CHAPTER 1

1159 Words
“Elianna you can come in, the big boss is waiting inside,” napapitlag si Elianna nang marinig ang sinabi ni Andrea. Ang secretary ng kanilang boss. Halos ilang minuto na rin siyang nakatayo sa pintuan at hindi niya alam kung ba’t siya tila kinakabahan nang pinatawag siya ng boss. Halos mag-iisang taon na rin siya sa kompanya, and this is the first time na ipinatawag siya ng kanilang boss, na siya lang mag-isa. Mabait naman ito at hindi ito 'yung tipong pinangingilagan ng mga empleyado. He’s the owner of one of the biggest Construction company sa Pilipinas at nag-branch out abroad. At dito siya na-assign ngayon sa Singapore branch. A.Arguellez Construction offers a mix of architectural and civil engineering services related to construction. Mga magagaling na engineers at architects, at isa siya sa arkitetkto ng kompanya. Huminga siya nang malalim bago kumatok sa pintuan, she opens the door when she heard, “Come in,” halos lumubog ang takong ng kanyang sapatos sa mamahaling carpet ng opisinang iyon. “Take a sit Miss Lorenzo,” sabi nitong ni hindi siya magawang tingnan at patuloy lang itong pumipirma sa mga dokumentong nasa mesa nito. Bagama’t hindi ito 'yung first time niyang nakapasok sa opisina ng presidente ay nagugulat pa rin siya sa karangyaang nakikita sa loob. Minimal lang ang gamit pero alam niya kung gaano kamahal ang mga iyon. “Pinatawag mo raw po ako sir,” saka lang ito napaayos nang upo mula sa pagkayuko sa mga papel sa harapan nito. Tiningnan siya and a smile form in his lips, napangiti na rin siya at unti-unting nawawala ang tensiyong nararamdaman. The old man is strict but nice! Bigla niyang naalala ang kanyang ama, halos magkaedad lang ang mga ito. God knows how much she misses her parents. “Yeah, at hindi na ako mag paligoy-ligoy pa miss Lorenzo, I want you to assign to our other Branch,” Walang gatol na sabi nito. “Meron po ba tayong bagong Branch sir?” She stupidly asked. How come na hindi niya malalaman kung merong bagong tayong branch? “I want you to transfer to our head office in Manila, the chairman chooses you. He was so impressed with your interior designs, at gusto ng chairman na ikaw ang gawing project manager for our condominium projects. Nakaline-up na ang construction ng condo's, and Mr. Chairman wants you to be there sooner at mapag-aralan mo ang proyekto,” mahaba at detelyado nitong pahayag sa kanya, ngunit tila nawala siya sa kanyang sarili pagkarinig nang salitang Pilipinas. Shocked was an understatement, hindi dahil sa hindi niya gusto ang proposal, in fact this is her greatest dream, a big break in her career. Pero ang gagawin 'yun sa Pilipinas ay isang malaking dagok para sa kanya. She had her own reasons, and Philippines is the last place na gusto niyang tapakan, not because hindi niya mahal ang sariling bansa. Far from it. May pilit siyang iniiwasang mga tao, na ayaw niyang makabanggaan habang buhay. At kung kinakailangang hindi siya uuwi para hindi niya makasalubong isa man sa mga taong 'yun ay willing siyang gagawin even if it’s mean na hindi niya madalas makita at makasama ang mga magulang. “B-but sir, marami po tayong magagaling na architects and engineers. I’m afraid I-I can’t come up with your expectations sir. I am new at this career, at hindi pa po ako ganoon kabihasa sa ganitong larangan. Lalo na’t masyadong malaki po na proyekto,” she’s trying to reason out, pero nakita niyang useless lang ang paliwanag niya dahil napangiti lang ito at sininop ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa at tumayo na. "My secretary will arrange your flight miss Lorenzo as soon as possible, and that’s the tough order. We will have a final discussion when you arrive there,” tiningnan siya nito nang makahulugan, at tila siya nanlamig sa titig na iyon. Do I have a choice? Mag-resign na lang kaya ako? But resigning is just unreasonable, and childishness act. This is her dream job, at kakasimula pa lamang n'ya. Kaya ko bang e-give up ang career ko just because of someone na iniiwasan ko? She questioned herself, but she determined on pursuing her dream. She must put the past under the bridge kung gusto niyang mapapasakanya ang buhay na gusto niya. Kung hahayaan niyang manaig ang nakaraan for sure wala siyang mararating. Siguro masaya na ang mga iyon sa buhay nila. While she? Still mourning? Of course not! “I have to go Miss Lorenzo, I need to catch my flight way home. I mean to Philippines,” untag nito sa malalim n'yang pag-iisip, at bigla naman siyang natauhan. “Magkikita na lamang tayo doon sa manila for sure few days from now naroon ka na rin.” “Have a safe flight po sir, babalik na po ako sa trabaho,” nagugulat pa rin siya sa kaalaman pero unti-unti na rin itong nag si-sink-in sa utak niya at unti-unti na n'yang tatanggapin at haharapin ang anu mang-iniiwasan niya. “Miss Lorenzo, I believe in your capability this is new to you but I know kaya mo ito. Marami kang makakasamang magagaling sa proyekto so there’s no need for you to worry,” ni hindi na niya nagawang lumingon nang mag salita itong muli. "Good luck and see you there." She just whisper her “Thank you sir,” hindi niya alam Kung narinig pa nito iyon at tuloy-tuloy na siyang lumabas sa opisina nito. Hindi niya namalayan nakarating na siya sa kanyang cubicle. "Ba’t namumutla ka Elly? Is there anything wrong na sinabi ni sir?” Napapitlag pa siya nang marinig ang tanong na iyon ni Alyssa. Alyssa is her close friend, Filipina rin ito at sabay silang apprentice. Under sila kay Architect Edward Francisco, ang kanilang senior Architect dito sa Singapore. Sabay din silang nag-take ng board exam at pareho ring kinuha ng A.Arguellez. At lalo silang naging malapit sa isa’t-isa. “Sir Arguellez informs to assign me in head office,” napabuntong hininga siya nang maalala ang pinag-usapan nila ng boss kani-kanina lang. “What?! At kailan daw?!” Hindi rin maitago ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan nang isiwalat niya ang sinabi ni Mr. Aguellez. “As soon as possible daw at gusto ng chairman na agaran akong umuwi at pag-aaralan ko ang mga projects na ma-under sa ’kin,” she still can’t believe it, pero unti-unti n'yang tinatanggap alang-alang sa trabaho. “Pero nagtataka Lang ako bakit agad-agad ang pag-transfer sa 'yo sa Maynila. Hindi sa pag-under estimate sa kakayahan mo frenny ha, alam kong napakagaling mo at matalino, plus factor na lang ang kagandahan mo. Pero 'di ba marami na ang mga magagaling at matatagal na Architects dito? Sobrang nakakalula kasi 'yang binibigay sa 'yo na attention, sa isang baguhang tulad mo,” ganito ka prangka at may pagkakalog si Alyssa. At sinabi lang nito ang mga nasa isip niya, sobra rin siyang nagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD