Kinagabihan.
Hindi ako makatulog at pagulong gulong na sa kama ko. Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Mag sasocmed na lang ako ulit.
Pinindot ko naman ang Wifi button. Then may mga nag pop up na notification from I.G.
So nag open ako ng IG.
Zach_282828 started following you.
Zach_282828 sent a message to you
Sino naman itong Zach na ito. In-stalk ko naman ang profile niya. At isa pa lang ang post niya at halatang bagong gawa lang. Dahil 2 followers pa lang meron siya.
Zach? Siya yung lalaki kanina sa tapat ng school.
Inopen ko ang messages niya sakin.
Zach_2828282 •Active now
"Pwede mo na ba isend ang Bank account mo."
"Ako ito, yung lalaki kana sa tapat ng school niyo."
"Hindi kasi ako makatulog kakaisip na may utang ako sa iba."
So siya nga yun? Hindi ko alam pero, may bigla na lang akong naisip gawin para sa kaniya.
Cassandraxoso_18
"Wala akong bank account eh, pwede sa personal na lang."
"Bukas, magkita na lang tayo."
" Wala naman akong pasok eh."
Zach_282828
"Nakakahiya naman pag personal, pero sige."
Cassandraxoso_18
"Kumain kana ba?"
"Kumain ka bago matulog."
"Wag kang matakot sakin, para kasing natakot ka sakin kanina."
"Mahal na ata kita"
Napangiti ng malapad sa huling chat ko sa kaniya.
Zach_282828
"Kumain na ako, kanina pa."
"Salamat sa pag alala."
"Hindi ako takot kahit kanino, nahihiya lang."
"Salamat naman kung ganun."
He replied. What? Nagpapasalamat lang siya sa pagmamahal ko. Well, let see. Ma iinlove ka din sakin Zach.
Cassandraxoso_18
"Mahal nga kita? Hindi ka ba naniniwala?"
Zach_282828
"Hmmmm. Gumawa ako ng IG account para makontak ka. Baka nga, mahal na rin kita."
Kita niyo na, nahulog agad siya sa patibong ko.
Cassandraxoso_18
"Sana nga, mahal mo rin ako. Sana hindi ka paasa sakin."
Zach_282828
"I'm not a type guy, na mangloloko at magpapaasa ng babae. Na crush at first sight ako sayo."
"Nang makita kita kanina"
Hay naku, bakit ang bilis niyo ma fall sakin. Hayss, ang ganda ko kasi. Ang bilis niyong mauto, lalo na ang Zach na ito.
Kinabukasan.
Medyo napuyat ako na kachat si Zach kagabi, pero magkikita kami ng 10 am para sabay na kami maglunch. Naligo na lang ako at nagbihis pag katapos.
Nagbihis ng pang aesthetic kong pang gala. Magkikita kami sa isang Mall. Para singilin siya sa utang niya sakin.
Nang makababa ako ng living room, nasa sala si mom dire-diretso sana ako palabas ng bahay ng tawagin niya ako.
"Cassandra, saan ang punta mo?"-tanong nito at dahan dahan pa akong lumingon sa kaniya nakataas ang mga kilay nito at nakatayo na.
"Hang out with friends po."-i said. Naglakad naman siya papalapit sakin.
"Akin na ang wallet mo, uubusin mo nanaman ang allowance na binigay ko sayo para sa kapritchohan mo."-she said na nakapanatiling nakataas ang kilay niya at linahad pa ang kamay nito sakin.
Hayss. Napilitan naman akong kunin sa Fendi Brand Bag ang wallet ko at binigay kay mommy. Binuksan niya ito at chineck pa. Binigyan niya ako ng 500 pesos na agad akong kinuha.
"Mag bus kana lang pauwi para makatipid ka naman. Sige na, makakaalis kana"-she said at tumalikod na ito at bumalik sa sofa.
Napahinga pa ako ng malalim, bago lumabas ng bahay. Bakit pagdating kay mommy, tiklop agad ako. Nakakatakot kasi siya, lalo na ang mga tingin niya at nakataas ang kilay.
Kilala ang pamilya ko sa school namin, kaya takot silang ibully ako.
Nagtaxi ako papunta sa Mall, magbabayad naman si Zach sakin kaya okay lang yun. May gusto sana akong bilhin na sapatos eh. Kaso kinuha na ni Mommy ang pera ko.
Akala niya kasi, nauubos ang pera ko dahil sa mga kaibigan ko. Ang totoo niyan, binibili ko ng mga mamahalin bag, shoes, at iba pa.
Isang oras na biyahe, dahil medyo traffic. Naka rating na rin sa Mall. Natanaw ko na si Zach na nakatayo sa isang gilid sa loob ng Mall. Hihintayin niya naman talaga ako, tulad ng pinag usapan namin.
Na notice niya naman ang pagdating ko. Tulad kahapon, simpleng long sleeve lang ang suot niya at jeans. Pero iba ang dating. Habang ako naman, nakaboots na mamahalin at skirt with Shirt and Blazer on my top.
"Kanina ka pa?"-tanong ko rito.
"Hindi naman, kakarating ko lang din."-he said at halatang nagsisinungaling ito. Medyo pinagpapawisan ha kasi ang noo niya. Kahit na malamig naman ang aircon dito.
Naglakad lakad na kaming dalawa. Habang nahihiya pa siya sakin na kausapin ako.
Kahit sino naman mahihiya sakin, pag sinabi ko na mahal ko siya, diba?
"Meron ka bang bibilhin?"-he ask na nagpabasag ng katahimikan habang naglalakad kami.
"Oo sana eh, kaso kinuha ng mom ko ang pera ko."-sagot ko.
"Kung ganun, sabihin mo lang ang gusto mo. Para mabayaran kita sa utang ko sayo."-he said at nakangiti pa ito. Parang ang galante naman niya.
"Umh. Mayaman ka ba?"-prangkang tanong ko dito. Sa tingin ko kasi, isa lang siyang simpleng tao base sa pananamit niya. He just shrugged his shoulder.
"I don't know, pero hindi ako mayaman. Pero, babayaran kita sa utang ko sayo. Ano bang gusto mo?"-he ask.
Pumasok kami sa isang Bag department na Gucc Brand.
"New bag ang gusto ko, medyo luma na kasi ang bag kong ito."-i said at medyo tinaas pa ang hawak kong bag. Na kakabili ko lang last month.
"Hindi halata na luma."-he said then he chuckled. Ang ganda naman ng tunog ng Tawa niya kahit mahina lang.
Pumili na lang ako ng bag na babagay sa mga damit ko. Hayss, may sugar daddy na ako.
After ko pumili ng Five bags Gucci Brand. Binayaran niya ito na walang pag alinlangan.
Pumunta kami sa isang resto para maglunch. Sa mamahaling restaurant ko siya inaya, siya naman ang magbabayad eh. Kaya okay lang yan.
"Zach ba talaga ang name mo?"-tanong ko rito at dumating na ang inorder kong pagkain na pinakamahal sa menu.
"No, Zachary. But you can call me, Zack."-he said. Ah, so hindi Zach ang nickname niya.
"I'm Cassandra, Cass for short."-i said and smile at him. Nahihiya pa siyang ngumiti sakin pabalik bago ito sumubo ng pagkain.
"Are you sure na may pambayad ka rito? Wala kasi akong dalang pera."-i said at medyo kinakabahan pa. Umiling naman siya.
"Don't worry, I will pay everything you ordered"-He said with full of confidence. "Saan mo pa gusto pumunta? Total, mahal mo naman at mahal kita. Ibibigay ko lahat ng gusto mo."-he directly said. What?
"Really?"-tanong ko na parang hindi makapaniwala. He nodded. Sugar daddy Unlocked. Okay, hindi ko na kailangan ng allowance from mom para matustusan ang mga kapritchohan ko. Si Zack lang ay sapat na.