Chapter 1

1077 Words
"s**t!Late na ako, one way pa!"bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa maluwag na kalsadang papunta sa eskwelahan. Kapag naabutan kasi ng 6:30 ay paniguradong mag wa one way.at ito na nga iyon. Nang nag-go na ay hindi na ako naghintay na may dumating na jeepney at agad akong sumakay sa bus. Marahan kong inayos ang puting palda ko at umupo sa bandang likod sa tabi ng bintana. "Feel the moment Yanna tutal mapaparusahan ka naman mamaya at mabibilad nanaman sa tirik na araw" sabi ko sa sarili ko habang dinadama ang hampas ng hangin sa aking mukha.tuwing may nalalate sa amin ay kung hindi kami patatakbuhin sa quadrangle ay tatayo kami sa gitna doon kasama ang isang officer na nagpaparusa sa mga tulad kong late. "I just don't like her. Ayoko ng pinipilit ako sa babeng di ko naman gusto—" napalingon ako sa iritadong boses ng lalaki sa tabi ng upuang pwesto ko. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang crush ko noong nakaraang taon nung elementary. Hindi niya ako pansin. Pero yung lalaking kasama niya ay nakatitig sakin,nakataas ang kaliwang kilay. Ang gwapo naman nito.namula ako sa pagtitig nya at napaiwas ng tingin. "KUYA, PARA!" narinig kong tumawa yung lalaking nakatinginan ko dahil lumagpas na ako sa babaan ko at nagmabilis na tumakbo papuntang tricycle. Kainis gwapo sana kaso kakabwisit. Hindi ko maalis ang isip ko sa lalaking kasama ni Bien, yung kasama nung crush ko noong elementary. Gwapo kasi talaga siya.Sa tantya ko ay nasa 5'9 ang height niya,matangos ang ilong singkit din tulad ko pero bagay na bagay sa kanya ang pagkasingkit ng mata, medyo makapal ang kilay yung para bang inayos ang kilay niya tapos yung labi nya manipis ay!tama na! At ako?hindi ako kagandahan tapos mataba pa ako, namumutok ang mukha ko sa pisngi dahil sa taba ko at pumuputok din ito sa dami ng tigidig ko sa mukha. siguro iyon ang dahilan kung bakit siya nakatitig sakin. Kung sa ibang mga kwento sa pocket book na nababasa ko ay tititigan ng lalaki ang babae dahil nakuha nito ang atensyon nito at magkakainlove-an sila. sakin kanina ay hindi. Nakatitig siya dahil halos di na makita ang mukha ko dahil sa tigyawat ko. Asar "Uy Avyanna on earth, Avyanna on earth" Nawala ang isip ko sa sabay na sigaw sa mukha ko ni Eunie at Coreen.inirapan ko lang sila at binalik ang tingin ko sa mga nag naglalakad sa labas ng classroom namin. Sport fest ngayon at walang klase kaya ayun at tambay lang kami dito sa school. Sana pala di na lang ako pumasok. Hays "Uy, Ayanna di ka ba talaga makikinig?" "Ano ba yun?"bored na tanong ko kay Coreen habang nahikab at nag nag-iinat ng katawan. "ang sabi ni Eunie ay punta tayo sa kanila." Sabi nya habang nagreretouch ng pulbo sa mukha at lipgloss. Itong isang ito napakaarte akala mo dalagang dalaga na e. "Huh e pano tayo makakaalis dito sa boring na school na to e mamaya pa tayo palalabasin ng guard" nagngiting aso silang dalawa . "Talagang di nakikinig ng usapan itong isang to e. Tatakas nga tayo. Doon tayo sa may likod ng gym dadaan may hagdan doon palabas ng school e. " napailing ako sa gusto nila. Kapag nahuli kami at paniguradong lagot ako kay papa dahil kabatch niya iyong guidance counselor sa school na to paniguradong balita agad yun kay papa! Sinabi kong sila na lang pero hinila nila akong dalawa. Nagkandahulog hulog pa ang gamit ko sa bag dahil hindi pa naman ito nakasara kanina. "Sabi kong ayoko nga, kayo na lang!"hinihila ko ang sarili ko sa kanila pero ang lakas nila. To think na ako ay mataba at silang dalawa ay parang isang ihip na lang ng hangin ay makakalas na ang mga buto. Maganda silang dalawa. Si Eunie ay may pagkamorena, payat sya oo pero maganda, matangos ang ilong at mahinhin na may pagboyish ang kilos. Si Coreen naman ay mahinhin din pero mas maarte, palayos sya, maliit na babae at payat din sya. maputi at laging may headband sa ulo.samantalang ako ay hay nako wag na lang. kabaligtaran nila. "Eunie ang laki pala ng bahay ninyo." Namangha ako ng makita ang bahay nila. Kanina kasi ay hindi ko napansin kasi sa labas ay simpleng mga bahay lang ang nakikita ko nasa bandang loob pa kasi ng eskinita ang kanilang bahay. "Naku hindi naman amin tong bahay e. sa kuya ko ito, yung childhood friend ko. Pag umuwi ako sa amin tiyak na lagot ako kina mama no." napakunot noo ako. Hindi ba nakakahiya sa kuya niya iyon? "KUYAAA!" patalon talon sya sa gate ng bahay na tinigilan namin, maliit siya pati si Coreen kaya di nila makikita ang loob kung hindi sila papatong sa upuan o tatalon. Samantalang ako ay walang kahirap hirap na nakikita ang loob. May lumabas galing sa kulay gintong pintuan. Nanlaki ang mga mata ko dahil yung lalaki sa bus yung lumalabas sa pinto! Pag sinuswerte ka nga naman oh! pero hindi nawaglit ang paningin ko sa kanya dahil nakatingin sya diretso sa mga mata ko nakakatunaw, nakaboxer lang sya at nakatopless. Shet! Ano yung nakaumbok? Gusto kong umiwas ng tingin pero para akong naeestatwa sa pagtitig niya. Para akong matutunaw. Kumunot ang noo niya at marahas na binuksan ang gate. Hindi ng apala niya alam na nandito si Eunie kasi ako lang dn ang kita kasi sa gate gawa ng maliit itong dalawang kasama ko. "Aray! Azi naman e!"Nawala na lang ang pagtitig ko sa kanya ng biglang tumili si Eunie at tumawa ng malakas si Coreen dahil sa pagkahulog ni Eunie sa sahig. Nakasandal kasi sya sa gate kanina bago mabuksan ito ng kaibigan nya. "Oh Eunica nandito ka pala. Bat di ka nagtext?" tinulungan niya si Euni na tumayo na medyo natawa din dahil halos patayin siya sa tingin nito dahil sa sinapit niya. "Naiwan ko ang phone ko sa bahay e." maiksing sagot nito at pumasok na sa loob. Ako naman si ewan na naestatwa lang sa labas nakatingin padin sa boxer niya na may kung anong matigas na bagay na nandoon, ano iyon? Nilalagay na sa boxer ang cellphone? "Hey, do you want me to take off my boxer?"napatalon ako sa gulat ng bigla siyang yumuko para pumantay sa paningin ko. Napa-iling ako at binigyan lang siya ng nakakunot ang noo at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko at hinila papasok ng gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD