Nakangiti ako habang pauwi ng bahay namin galing sa school at dala ko ang card ko na may matataas na grado.
Tiyak ako na matutuwa nito si lolo at lola dahil mataas na naman ang nakuha kong marka sa school.
Ako nga pala si Rayelle Mendez, labing limang taong gulang at grade eleven sa aming maliit lamang na vocational highschool dito sa lugar namin.
Ang bayan ng Alfaro dito sa Palawan ay maliit at tahimik na bayan at ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga-rito sa amin ay pangingisda at pagtatanim ng mga gulay at prutas.
Ito ang trabaho ng lolo at lola ko na kahit matatanda na ay malakas pa rin at kaya pang magtrabaho, sa ngayon ay hindi naman kami hirap sa buhay dahil sapat ang kinikita ni lolo sa pagsasaka.
May mga tauhan naman sila na siyang tumutulong sa mga ito at kaya pa ngang mag-drive ng maliit na pick-up truck ni lolo na siyang ginagamit nito para mag-dala ng mga ani namin sa pinakabayan.
Malapit na ako sa bahay pero kinabahan ako dahil kakaiba at hindi ko maipaliwanag na damdamin ang bigla na lang lumukob sa akin, naalala ko si lolo at lola kaya dali-dali akong lumakad pauwi.
Nasa tapat pa lang ako ng bahay namin na may gate na bakal ay may mga tao na sa labas at tila maingay sila.
“Rayelle nandito ka na pala hija!“ Salubong ni Nanay Tonya na katiwala ni lolo at lola, umiiyak ito na niyakap ako ng mahigpit kaya tila na-blangko ang isip ko.
Ano ba ang nangyayari at bakit ganito ang mga taong ito? Kinakabahan na rin ako dahil nakakita ako ng mga ilaw sa loob ng bahay namin at may mga bulaklak pa.
“Ano po ang nangyayari? Bakit may mga tao po?“ Magkasunod kong tanong kaya binitiwan na ako ni Nanay Tonya at umiiyak ito na inakay ako papasok ng bahay namin.
Hindi ako makapaniwala na uuwi ako ngayong araw na nasa kabaong na ang lolo at lola ko, wala ako sa sarili ko habang nakaupo dito sa tabi ng kabaong nila habang nagpapaliwanag si Nanay Tonya sa nangyari.
Sa isang iglap lang ay parehong nang wala ang mga taong pinakamamahal ko, tumutulo ang luha sa mga mata ko pero hindi ko magawang magsalita man lang.
Sa bilis ng mga pangyayari ay halos hindi na pumasok sa isip ko ang sinasabi ng mga ito na siyang nag-asikaso sa burol ng lolo at lola ko.
“Rayelle inumin mo muna itong mainit na sabaw kanina ka pa hindi tumatayo rito at hindi mo nagalaw ang pagkain mo.“ Lumapit sa akin ang teacher ko na nandito na rin.
Naamoy ko ang sabaw ng paborito kong tinolang manok at dito kumalam ang tiyan ko at nakaramdam na ako ng gutom.
Iyak ako ng iyak habang sumusubo at nasa tabi ko lang si Mrs. Pascual na hinahaplos ang likod ko.
Hindi siya nagsasalita at hinayaan lang ako nito na kumain habang umiiyak dahil hindi ko na napigilan pa ang damdamin ko.
Bakit biglang naging ganito ang naging sitwasyon ko, ni hindi man lang sumagi sa isip ko kung ano ang pakiramdam na wala na ang pinakamamahal kong pamilya.
Ang mag-asawa na siyang tinuring kong totoong mga magulang kaysa sa aking ina na hindi na ako kailanman binalikan pa.
Napakasakit at tila sasabog ang dibdib ko dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Sa ika-tatlong araw ay hindi ko inaasahan na may darating na tao na pinakahuli sa lahat ng maiisip ko na pupunta dito.
Ang aking ina at ang asawa nito, kita ko at rinig ang iyak ng babaeng maganda sa kabaong ng lolo at lola ko.
Habang lalakeng kasama nito ay nakatayo lang sa di-kalayuan at nang mapatitig ako dito ay nakita ko kung gaano ito ka-gwapo.
Nagpakilala itong asawa ng babaeng umiiyak pa rin sa tabi ko.
Si mama ang aking ina na sa muli kong nakita, sampung taon na mula nang huli itong umuwi dito at hindi ako makapaniwala na nandito ito ulit ngayon.
Wala akong naging tugon sa mga sinasabi nito at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito.
Bakit nandito ito? Bakit ngayon lang ito nagpakita kung kailan wala na ang mga magulang nito.
At ang nakakasama pa ng loob ay tila ako hangin sa paningin nito kahit na alam ng lahat na anak ako nito.
Napakuyom ako ng kamao dahil sa damdamin na umusbong sa puso ko, galit, tampo at isang emosyon na hindi ko dapat maramdaman sa aking ina.
Napatingala ako ngayon sa isang napakalaking bahay na nasa harap ko habang dala ko ang bag ko.
“Rayelle! Ano ba halika ka na!“ Nagulat ako ng higitin ako ni mama sa braso ko dahilan para mapaigik ako sa sakit.
“Pasensya na po.“ Hingi ko ng paumanhin pero masama lang akong tinignan ng aking ina.
Ayoko naman talagang sumama sa aking ina pero sabi ng asawa niya ay dito na raw ako tumira sa kanila.
Naalala ko ang lolo at lola ko na kakamatay pa lang, isang linggo pa lang ang lumipas at sobrang sakit pa rin.
Tapos bigla na lang dumating si mama kasama ang asawa nito na siyang nag-asikaso ng lahat.
Gusto kong umiyak pero lalo lang magagalit si mama sa akin kaya pinigil ko ang sarili ko na hindi mapaiyak.
“Marilou! Halika itong batang ito iakyat mo sa taas at bihisan simula ngayon dito na yan titira!“ Galit na sigaw ni mama sa isang may katandaan nang babae na agad akong nilapitan.
Napayuko na lang ako at nanginginig sa takot sa boses ng aking ina, napakuyom ako dahil hindi ito ang ugali na alam ko sa aking ina.
Ibang-iba ito sa mga kwento ni lolo at lola at sa mga balita sa telebisyon, mabait ito at mapagmahal na asawa pero hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang kalupitan at sadyang pananakit nito sa akin.
Habang nasa byahe pa lang kami kanina ay tinutulak-tulak na ako nito at nasaktan ako sa mga salita nito, hindi ko alam kung bakit ito galit at hindi ko maintindihan ang masasama nitong sinabi sa akin.
“Halika hija akyat na tayo.“ Malambing na turan sa akin ng babae kaya napatango ako at sumunod sa kanya.
“Ikaw pala ang anak ni Rina, ako si Marilou mayordoma dito sa mansyon.“ Nakangiting turan nito nang makapasok kami sa isang napakalaking kwarto na may kulay na violet at puti kaya nagulat ako.
Tinanong pala ako ni Tito Claude nong isang araw kung ano ang paborito kong kulay at mukhang ito ang dahilan.
“Opo salamat po Nanay Marilou.“ Mahina kong turan kaya napangiti ito.
“Nakita mo naman ang totoong ugali ng iyong ina kaya ako na ang humihingi ng pasensya.“ Sabi nito kaya nagulat ako pero napatango na lang.
Naging maayos naman ang pamamalagi ko dito sa mansyon, mababait ang mga katulong dito na nakapalagayan ko na ng loob.
Lalo na sina Nanay Lou at Ate Mindi na siyang madalas kong kausap at kasama.
Isang buwan na halos mula nang tumira ako dito at hindi ko na nakita pa ang aking ina bagay na ipinagpasalamat ko.
Pero si Tito Claude ay hindi ko na rin nakita pa, sabi nina nanay ay hindi raw ito nakatira dito dahil may sarili itong condo na nasa mismong building lang ng kumpanya nito.
Nakakalungkot pero ganito raw ang buhay ng mga ito, ang aking ina naman ay abala sa pagiging modelo nito at laging nasa ibang bansa.
Nakakamangha pero mabuti na ito kaysa ang makita ko ito dito sa bahay at baka manakit na naman ito.
Minsan ay napapanood ko sa telebisyon ang aking ina at si Tito Claude na tila isang perpektong mag-asawa pero ibang-iba ang mga ito sa katotohanan.
Kaya minsan hindi ko maiwasan na hindi mag-isip, tila ba napakasaya ko pa na walang katotohanan ang relasyon nila at pakitang tao lang ang lahat.
Labing limang taong gulang na ako at alam ko kung ano ang naiisip ko sa mga nakalipas na araw.
Nagkakaroon ako ng unti-unting paghanga sa napakagwapong asawa ng aking ina, at minsan pumapasok sa isip ko ang mga bagay na nakakapagpakilabot ng sobra sa pagkatao ko.
Alam ko na mali ang magkaroon ng gusto o paghanga dito pero hindi ko maiwasan, kahit tatlong beses ko lang itong nakita noon ay umusbong na agad ang paghanga ko dito.
Nagulat ako mula sa pag-iisip ko nang bumukas ang malaking gate hudyat na may dumating.
Kinabahan ako dahil baka si mama ang dumating dahil hindi pamilyar ang kotse na tanaw ko mula dito sa garden kung saan ako nakaupo.
Nagpatuloy na lang ako sa paggawa ng assignment ko at hindi na ako nag-abala pa na tignan kung sino man ang dumating.
“Manang Lou is right you are atentive in your school Rayelle.“ Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likod ko at malapit lang ito sa akin.
Napaharap ako dito at nakita ko si Tito Claude na nakangiting nakatitig sa akin kaya bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko.
“Tito Claude.“ Mahina kong turan habang mabilis akong tumayo at napayuko ako dahil sa kaba.
“Come here babe won't you want to hug me?“ Malambing nitong turan na nakadipa ang mga kamay kaya nagulat ako pero agad akong lumakad papunta sa kanya at yumakap.
Napapikit ako dahil sa bango niya na nanunuot sa ilong ko at ang paghaplos niya sa likod ko na tila ako nakuryente at hindi ko mapigilan ang hindi manginig dahil sa kakaibang damdamin na lumukob sa akin.
Alam ko na mali itong pakiramdam na ito pero hindi ko mapigilan dahil ito na yakap ko na ulit ito.
Alam ko na kasalanan ang magkaroon ng paghanga sa lalakeng ito dahil step-father ko siya at isa pa ay parang ama ko na rin ito.
Pero bakit ganito, bakit kumportable ang pakiramdam ko sa mainit na yakap na pinagsasaluhan namin sa mga sandaling ito.
Ilang araw mula nang umuwi o namamalagi na dito si Tito Claude at madalas ko rin kasama ang kapatid ko na si Clyde.
Napakabait ng kapatid ko na malapit sa ama nito kaya nakakatuwa dahil hindi nito namana ang ugali ni mama.
Natatandaan ko nga nong unang beses ko itong makilala ay umiiyak ito at nang makita ako ay agad akong niyakap.
Mula noon ay lagi na itong nakasunod sa akin bagay na minsan ay nagiging dahilan ng pananakit sa akin ni mama at alam ko na sinasaktan rin nito si Clyde.
Pero dahil hindi ko hinahayaan na saktan nito si Clyde ay ako ang sumasalo sa mga pananakit ng aming ina kaya mas mabuti na ito kaysa masaktan niya ang maliit kong kapatid.
Alam rin naman ito ng nag-aalaga kay Clyde o nina nanay pero tinatakot sila ni mama at wala kaming magawa sa kalupitan nito.
Pero dahil madalas naman itong wala ay ito ang pinakapayapang araw para aming lahat dito sa mansyon.
At ngayon nga na nandito na si Tito Cluade ay alam ko na magiging payapa na kami dito dahil nandito na ang tagapagtangol naming lahat.