be working on it actually.”
“Sana nga sinusumpa nalang ako ng mga tao online. Sana nga may malaking scandal nalang ako,” bulong niya.
“G*ga ka talaga, huwag ka nga magsabi ng mga gan’yan na salita, masyadong nakakatakot!” Dan did a sign of the cross to fight of all the bad jujus that might have come after those words from Aliyah’s mouth. “Hindi ka puwedeng magkaroon ng scandals, bawal sa atin ‘yan girl, alam mo naman na magugunaw ang mundo kapag nagkataon!”
“Why don’t we just dig up a bunker, like … can we just escape these all and we can hide till everything else is done and passed. Hindi ko kasi alam kung ano ang ginagawa ko! Biglaan na lang akong nagdedesisyon nang hindi ko inaalam kung kakayanin ko ba talaga. Hindi ko alam kung maitutuloy ko itong sinimulan ko! I want to push through it, but how? I’m getting cold feet!”
Hindi pa rin naiintindihan ni Dan kung ano ang tinutukoy nitong babae na lugmok na lang? Wala talaga akong maintindihan sa nangyayari. Malapit ka ng mabaliw d’yan pero ako heto pa rin at walang masabi na matino kasi puro katanungan lang ako na hindi naman nasasagot!”
“Dan, do you think you could find me a great dungeon? Find me a place where I could hide in, I want to really move on in life and not f*cking continue living in this sh*t life. I feel so stupid because of this! I can’t!”
“T*ngina girl, suko na ako,” Dan sat down on the floor. She’s too defeated. At pagkatapos, imbis na sagutin na lamang nang maayos ni Aliyah ang mga katanungan niya, nakuha pa nitong tignan siya na para bang siya pa ang nagtatampo.
“Why are you saying that? You should at least try and save me, no?” she asked with a pout on. Talagang mukhang hindi siya nakatulog dahil sa kung ano man ang bumabagabag sa kan’ya.
“Are you on drugs Aliyah?”
“My God, Dan! Ano ba, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, seryoso nga ang pinagdadaanan ko, please help me. I don’t want to be suffering in this choice that I made. But I also don’t want to be burned alive because I flaked and did not follow through right after I signed.”
Dan bit her lip, “You signed a contract without letting us know? Were you forced to accept a role or a gig that you don’t want to do? I can talk to Emily, we will figure that out in no time! I promise you, it will be easy. Kahit ngayong araw lang tapos na kaagad ‘yang problema.”
Hindi niya narinig na sumagot si Aliyah. Tahimik lang ito na nakatingala sa kisame at wala sa sarili. She sighed and sighed. No explanation came out of her mouth, just pure displease and regrets let out through deep breaths.
“Kumain ka na nga lang Aliyah, pinagdala na kita ng mushroom soup doon sa kusina. Halika na at baka lumamig na ‘yon.”
“Dan, I think we should cancel the shoot today. Please tell them that I have a fever or something. Make up a good excuse and tell them that I am really, really sorry for the inconvenience, but I just can handle anything right now. I am mentally not stable and I will for sure just make everyone else day miserable by working with me like this. Patatagalin ko lang lalo ang trabaho nila kahit na hindi maganda ang kalalabasan ng buong project. Masyado akong lutang ngayon. Hindi ko rin kayang umarte.”
“Aliyah, for the love of God. Puwede ba na sabihin mo na sa akin ngayon kung ano ang problema? Hindi ko na talaga kayang hintayin pa nang mas matagal bago malaman ang rason kung bakit ka biglaang gan’yan.”
The actress sat down. In her silk pajamas, she stared at Dan very seriously, “You can’t tell anyone about this,” she told her. She’s not even smiling or anything. Making her assistant panic even more.
“Obviously, I wouldn’t! Go na kasi, sabihin mo na sa akin. Kahit na ano pa ‘yan, hindi mo maririnig talaga na ilabas ko sa iba, promise ko sa’yo ‘yan kahit na lumubog ang titanic muli.”
Aliyah rolled her eyes, “I had diner with my ex last night,” she whispered. Her soul literally left her body when she got back to what happened last night. Parang isang nakaktakot lang na panaginip ang nangyari. Nakakatakot, ngunit hindi niya maitatanggi na isa ito sa mga gabi na hinding- hindi niya makakalimutan.
“You ex?” Dan’s mouth fell wide open. “Ito ba ‘yong ex mo na iniwanan ka nang walang paalam or kahit na anong reasoning? The one who ghosted you? Siya ba ‘yon?” her slow nods made her gasp so hard that she almost hyperventilated. “Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang kapal naman ng mukha na makipagkita pa sa’yo?”
Aliya sat there really, really shy and disturbed. Hindi niya kasi maibigay sa kaibigan ang buong kuwento. Hindi man niya pinaghihinalaan na gagawan siya nito ng kasamaan, kaso mas gusto niya na maging maingat nalang kaysa mahirapan pa sa hinaharap kung sakali man na madulas ito, hindi niya rin naman kasi maitatanggi na kapag nadala na sa kuwentuhan itong si Dan ay kung minsan, nakakalimot na rin siya.
“Yeah, siya nga,” simple nitong sagot sa kaibigan. “We ate, and it’s extremely awkward. Gusto ko nalang na ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang lahat. Hindi na ako makahinga kapag naalala ko kung papaano ko siya kinakausap na para bang hindi ko siya kilala. I acted so hard! Sinubukan ko talaga na ilabas ang pagiging best actress ko, pero bawat pagkakataon na mayroon siya, pipiliin niyang pahirapan lang ako lalo. It’s so humiliating! I just want to vanish.”
“Bakit ka sobrang affected? Saan kayo nagkita? In public ba?”
“Hindi, sa palas- uhm, sa bahay nila.”
“Sa bahay nila?” halos mahimatay si Dan dahil dito sa balitang natanggap niya. “Umuwi ka sa bahay ng ex mo? Anong ginagawa mo Aliyah? You are the Aliyah Grace! The Asia’s sweetheart! You are not just some random girl na puwedeng maging aso d’yan sa ex mo!”
“Dan, hindi naman sa ganoon-”
“I don’t want to hear it,” her assistant cut her off. “Nawala siya sa buhay mo na parang wala lang? Tapos ngayon darating siya ulit para guluhin ang mundo mo? Narinig ko lahat ng kuwento tungkol sa kan’ya. Nandoon ako, nakikinig sa bawat hinaing mo sa tuwing darating ang mga araw na kagaya nito, mga araw na hindi mo siya maalis sa isipan mo. And you know what? I noticed that you didn’t talk about him for the past few months. I thought that finally, you are moving on. Kaya lang ngayon tignan mo, hindi ka man lang makapag trabaho dahil sa iniwanan niyang kaguluhan sa isipan mo! Sino ba siya sa akala niya para gan’yanin ka? Kasing hot at yummy ba siya ni Prince Kairo?”
Aliyah shook her head and threw herself back in bed, “You know what Dan, just stop talking,” she said. “Better yet, next time, you try to bite your own tongue while ranting and yapping about. Mas mabuti na siguro ‘yon para hindi mo masyadong dinadala sa kung saan- saan ang usapan.”
“Bakit ba naman kasi kailangan mo pang sabihin ang pangalan na ‘yan?” bulong niya pa nang ibinaon nito ang ulo sa malambot na unan. Hindi siya narinig ng kan’yan kaibigan.
“Aliyah, seryoso naman kasi talaga ako sa usapan na ‘to. Malaking problema na ganito at hindi ka man lang makakarating sa mga shoots mo dahil affected ka mula lang sa isang dinner! Ano ba ang nangyari?”
All the memories from last night flashed back in her brain. Naaalala niya pa kung paano siya binabantayan ni Prince Kairo sa bawat ikinikilos niya buong gabi. Hindi man lang niya magawang uminom ng kahit na kaunting wine dahil ano mang oras, pakiramdam niya ay sisigawan na siya ng lalaki para lang pagbawalan siya nito.
Gustuhin man niya na lumingon at hindi ito pagtuunan ng pansin, hindi naman maaari na ang Reyna mismo ang diretso niyang panoorin hanggang sa matapos na ang gabi. She just sat there, doing her best to act unaffected. Sinubukan niya na hindi umiyak at magmukmok dahil sa mga matang ‘yon.
“His eyes gave me warmth and peace that I longed for. It’s been a while since I last felt that way,” she confessed. “But now it didn’t give me the happiness anymore… it gave me pain. It hurts so much that I chocked all night keeping in my sobs,” she continued to say.
The beautiful actress took a deep breath and hugged her pillow tightly, “Do you want to hear the worst part of it all?” she asked.
“Yeah?” said Dan.
“After all that torture, I woke up today wanting more. I woke up realizing that I was fine with it. I can cry myself alone, in secret, to sleep, whatever. I can do all that. I just want more time to look at him up close again… it hurts a lot more when I personally admit to the fact that I missed him so much.”