Kabanata 3

2268 Words
"Calista, pasensya ka na talaga. Hindi ko naman alam na iibahin ni Don Griego ang kubo mo. Pasensya na." nakayukong saad ni Haida habang nasa harap kami ng bago kong kubo. Walang hiya talaga iyang Don Griego na yan! Ilang beses siyang tinawagan ni Haida dahil inutos ko na wag nang baguhin ang kubo ko. Pero anong nangyari? Hindi na raw magbabago isip niya! Ano ba talagang trip nito sa buhay niya. Sobrang layo kaya ng nilakad namin! Tapos sasabihin niya bigla na iba na pala ang kubong tutuluyan ko. May saltik ata sa ulo ang lalaking iyon! "Wala na tayong magagawa. Nandito naman na tayo. Nagsayang lang tayo ng pagod kanina. Walang hiya talaga ang lalaking iyon!" saad ko habang nakapameywang. Sinubukan talaga namin kumbinsihin na huwag nang baguhin ang kubo ko kaso nalagay na raw doon ang mga gamit ko! Kung ayaw ko raw. Kunin ko yung gamit ko. Eh tanga pala siya! Edi nagpabalik balik ako nun? Wala na talaga akong choice kaya naglakad nalang ulit kami ni Haida pabalik. Wala ba siyang awa? Kahit kay Haida nalang na empleyado niya. "A-ano kasi, Calista. Si Don Griego iyong-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad ko itong pinutol. I'm so tired right now! Wala na akong lakas para makinig sa kung ano mang sasabihin niya tungkol sa Don Griego na iyon. "Haida, we need to rest. Stop na muna. I don't have the strength right now. Thanks for today. You can go now." Sabi ko sa kanya. Tinikom na lamang niya ang kanyang bibig at agad na tumango. "Sige po. Kapag may kailangan po kayo. Katok lang po kaya sa kabilang kubo. Nandiyan po si Rano. Siya po ang tutulog sa inyo. Trabahador rin po siya dito." aniya at agad na tinuro ang kubo katabi ng akin. Kumunot ang aking noo. "Bakit hindi ikaw?" tanong ko sa kanya habang nakapameywang. "A-ah. Kasi po malayo pa po ako. Mas malapit po si Rano sa inyo." sagot naman niya. Kaya naman ay nagulat ako. Malayo pa pala siya? "Ha? Malayo ka pa? Walang awa talaga iyang Don Griego na yan. Pabalik balik ka tuloy. Di ka ba napapagod?" oh my gosh. I sound so nice and concerned. Ako ba talaga ito? Maybe galit lang talaga ako sa Don Griego na iyon. Kaya lahat ng bagay na pwedeng maging dahilan ng galit ko, talagang pinanghahawakan ko. "Hayaan niyo na po, Calista. Una na ako. Salamat, pahinga ka na." tumango nalang ako sa kanya pagkatapos niyang magpaalam. Ngayon, mas marami na talaga akong rason para magalit sa Don Griego na yon. Siguradong matanda na iyon kaya ganoon siya. Not that I'm generalizing old people. But I guess he's like 40-50 years old? I don't know, hula ko lang naman. Agad akong pumasok sa kubo na tutuluyan ko hanggang sa "magbago" daw ako. Gosh, hindi pa ako nagsisimula, pagod na agad ako. I can't believe this. Hindi ko pa nga nakikita ang Don Griego na yun eh, naiinis na agad ako sa kanya. I hate him so much! What more kung magiging official assistant na niya ako. Nakita ko ang mga maleta at bag ko na nakapatong sa sofa. Infairness, maganda ang kubo na ito. Bakit nga ba kubo ang tawag dito? Parang classic na condo kase ang nasa loob eh. May sofa, may television, tapos may kusina, may countertop, may refrigerator, at may dalawang kwarto. Actually, isang kwarto lang pala ang meron, ang isa naman na nasa tabi ng kwarto ay ang CR. Konektado ito sa kwarto. For sure, ito na ang kwarto ko. Alangan namang hindi diba? Kaya naman isa is akong kinuha ang mga gamit ko sa sala papasok sa aking kwarto. Maganda rin ang kwarto. May isang kama na hindi man kasing laki ng king-sized bed ngunit sapat na man na siguro para sakin. May malaking closet, may ceiling fan, may bedside table. Simple lang but I guess it's enough for me. Aarte pa ba ako? Baka kapag nag reklamo ako, bigyan ako ng hindi kagandahang kubo. That's why I'm content with what they gave me.  "Gosh, why is this so heavy!" saad ko sa aking sarili habang binubuhat ang mga bag at maleta ko. Inisa-isa ko naman sila, but they're really heavy. My gosh, I'm sweating bullets right now. Damn this. Ito na ba ang unang pagsubok ni Don Griego sa akin? Hope yes, so that I can say na may nagawa rin naman ako afterall. Pagkatapos kong ipasok lahat ng mga bag at maleta sa kwarto ko. Napagdesisyunan ko munang tingnan kung ano ang makakain ko sa loob ng ref bago ipasok ang mga damit ko sa aparador at i-arrange ang mga gamit dito sa kubo. Anak mayaman ako, pero may mga alam rin naman ako sa mga gawaing bahay. Nanonood lang ako noon sa mga katulong namin. I guess I'm a fast learner. Nang makita ko ang ilang mga karne, isda, at iba pang mga pwedeng lutuin ay nanlumo ako. I know how to cook! Pero kasi, gusto ko muna ng mga light foods eh. Ang pwede ko lang atang kunin ngayon na nasa loob ng refrigerator ay ang mga softdrinks.  Nanlulumo ako habang iniinom ang softdrinks na nakuha ko mula sa ref. Hanggang sa nakakita ako ng mga cabinet sa tabi ng ref! Bingo! Dali dali ko itong pinuntahan at nakita ang mga cup noodles, chichirya, finger foods, tinapay, at iba pang pwede kong kainin. Dali dali kong kinuha ang limang mga tinapay at tinabi ito sa softdrinks ko na nasa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos kong kumain ay nagcharge ako ng cellphone at inumpisahan ko na ring ilagay ang mga damit ko sa aparador at ang ilan ko pang mga gamit sa lugar kung saan sila dapat ilagay.  "Thank God!" nasabi ko na lamang habang nakapameywang. Sa wakas, natapos ko na ring ayusin lahat ng mga gamit ko. I'm so proud of myself! I did it. See? I'm not that bad pala when it comes to chores and such. Hindi lang puro party, inom, at lalaki ang alam ko ano! My family will be proud of me after kong makalabas sa Hacienda na ito. I'm sure of that. I will make sure of that. Agad kong kinuha ang tuwalya ko at agad na pumasok sa CR na naka konekta sa kwarto ko. Buti nalang talaga at kumpleto ang mga gamit dito. Pati na rin sa CR! May mga shampoo, sabon, conditioner, lotion, at iba pang mga kailangan ng isang babaeng katulad ko. I guess pinaghandaan na talaga ito ng family ko. Nandito kasi talaga lahat ng mga kailangan ko. "Kailan..kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim.." kanta ko pa habang naliligo. Naaalala ko si kuya, ang kantang yan kasi ang kinakanta niya sa girlfriend niya noon. Hindi ko lang alam kung sila pa ba. I heard they broke up. Well, not my story to tell. Nang maisip ko si kuya ay dali dali akong naligo. Agad akong nagpatuyo gamit ang tuwalya ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa CR at pumili ng mga damit. Nagbihis kaagad ako ng isang puting t-shirt at kulay itim na sweatshorts. Finally! makakapagpahinga na rin ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko. Fully charged na ito kaya naman ay kinuha ko na rin ang charger. Maraming missed calls! From kuya, mama, papa, lolo, and my cousins too! Nag-reply ako sa kanilang lahat ng sorry dahil hindi ko nasagot ang mga tawag nila. Inaasikaso ko pa kasi ang mga gamit ko. 'Kuya, I'm fine here, na-arrange ko na lahat, don't worry' agad ko itong sinend kay kuya. 'Hi pa, I'm fine here, katatapos ko lang pong maligo' I informed papa. Agad ko rin itong sinend. 'Hi ma, I'm okay here, katatapos ko lang maligo' message ko naman kay mama. In fairness, malakas rin pala ang signal dito sa Hacienda.  'Lolo, I'm doing great here, can't wait to come back there' kahit na nagtatampo ako kay lolo. Kailangan ko pa ring magpa good shot para makabalik ako agad. 'Cous! Sabihin mo sa ibang mga pinsan natin na malapit na akong bumalik. I can feel it! Imagine? niligpit ko lahat ng mga gamit ko all by myself, lol.' text ko pa sa pinsan ko. Hindi pa ako nag-iisang araw dito gusto ko na kaagad bumalik sa siyudad.   Nakahiga lang ako sa kama ko nang makarinig ako ng katok sa labas. Agad kong tiningnan ang oras sa cellphone ko. It's already 7 pm. Sino ba ito? Si Haida? I thought malayo ang tinutuluyan niya sa kubo ko. Baka si Rano? Never ko pa siyang nakita eh. I only know him by name. Tumayo ako at lumabas mula sa kwarto. "Sandali!" sigaw ko habang papunta sa may pintuan. Nang binuksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang morenong lalaki. Maganda ang pangangatawan, makikita mo ito kahit nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt. Gwapo rin siya, ngunit masasabi ko na kakaibang gwapo talaga iyong lalaking kaaway ko kanina. Wait, what? bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon. Agad kong tinaasan ng kilay ang lalaking nasa harapan ko. May dala itong mangkok. He must be Rano? Dahil kung hindi siya si Rano, sino naman kaya siya? At bakit ba ang daming gwapo sa Hacienda na ito? Kung alam ko lang, dito na lang sana ako pumunta noon imbis na sa mga bar. "Sino ka? You must be Rano?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti. He wiggled his eyebrows. Wow, he's kinda cute. Pero ayaw kong ipakita sa kanya na I find him cute! Kaya naman ay tinaasan ko na lamang siya ng kilay. "Wow naman! Kilala mo pala ako? Tama ka diyan. Jarano at your service! Rano nalang for short. Ikaw? You must be Calista?" saad niya. Ginaya niya pa ang tanong at ang tono ng pananalita ko. He's kinda playful. "Yeah? Anong ginagawa mo dito? What's that?" ani ko sabay nguso sa dala niyang mangkok. Nanlaki naman ang mga mata niya. Why? "Hoy! Grabe ka naman Calista! Kiss agad? Kakakilala pa lang natin ah?" he said. Ang mga mata ko naman ang nanlaki dahil sa sinabi niya. Ano? What kiss? What the? "WHAT? Anong kiss? Oh my gosh, ang mangkok na dala mo ang nginunguso ko! Masyado kang assuming. Ew!" saad ko, pinaikot ko ang aking mga mata at tiningnan siya ng masama. "Hoy, joke lang, to naman. Di ba ako welcome sa kubo mo? Papasukin mo naman ako. Adobo itong laman ng mangkok. Niluto ni nanay, kumain ka na ba? Kung wala pa, itong adobo ulamin mo. Kung oo naman, reserve mo nalang to para bukas. Hindi naman ito mapapanis. May suka ito no-" agad ko siyang pinutol? Bakit ba ang daldal ng mga tao sa Hacienda na ito? "Gosh! Fine. Pasok ka, ang daldal mo! Bagay kayo ni Haida." mas lalong ngumiti ang loko dahil sa sinabi ko. Oh? What now? May gusto siya kay Haida? Well well well. Tingnan mo nga naman. "Hehe, salamat, alam ko naman iyon no!" sabi niya. Agad niyang nilagay ang adobo sa ibabaw ng lamesa ko.  "Hindi pa ako kumain. Salamat sa adobo. Thank you na rin sa nanay mo dahil sa luto niya. You may leave now, kakain na ako." "Hala siya, sino nagsabi na ikaw lang kakain? Ako rin no! Dito na ko kakain. Tara na! upo ka." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Agad niyang hinila ang isang upuan at naupo na. Ano daw? dito siya kakain?  "What are you doing? Close ba tayo?" I said. Natawa naman siya. Ano ba talaga ang nakakatawa?  "Hindi, kaya nga dito ako kakain para maging close tayo!" sabi niya.  "Huh? Tinanong mo ba ako kung gusto kong kasama ka? Leave me alone. Gosh!" inirapan ko siya at agad na umupo sa harapan niya. "Sige, labas muna ako." he wiggled his eyebrows again. I hate that move, it's annoying. Dali dali siyang lumabas ng kubo. Kaya naman ay nakahinga ako ng maluwag. Tumayo ako ulit upang kumuha nang pinggan. Kakain na sana ako kaso naalala ko na wala pala akong kainin. Oh my gosh. Wala ring bigas dito! Now what? Adobo lang ang kakainin ko? Maybe I can eat some tinapay with adobo. Pwede naman siguro yun diba? Parang siopao lang. Kukuha na sana ako ng tinapay ng makarinig ako ng pagsara ng pinto. At tama nga ako. It's Rano, again. Bakit ba siya pumapasok bigla? Is it really okay here na papasok ka nalang sa kubo ng kahit sino? Weird. "Hey! Bakit ba pumapasok ka nalang bigla? What are you doing here? again? At ano yang dala mo?" "Hoy, isa isa lang grabe naman to. Kanin tong dala ko. Alam ko kasing wala kang kanin diyan eh." sabi niya na lang. Oh, wala naman talaga akong kanin. "How did you know that?"  "Ah eh, ako kasi nag prepare ng mga pagkain mo kanina. Inutusan ako ni Don Griego. Hindi ako bumili ng bigas kasi ano, di ko alam kung marunong kang magsaing." Wow? He's so judgemental pala. Porke anak mayaman? Well marunong ako mag saing but hindi ako ganoon ka expert. Mabagal ako magsaing eh.  "You're so judgemental pala. Whatever. Marunong naman ako. Just put the rice there and you can leave. Thanks again." I said. Agad naman siyang natawa. Ano ba yan. "Hoy, good for two kaya tong dala ko. Hindi mo kakayanin to mag-isa. Kaya dito na ako kakain. Hehe." ani niya. Ang kulit niya talaga! "Whatever. As if I have a choice." inirapan ko nalang siya. Agad naman siyang tumawa at hinanda na ang mga kakainin namin. I guess I should try to be nice naman sa kanya. Mukha naman siyang mabait. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD