“ Ang sarap ng adobo mo ate,” sarap na sarap na kumento ni Mikay. Nakailang sandok na siya ng kanin. “ Kapag ito palagi ulam ko ate, tataba talaga ako.” Dagdag naman ni Mikoy. Kinilig ako sa Kambal. Paborito rin kasi nila ang adobong baboy na may gata. " Haha! Kumain na nga lang kayong dalawa.” natatawang saway ko sa kanila. Napapailing na lamang si Lola Urzula sa kambal para kasi itong mga patay gutom. Haha! “ Dahan-dahan naman, Mikay baka mabilaukan ka niyan.“ Saway ni Lola Urzula at kamot-ulo namang ngumisi si Mikay, parang ewan. “ Ang sarap kasi, La. Kasalanan ito ni Ate kung bakit niya sinarapan eh.“ Sisi nito sa akin. Gagi! Sinisi niya talaga ako. Pinagtaasan ko naman ng kilay si Mikay. “ Sorry po ate. An mg sarap kasi,” kamot-ulong sabi niya sabay na nilantakan ang escabec

