Kabanata 1

1021 Words
The saddest thing about betrayal is the fact that it's not from your enemies, it comes from someone unexpected, from the people you don't expect the most. Betrayal? Iyan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Calista, bumaba ka na, kanina pa naghihintay si lolo sa'yo." sigaw ni kuya mula sa sala. Gusto kong umiyak, bakit ba kasi kailangan pa akong parusahan ng ganito? Alam kong may nagawa akong mali, pero this is not the first time! May mga bagay ako na nagawa noon, na mas malala pa sa nagawa ko ngayon. Pero ngayon lang nila ako pinarusahan ng ganito kung kailan handa na akong magbago.  Gusto daw nila akong magtrabaho at magbago. Nakapagtapos ako ng kolehiyo, business administration. Pero kahit naman di ako magtrabaho, kaya naman akong buhayin ng pera ng pamilyang ito. What's the point? Ngunit kung gusto talaga nila akong magtrabaho, then I will, hindi naman nila ako kailangang ipadala sa kung saang lugar man nila ako ipapatapon. Agad akong bumaba sa hagdan dala ang mga maleta at bag ko na puno ng mga gamit ko. I feel betrayed. Pakiramdam ko ay tinraydor ako ng buong pamilya ko, dahil ipapatapon nila ako sa lugar na hindi ko alam kung saan! Wala man lang akong ka ide-ideya. "Kuya, please, pilitin mo naman sina mama, papa, at lolo, yung buong pamilya natin, pilitin mo naman sila na huwag na nila akong dalhin kung saang lugar man iyon! Kuya, wala akong kaalam alam kung saan, paano kung may mangyaring masama sa akin, gusto mo ba yon? diba hindi?" sabi ko sa kuya kong nakaupo sa sala. Agad na kinuha ng mga katulong ang mga maleta ko at dinala sa labas, para siguro ipasok na sa sasakyan. "Calista, hindi nga sila pumayag noong ikaw yung nakiusap, ako pa kaya? Isa pa, hindi ka naman ipapadala doon ni lolo kung alam niyang hindi ligtas doon!" sagot sa akin ni Kuya. "Pero kuya, kaya ko nang magbago ngayon! Pangako, hindi na ako gagawa ng kahit na anong masama. I swear-" naputol ang sasabihin ko dahil sa tawa ni kuya. Naiinsulto talaga ako sa tawa niya. "Calista Fianel, ilang beses mo na bang sinabi na magbabago ka na? Pero asan? wala naman ah?" saad niya sa akin. "Pero kuya, this time, for real, magbabago na talaga ako." "Alam mo, hindi sana mangyayari ito kung hindi mo sinampal ang anak ng senador dahil lang inagaw niya ang lalaking gusto mo, Calista. Hindi tayo aabot sa ganito kung hindi ka gumawa ng malaking eskandalo. Asan na ang lalaking gusto mo? wala diba? HIndi mo na siya gusto diba? Isipin mo, gumawa ka ng eskandalo para sa lalaki, tapos nagsawa ka rin pala sa kanya?" aba? kasalanan ko ba na malandi ang anak ng senador? Pero hindi naman siya mali, talagang nagsawa ako sa lalaking iyon. Narealize ko na sobrang babaero niya pala. Hindi niya ako deserve. Huli ko na narealize na hindi naman pala siya ganoon kagwapo pero grabe kung maghanap ng babae! "Kuya, bakit ba natatakot kayo sa senador na iyon. Tiyak na mas makapangyarihan naman ang pamilya natin kaysa sa kanila." totoo naman kasi. Mas makapangyarihan ang pamilya namin sa kanila. Ngunit, aaminin ko na malaking eskandalo nga ang nagawa ko. Dahil sa eskandalong nagawa ko, tuluyang naputol ang pasensya ng pamilya ko. Kaya nandito ako ngayon, ipapadala sa isang lugar para daw magtrabaho. Aba, bakit pa? pwede naman akong magtrabaho sa kompanya namin ah. "Calista, this is not just about the scandal you're into. Dahil ito mismo sa'yo. We want you to grow as a person. Gusto naming matuto ka. Patawad, pero wala na akong magagawa, desisyon na ito ni lolo. Hindi na iyan mababali." saad niya. Gusto kong umiyak ngayon ngunit inirapan ko lang siya. I hate all of them. Kahit nga ngayong paalis na ako, wala man lang si mama at papa, puro trabaho lang. Hindi ko na siya pinansin, agad na akong lumabas ng bahay at nakita ang sasakyan namin sa labas. Nasa loob na si lolo habang hinihintay ako. Nang makita niya ako ay agad siyang umiwas ng tingin. Dahil siguro nakita niyang parang naiiyak na ako. Baka nakokonsensya na siya. Dapat lang. Agad akong sumakay sa backseat katabi ni lolo. Ilang sandali pa ang nakalipas, nagsimula nang umandar ang sasakyan, agad na kaming nakaalis ng bahay. Hindi ko kinikibo si lolo dahil ayaw ko nang ginagawa niya. Ayaw kong mapunta doon. Pero hindi ako makatiis, kailangan ko talagang pigilan ito. "Lolo, bakit hindi nalang ako magtrabaho sa kompanya natin? Bakit sa ibang lugar pa." agad siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. "Hija, kapag sa kompanya ka natin nagtrabaho, hindi ka matututo doon dahil kahit ayaw ko man, may special treatment sa'yo ang mga nagtatrabaho doon. Magpapaka-donya ka na naman, paano ka matututo niya, aber?" napairap ako sa sagot ni lolo. Pagawaan ng tela, iyan ang negosyo ng pamilya namin, ngunit may office branch rin ito, kung saan nagtatrabaho ang mga namamahala sa iba't ibang mga dokumento ng aming negosyo. Doon rin isinasagawa ang mga meeting at kung ano ano pa. "Lolo, pangako, hindi ako magpapaka-donya doon! Paano ako magbabago kung wala naman kayong tiwala sa akin!" "Kaya nga wala kaming tiwala sa'yo, kasi hindi ka nagbabago. Hija, magtiwala ka sa amin, kailangan mong gawin ito. Para rin ito sa'yo." sagot niya. "Wow? Lolo, sabihin mo nga sa akin, paano ko kayo pagkakatiwalaan, kung kayo mismo, hindi ako pinagkakatiwalaan." umiling iling siya dahil sa sinabi ko. "Wala akong lakas makipagtalo sa'yo ngayon, Calista. Magtatrabaho ka doon, at magbabago ka. Tapos ang usapan."  "Pero lolo, paano kung may mga masamang tao doon! Mga mababangis na hayop! at kung ano ano pa? Paano kung hindi na ako makabalik ng buhay? Lolo please think!" singhal ko. "Hija, masyado ka namang OA. Sa tingin mo ba, ipapadala kita doon kung alam kung hindi ligtas doon? Hija, mababait ang mga tao doon. Huwag kang mag-alala." he said. Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong pagmamakaawa at kumbinsi ko sa kanila, hindi naman talaga sila papayag, wala na ata akong magagawa. Ilang sandali pa, nakatulog ako dahil sa haba ng byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD