VINCENT “Baby ko, huwag mo na lang kaya kausapin ang unggoy na iyon. Hindi ako makakampanti na mag-uusap kayong dalawa na hindi ako kasama, ” saad ko habang minamasdan ko ito na nagbibihis. “Nakasagot na ako,Vi. At isa pa wala ka bang tiwala sa akin? Huwag kang mag-alala maging okay na ang lahat. ” Napakamot ako sa ulo at napabuntonghininga. Humiga ako sa kama patihaya. Unan ang aking mga kamay. Ilang minuto bago ako sumagot kay Lindsay. “Hindi naman sa ganoon, baby. Siyempre may tiwala ako sa iyo. Kay Miko lang ako walang tiwala. I'm sorry to say this, baby ko. Alam kong napalapit na rin si Miko sa iyo. He's still the son of Mauricio Saavedra. Na nanalatay pa rin ang dugo ng kanyang ama ma tuso kung lumaban. Kaya hindi na lalayong ganoon din ito ang istilo ng pakikipaglaban ang anak n

