“Ma’am Hannah, ang dami mong namiss kahapon sa day off mo. Ang guwapo nang big boss natin. Naku tumulo ang laway ko at lumuwag ang garter nang panty ko nang matitigan ko siya. Sa penthouse s’ya tumuloy” Excited na sabi ni Zylen. Hindi ko napigilan na matawa sa mga sinabi niya. Si Zylen ang manager sa kitchen and restuarant nang hotel na naging kaibigan ko na rin. Hindi lang ang sarili ko ang binago ko kundi ang pangalan ko. Hindi na ako si Hazel Almonte kundi ako si Hannah Baltazar. Ginamit ko ang pangalan nang aking ina at ang apelyido nang aking ama. Takot ang nanaig sa akin nang umalis ako nang Maynila na maaaring kunin ni Greyson sa akin ang anak ko. Sa tingin ko effective ang ginawa kung pagbabago sa sarili ko at sa pangalan ko dahil tatlong taon na naging tahimik ang buhay ko. Malay

