Ramdam ko ang galit na namumuo sa buo kong pagkatao mula nang malaman ko ang pinagdadaanan ni Rayelle. Hindi ako makapaniwala na may ganito pa lang kasaklap na pinagdadaanan ang dalaga, napakasakit para sa akin na malaman ito lalo na at mahal na mahal ko ito. Tila gusto kong patayin ang lahat ng mga taong nanakit dito. I feel so guilty all this years she suffer the pain without my knowledge. Gusto kong saktan ng doble ang mga taong ito, pero sabi ng aking mga magulang ay dapat gawin ko ito ng hindi padalos-dalos. Si daddy na hindi makapaniwala sa nalaman, alam ko na tahimik at kalmado itong tao pero nang sabihin sa kanya ni mommy ang nangyari kay Rayelle ay nakita ko ang galit nito. “I want them to suffered Cluade.“ Sabi ni mommy habang nakatitig kay Rayelle na wala pa ring malay. S

