“Conceited freak! ‘Yong kaguwapuhan niya umakyat na sa ulo niya. Feeling lahat nang babae makukuha niya sa mga pagpapa-cute niya! Ang yabang talaga! Kahit siya ang boss ko hindi ko mapapayagan na basta na lang magpapahalik sa kanya. Hindi siya gaanong klaseng babae” Nagpupuyos ang kalooban niya. Malalim siyang bumuntong hininga para pakalmahin ang kalooban niya. Dumaan ang ilang sandali tuloyan na siyang kumalma. Sobrang pagkapikon ang naramdam niya kanina. Nag-init nang husto ang mukha niya nang maalala ang mga naganap sa loob nang opisina. “Nagagalit ka sa boss mong sobrang hot pero kanina may papikit-pikit ka pa. Gusto mo rin naman na halikan ka niyang muli” turan nang konsensiya kung kontrabida at pakialamera. “Hindi totoo yan!” giit niya. “Naiinis ka kasi hindi niya tinuloy an

