Francis's POV At dahil sa pagtatagpo ng mag-ama, muling nabuo ang pagkatao ng kambal. Di naman sila umalis sa puder namin ni Lola Urzula. "Maraming salamat, Ate Francis, sa lahat-lahat ng kabutihang nagawa mo sa amin ni Mikoy," sambit ni Mikay sa akin sabay hawak sa aking kamay. "Wala iyon, basta para sa inyong dalawa. Pero wag niyo kaming iiwan ni Lola Urzula ah? Kahit alam niyo na kung sino ang totoo niyong tatay, baka kasi bigla kayongmakalimot sa amin ni Lola Urzula," sabi ko, pilit na pinipigilan ang pag-aalala sa aking boses. "Di yan mangyayari, Ate. Ikaw lamang ang nag-iisang best sister ko in the whole planet," sabi ni Mikay, niyayakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang init ng pagmamahal at tiwala sa kanilang mga mata. Hindi iba ang tingin nila sa batang inampon ng kanilang am

